Chapter 13

65 3 0
                                    

CHAPTER 13~

Nalaman ko kay pandak na kinausap niya na si Prince at nagkaliwanagan na sila. Ngunit hindi parin siya masaya. Kasi hindi parin siya pinapatawad nia Kyla. Ang gulo talaga ng mga babae.

Puspusan ang pag-rereview namin ng araw na 'yon. Nakausap ko lang si Nadine tuwing break namin. Naiintindihan rin naman daw niya na busy ako. Naaabala nga ako kasi ang lungkot ng boses niya eh.

Nung natapos kami sa review ay gumagabi narin. Uuwi na sana ako ng makita ko si pandak na nakaupo sa isa sa mga bench.

Nilapitan ko siya at tinanong kung sino ang hinihintay niya.

"Susunduin kasi ako ni Prince."

Nakiupo nalang din ako kasi delikado kung iiwan ko 'tong babaeng 'to. Matagal-tagal narin kaming nakahintay don at nakailang tawag narin si pandak sa Prince na 'yon pero wala naman daw sumasagot. Nagpasya akong ihatid nalang siya.

Tahimik lang siya sa paglalakad namin. Mukhang malalim ang iniisip.

"Kung iniisip mo kung bakit hindi ka niya nasundo. Itanong mo nalang sa kanya. Para wala kang masyadong iniisip. At saka, bukas na ang contest kaya dapat good vibes lang tayo sa ngayon."

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at akala ko babalewalain niya na ako. Pero isa lang ang sinabi niya hanggang sa makarating kami sa kanila.

"Hindi naman niya ako responsibilidad. At kaya ko namang umuwi ng mag-isa. Sana hindi nalang siya nagsabi na susunduin niya ako para kahit paano, hindi naman ako nag-expect."

Tama naman siya kaya tumahimik nalang ako. Hindi ako makapaniwala na makakaramdam ako ng kapayapaan kasama ang babaeng 'to.

Siguro nga, kaibigan narin ang turing ko sa kanya.

Kinabukasan, hinanda ko na ang sarili ko sa contest. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at feeling ko naman handa na ako.

Kaya pumunta na ako sa campus at nakita ko si pandak na prenteng nakaupo sa labas ng room. Ang aga naman ata. Excited?

"Aga natin ah!" sabi ko sabay tabi sa kanya.

"Maaga kasi akong nagising. Tumawag si Prince nag-explain at saka nag-good luck narin." sabi niya na may ngiti sa nga labi. Inspired ang loka. Mabuti nga para manalo kami.

Naalala kong hindi ko pa nakakausap si Nadine kaya nag-excuse muna ako saka ko siya tinawagan.

"Nate, sorry hindi kita matawagan. Naubusan ako ng load. Tapos ayaw kong lumabas ng kwarto eh! I miss you boyfriend ko!" sabi niya agad ng masagot ang tawag ko.

"Okay lang. I miss you too. Ihanda mo ng sarili mo dahil ipapanalo ko talaga 'to." sabi ko.

"Good luck Nate! Para sa akin, number one ka, win or lose man 'yan. Just do your best, okay?" masiglang sabi niya.

"For you I'll win this."

"Nate, tawag na tayo ni prof. Alis na daw tayo!" sabi ni pandak. Kaya agad akong nagpaalam kay Nadine at saka sumunod sa kanila ni prof na nakaupo na sa service ng school.

"And the winner goes to Mr. Nate Aguilar and Ms. Alyssa Mendez. Kindly come up on stage and claim your trophies." ayos! Panalo kami kahit sobrang hirap ng mga question.

"Yes, may bago na naman akong decoration! Nate dali! Kunin natin yung trophy!" sabi ng kasama ko. Ang totoo mukhang mas natutuwa pa siya na makuha yung trophy kaysa sa pagkapanalo niya. Ang weird talaga.

Pagbaba ko ng stage nagulat ako kasi nakita ko si Nadine at niyakap niya ako. Sa tuwa ko ay niyakap ko rin siya.

"Omg, Nate. Ang talino mo talaga. Walang kupas. I love you!" sabi niya.

"Sabi ko sa'yo eh. Mananalo ako."

"Hoy! Tayo kayang dalawa ang nanalo." lapit sa amin ni Nadine kasama 'yung boyfriend niyang si Prince.

"Hi Ms. Alyssa! Congrats po!" sabi ni Nadine kay pandak. Bakit ang laki ng respeto nila sa babaeng yan? Kung alam lang nila.

"Haaay nako. Nadine diba? Wag mo akong tawaging Ms. Magkalevel lang tayo. Pantay tayong lahat. At saka thank you." sabi naman ni pandak.

"Tara celebrate tayo? My treat. Sama na kayo Nate!" sabi naman ni Prince. Sus. Palakas!

"Oo nga. Tara Nate. Mag-double date nalang tayo!" pagsang-ayon naman ni Nadine.

Haaaay. Ano pa bang magagawa ko?

"Pssst. Wag ng maarte. Tara na!" sabi naman ni pandak.

"Oo na. Tara Nadine! "

"Hala si damu, pacute kay Nadine oh!" sabi ni babaeng weirdo.

"Shut up pandak!" ganti ko.

Tiningnan lang kami ng aming mga kasintahan na may mga amusement sa mga mata.

"Nadine, anong nakita mo kay damu? Bakit mo siya sinagot eh ang pangit niya naman!" bakit ba ang ingay ng babaeng 'to? Ganito ba talaga siya kahit kailan?

Tumingin naman sa akin si Nadine sabay sabing, "Siguro ginayuma niya ako."

Nagtawanan naman silang lahat. Kinakawawa nila ako. Kaya gumanti rin ako kay pandak.

Natapos ang gabing 'yon na nag-aasaran lang kaming lahat tapos magtatawanan. Mukha ngang matagal na kaming magkakilala dahil kung magtawanan kami ay wagas.

Mga hating-gabi na kaming natapos sa kwentuhan. Ang dalawang babae kasi natuwa masyado sa isa't isa.

Masasabi kong masaya ako sa araw na 'to. Hinatid ko lang sa may entrance ng subdivision nila si Nadine. Kaya na raw niyang pumunta mag-isa.

Masaya ako ngayong araw na 'to. Nanalo kami ni pandak sa contest. Nakasama ko pa si Nadine.

Nakakilala rin ako ng maaaring maging mga kaibigan. Sa katauhan nila pandak at ni Prince.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon