Chapter 5

87 5 0
                                    

CHAPTER 5~

Hapong-hapo na ibinagsak ko ang katawan sa kama ng apartment na inuupahan ko. Grabe, pagod na pagod ako. Feeling ko naubos lahat ng energy ko.

Kung sa karaniwang araw lang ay isa lang ang emosyong napapakita ko, ngayon yata ay nagbaha ng emosyon ang sarili ko. Umaga pa lang ay ang dami ko ng naengkwentro.

Bigla kong naalala ang pagkikita namin ni Nadine kanina sa caf. Hindi talaga ako makapaniwala na makikita ko siya sa paaralang iyon.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko nang maalala kong hindi ko pa pala natatawagan sila mama at papa tungkol sa magandang balita na natanggap ko kanina.

~ring ring~

mama: hello anak? kumusta kana ?

ako: mama, okay lang naman po ako rito. kayo po jan?

mama: okay lang naman anak, oh, bakit ka nga pala napatawag?

ako: mama, may sasabihin po sana ako sa inyo.

mama: ano yan, nak, kinakabahan na kami rito ha.

ako: haha, mama bakit naman po kayo kakabahan? sasabihin ko lang naman pong nakapasa ako sa exam at makakapag-aral na po ako sa kolehiyo.

Biglang natahimik sa kabilang linya kaya akala ko pinatay na nila pero maya maya lang ay nakarinig ako ng sigawan. Sigurado akong alam na ng buong pamilya ang balita kaya ganito kaingay.

ako: mama, grabe, hindi naman po kayo masaya niyan noh?

Natatawa kong tanong.

mama: anak. proud na proud ako sayo. pagbutihin mo ang pag-aaral ha? alam mo naman na scholarship lang ang makakatulong sayo para makapagtapos.

ako: mama, ang iyakin niyo po talaga  . . . pagbubutihin ko po, at bibigyan ko po kayo ng magandang kinabukasan. pangako yan mama.

mama: nate, huwag naman puro aral ha. pwede ka naming mag-nobya nobya jan.

ako: mama talaga eh,

mama: totoo naman eh, sigurado akong marami ng humahanga sayo jan. sa gandang alaki mo ba naman.

ako: mama eh, ayaw ko po muna. at tsaka darating naman ako diyan eh, di ko kailangang magmadali.

mama: oo na, talagang hindi kita mapipilit.

ako: mama, pakisabi sa lahat ng tao diyan na miss ko na sila. at mahal ko kayong lahat. bukas na kasi an klase kaya kailangan ko nang matulog.

Sila sa kabilang linya: congrats anak! alam kung magagawa mo yan-- kuya miss na kita, I love you. -- anak, mag-ingat ka jan ha.?

Alam kong nag-aagawan na sila sa cellphone ngayon. Napangiti nalang ako at nagpaalam sa kanila.

Nang pinatay ko na ang tawag ay nakakita ako ng isang text at binuksan ko iyon. Nagregister ang isang unknown number na nagsasabing:

from: +639*********

i'll win you back, I swear.

Pagkabasa ko noon ay alam ko na kung kanino galing ang mensaheng iyon. Kailan ba niya ako titigilan?

Halos hindi ako makatulog sa kama dahil sa text na iyon. Hindi ko talaga maitatanggi na mahal ko pa si Nadine.

My First Heartache.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon