Chapter 16

62K 567 32
                                    

Chapter 16: Work

--*--

Mikay's POV

Maaga akong nagising kaya napagpasyahan kong ako naman ang magluluto. Syempre, ayoko namang lagi niya kong pinagsisilbihan or what. Hindi naman ako pinggan na mababasag.

Pinili kong lutuin ang bacon at itlog. Favorite breakfast ko yon e. Hehe. Naglalagay na ako ng pinggan sa lamesa ng makita ko si Gino na shirtless na nag-aayos ng basa pang buhok.

"Good morning!" Nakangiti kong bati. Pinigilan kong tumingin sa abs niya. Grr..

"Morning.." Bati niya rin with husky voice pa. "You don't have to that. I want you to rest."

I rolled my eyes. "Gino, buntis ako. Hindi baldado."

"I'm just worried."

"You don't have to be. Kaya kong alagaan ang sarili ko."

"Fine. Mag-ingat ka lang palagi."

Tumango ako para matapos ang usapan. Dumiretso naman siya sa kusina. Naupo na lang ako at hinintay siyang makabalik. Malayo pa siya ay alam ko na kung anong meron sa hawak niyang tasa:

Kape.

Hindi ko alam pero parang bumaliktad ata ang sikmura ko. Madali akong dumiretso sa banyo at sumuka sa toilet.

"Hey.." Narinig ko ang nagmamadaling yabag ng paa ni Gino. Agad naman siyang nakalapit at hinagod ang likod ko. "Are you okay?"

Pinunasan ko ang bibig ko bago tumango. Inalalayan niya ako sa pagtayo. Tinakpan ko ang ilong ko dahil baka sumuka na naman ako sa amoy ng kape. Ugh.

"I disposed the coffee already." Sabi niya. Binaba ko naman ang kamay ko at napansing wala na nga ang amoy ng kape. "First morning sickness, huh?"

"Maraming beses na to no."

"I mean, with me."

"Bat nakangiti ka?"

Nagulat naman siya at biglang nagpoker face. "W-wala."

Pinaghila naman niya ako ng upuan at nagsimula na kaming kumain.

--*--

Gino's POV

Hindi ko alam pero natuwa ako na nagkamorning sickness si Mikay. Hindi masaya dahil nagsusuka siya pero natutuwa lang ako na para kaming mag-asawa. Na-experience ko yung inaalalayan siya dahil sensitive siya sa isang certain na pagkain.

"Good morning, Ma'am. Good morning, Sir." Bati ng secretary ko samin na medyo bias kasi mas inuuna niyang batiin si Mikay kesa sakin.

Dumerecho naman kami sa opisina ko. "So Ashley, like what I said to you yesterday, my wife will handle all the new applicants."

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon