Chapter 10

83 5 0
                                    

CHAPTER 10~

Ang bilis ng araw. One month na nang magsimula ang classes. At papalapit narin ang competition kaya busy-ing busy kami ni pandak sa pag-rereview.

Katulad parin naman ang lahat sa dati. Pinag-uusapan kami ng mga taong hindi busy sa thesis nila. At ‘pag sinabi kong ‘kami’ ang ibig sabihin non ay si pandak at ako.

Heto na naman kami sa afternoon review classes naming. Umalis lang sandali si Maam. Nabusy naman ‘tong babaeng 'to sa cellphone niya. Ano naman kaya ang ginagawa niya? O baka, sino ang katext niya?

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Kaya tinaasan niya ako ng kilay sabay sabing, “Anong tinitingin-tingin mo?”

Syempre nagulat ako sa biglaang pagsalita niya kaya nabato ko sa kanya 'yung lapis na hawak-hawak ko.

“OUCH!!” daing niya.

“Mag-aral ka kasi. Puro ka text eh. 'Pag tayo hindi nanalo, kasalanan mo talaga.” Sabi ko habang pinipigil ang pagtawa.

“Bwiseeeet ka talaga! Alam mo ‘yun? Para ka talagang si Damulag sa Doraemon. Ang bully mo sa mga katulad ko. Isusumbong kita kay Spongebob eh.” Ayan na naman siya sa paghihingi ng rescue sa mga so-called friends niya. Memorize niya ata lahat ng cartoons na pinapalabas sa CNN eh. Isip-bata talaga.

Biglang pumasok ang instructor namin saka sinabing, “I’m really sorry guys. Pero kailangan ko na talagang umalis. May emergency kasi sa bahay. So, I guess, maaga ko nalang kayong idi-dismiss. Next time nalang tayo magpatuloy ha? Okay lang ba?”

“Okay lang po Maam. Kailangan ko rin po kasing pumunta sa mall. May bibilhin po akong libro.” Sabi ni pandak. Sabay tingin na naman sa cellphone niya saka may tinype.

“Ayos lang din po sa akin Maam. Sige po, pumunta na po kayo, baka importante po ‘yan.” Sabi ko naman.

Kinuha na ni Maam ang mga gamit niya at saka dali-daling umuwi.

“Una na ako.” Sabi ko sa taong natitira dito. Kung tao mang maituturing.

“Hoy, Damu, samahan mo naman ako.” Pautos niyang sabi sa akin.

“Ha? At bakit naman kita sasamahan? Wala namang nanakaw sa iyo eh.” Sabi ko sa kanya. 

“Please Damu, samahan mo ako, please…” para na talaga siyang bata na pinipilit ang mama niya na bilhan siya ng laruan.

“Ayaw ko nga. Gusto ko nang umuwi. Pagod ako. At saka gusto ko naring matulog.” Sunod-sunod na sabi ko. Eh kasi, ayaw ko talaga sa mga malls.

“Please Nate.. Kailangan ko lang ang tulong mo. Pleeeees!” natigil ako sa sinabi niya. Tinawag na kasi niya ako sa pangalan ko kaya siguradong importante nga ‘tong hinihingi niyang pabor para sa akin. Narinig ko nalang ang sarili ko na sinabing,

“Tsk. Tara na nga.” Sabay hawak sa kamay niya at hinila ko na siya palabas ng room.

Nagulat ako ng makakita ako ng isang lalaking pamilyar na pamilyar ang pagmumukha sa akin.

“Alyssa, let’s talk, please,” sabi nung lalaki.

“Prince, there’s really nothing to talk about.” Aba, ang seryoso ata ng babaeng ‘to. Ano bang meron sa Prince na ‘to? Tinignan kong mabuti ang mukha niya at saka ko lang narealize na siya yung lalaking nilapitan ni pandak sa may canteen. ‘yung lalaking kinausap niya with matching pa-cute. Aha! Interesting, ano kayang meron.

“Just listen, please. You need to hear me out.” Sabi naman nung lalaki.

“Prince, I don’t like you, okay? Si Kyla ang ma gusto sa:yo kaya ko hinihingi ang number mo. Please… ‘wag mong gawin ‘to.” Aba, may tremble na ang pagsasalita ni pandak ah. Parang iiyak na.

“But I like you. No, I think I’m falling for you.” Sagot naman nung lalaki.

Hindi nakasagot si pandak. Kaya ako nalang ang nagsalita. “Excuse me, pero may lakad pa kami.”

Saka pa niya napansin na nandito pala ako. Sa tangkad kong ‘to? Napadpad ang atensyon niya sa kamay naming na magkahaway. Teka, bakit magkahawak? Ay bobo! Hinila ko nga pala siya kanina.

Nagsimula na akong maglakad na hila-hila si pandak. Iniwan na naming ang lalaking ‘yon na nakatulala don.

*singhot  singhot*

Nilingon ko si pandak at nakita ko siyang pinupunasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya.

Kinuha ko ang hankie sa pocket ko at inabot sa kanya.

“Mahal mo siya no?” tanong ko sa kanya. Halata naman na may feelings siya don sa lalaki eh. Iiyak ba siya kung wala?

“Hindi ah. Ang pangit niya kasi, naiiyak tuloy ako.” Pag-sisinungaling niya. Pero ‘di yan makakalusot sa akin.

“Huwag kang sinungaling. Ang mga bata, hindi nagsisinungaling.”

And destinasyon naming mall ay nagging parke. Inaliw niya lang ang sarili niya sa pakikipaglaro sa mga bata na nadoon.

Sometimes, I admire the way she handles her problems and laughs at them as if she never shed a tear because of it.

Nakatingin lang ako sa kanya at nakita ko siyang umupo sa bench. Nakita ko rin ang pagpunas niya sa mga luhang pumatak galing sa mga mata niya nang may pamilyang masayang dumaan sa harapan niya. Tinatanaw ko lang siya habang iniisip na hindi kayang patahanin ng isang dosenang ice cream ang pag-iyak niya ngayon.

Nilapitan ko na siya at niyayang umuwi. Tahimik lang kaming naghiwalay ng landas.

Nang gabing ‘yon, hindi ko maiwasang isipin ang iba pang mga bagay na makakapaiyak sa Ms. Rank#1 ng school.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon