Chapter 23

46 0 0
  • Dedicated kay IV-Jules
                                    

CHAPTER 23~

Tumakbo na ako para lang maabutan si Aly. Kailangan niya ako sa panahong 'to. Gusto ko rin siyang samahan sa mga panahong umiiyak siya, katulad ng ginawa niya sa akin.

Somehow, parang nakakita kami ng sandigan sa presensiya ng isa't isa.

'Asan na ba 'yung babaeng 'yon? San ba siya pumunta? Baka mapano na 'yon. 

Hingal na hingal na ako sa kakatakbo. Nilagay ko ang kamay ko sa may tuhod ko ng tumigil ako sa pagtakbo, grabe, hinihingal na ako, pero hindi ko pa rin nakikita si pandak.

*huk.. H-huk. huk-huk..*

Napalingon ako sa may dagat at 'andun ang babaeng kanina ko pa hinahanap. Naka-squat at nakatago ang mukha sa kanyang mga kamay.

Nilapitan ko siya. .

"P-prince, so-sorry, kung ginagawa ko 'to. P-patawarin mo sa-sana a-ako."

Huh? Siya ang pinagtataksilan ni Prince pero siya 'yung humihingi ng tawad? 

"Hiwalayan mo na kasi siya, Aly." sabi ko naman sabay upo sa tabi niya.

"N-huk-Nate, w-wala kayong na-iintindihan. Huk. Hi-hindi ko pwedeng g-gawin 'yon. Pamb-bawi man la-lang sa ginagawa ko sa kanya." 

"Siya pa nga ang may kasalan sa'yo, Alyssa eh. Baka nakakalimutan mong nagtataksil siya sa'yo." Iyak pa rin siya ng iyak. 

"Umaayon sa p-plano *huk* ang lahat. K-huk-konting panahon nalang *huk*, hihiwalayan niya na a-ako. *huk*" ngumiti pa siya ng pilit na akala mo'y ikinatutuwa niya talaga 'pag iniisip niya ang bagay na 'yon. 

Ngayon pa ngang nilalayuan na siya ni Prince lubos na siya sa pag-iyak, pano nalang 'pag nakipaghiwalay na si Prince sa kanya? 

"Bakit mo ba kasi 'to ginagawa ha? Kung nasasaktan ka rin naman, bakit mo pa 'to ginagawa?" nakakainis lang isipin na hindi niya pinaglalaban ang tao na mahal na mahal siya. 

Maswerte pa nga siya eh, hindi katulad kong wala man lang nagawa. Ni hindi ko nga napaglaban si Nadine eh. 

"B-bakit? Kasi, kailangan. A-akala mo b-ba hindi ako nasasaktan sa tuwing magkasama sila nung babaeng 'yon? *sob* Kung pwede lang sana hinila ko na siya palayo kay Prince sa tuwing magkahawak sila eh. Kung maari ko lang siyang paalisin sa tabi ni Prince para kami ang nagtatawanan at hindi sila, ginawa ko na! *huk* Ang hirap magpigil nito Nate! Ang h-hirap *huk*" nagiging hysterical na siya ngayon. Ang lakas na nang paghikbi niya. 

"Ssssssh. Sorry, alam kong wala akong alam sa rason mo kaya wala akong karapatan na husgahan ka. 'Wag ka na ngang umiyak." Tsaka ko siya hinila para yakapin. Mukhang nagulat pa nga siya sa ginawa ko eh.

"Makakaya natin 'tong lagpasan, Al--"

"AAAAAAAAAH! A-ARAAAY. A-ANG SAAAK-KIT!" nataranta ako ng bigla siyang sumigaw kaya agad agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya at nakita ko siyang hawak hawak ang ulo niya.

"Hooy, pandak! Anong nangyari sa'yo? Huuuy?" natataranta narin ako dito. Sa reaksyon kasi ng mukha niya parang hirap na hirap siya eh.

"AAAAAAAAAHHHHH!" hawak hawak pa rin niya ang ulo niya na parang mamatay siya 'pag binitawan niya ito.

Kumilos na ako para buhatin siya papuntang bahay. Nung karga ko na siya at nagsimula na akong tumakbo ay nawalan naman siya ng malay.

"Hooy! Pandak! Gumising ka nga diyan. Ayy, di, joke lang. Pwedeng 'wag muna basta gigising ka pa, okaaay?!" takte. Kinakabahan na din ako rito. 

"K-kuya?!" 

"Cheska? Eska, ikaw ba 'yan? Tawagin mo nga si mama at papa. Bilis." mabuti nalang at nasa pintuan ang kapatid ko at nautusan ko kaagad.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon