Chapter 1

223 7 4
                                    

CHAPTER 1~

Masungit.

Pinaka-unang description ng mga taong kilala ako. Hindi naman yung tipong minsan lang nagsasalita. Pero talagang sa mga kakilala ko lang talaga ako masyadong makwento. At sa kilalang-kilala lang ako makikitang tumatawa. Though, ngumingiti naman ako sa mga kaibigan ngunit konti lang talaga ang nakakakita sa akin na tumatawa.

'hello, Nate!'

 

'Ang gwapo mo naman, Nate!'

 

'Nate, I'm ready to mingle,' 

Ang gulo naman ng mga babaeng 'to, kitang nakikinig lang ako dito eh, at saka ano na naman ang pinuputok ng mga buche nito? Nakakaasar ah, hindi ko nalang sila pinansin at umalis nalang sa inuupuan ko kanina. 

I'm Nate Aguilar. Fresh graduate sa high school at may planong maging Engineer. Mag si-17 na ako this year at NGSB.

'Yun lang. Nakakairita talaga ang mga introductions.

 *** 

Nandito ako ngayon sa isa sa mga paaralan dito sa Quezon City. Ang totoo niyan eh taga-Tarlac ako at napagpasyahan lang ng mga magulang ko na dito ako pagpaaralin dahil maganda raw ang sistema dito sa syudad. Hindi kami mayaman at 'yan ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito sa QC, upang magtake ng scholarship sa isa sa mga prestigious school dito.

Nakarating na ako sa paaralan at may naramdaman akong kakaibang pakiramdam nang makapasok ako sa mismong gate. Para bang dahil sa paaralang ito ay matutupad na ang mga pangarap ko sa buhay. Konting tanong lang ay nakarating na ako sa building kung saan ako magtatake ng exam.

Nakaupo na ako at handang-handa na para sa exam ng biglang bumukas ang pinto na naging dahilan ng paggawa nito ng napakaingay na tunog. Pumasok roon ang babaeng napakagulo ng buhok at hingal na hingal na nakahawak pa sa kanyang mga tuhod. Nang tinaas niya ang kanyang ulo ay saka lang niya napansin ang mga taong nakatingin sa kanya.

Agad siyang napakamot sa kanyang ulo at--

"he-he-he, pasensya na, akala ko kasi malalate na ako sa exam. Eto ba yung para sa Computer Engineering?"

Nakatingin lang ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagkabigla niya nang walang niisa man na sumagot sa tanong niya. Mabuti nalang at dumating ang proctor at ito na mismo ang sumagot sa tanong niya.

Mas lalo akong nabigla nang umupo siya sa katabi ng inuupuan ko. Marami pa namang bakante eh, ba't dito naman niya napili? Kaya nga ako nagpakalayo-layo para walang istorbo.

Ipinasa na ng proctor ang mga test papers at nagsimula na akong magsagot.

"Kuya?" narinig kong tanong niya sa kung sino mang lalaki. 

"Kuya?"

"Aist, kuya, bingi ka ba, Oh ano?" sabi nya sabay kalabit ... s-sakin?

Nilingon ko siya, "Bakit?"

"ah, ano kasi, may papel ka ba? naiwan ko kasi yung--"

"Oh eto, " 'di ko na siya pinatapos.

Maya-maya . . .

"Ahm, kuya?" 

Ano na naman bang kailangan ng isang 'to.

"Ano na namang kailangan mo?" medyo naiinis na tanong ko.

"Ahm, may ano po ba kayo, eraser?" parang batang tanong niya. Baka nahalata niyang napipikon na ako.

"Alam mo miss, kung hindi ka naman pala handa na mag-take ng exam, sana hindi ka nalang pumasok." sabi ko sabay tayo at pasa ng tests papers ko sa proctor.

"Sungit." Narinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang makaalis sa room.

Nakakayamot naman ang babaeng 'yon. 'Di ba niya nahahalata na nakakadisturbo na siya? Pambihira talaga oh. Mabuti nalang at nakasagot ako ng maayos kanina.

Uuwi nalang ako at itutulog ko 'tong bad vibes na nakuha ko dahil sa babaeng 'yon.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon