Chapter 12

54 5 0
                                    

CHAPTER  12~

Kinabukasan, hinanap ko agad si pandak sa campus. Gusto ko lang siyang kamustahin. Baka nagpakamatay na kasi 'yon. Sa paghahanap ko ay iba ang nahagilap ko.

Si Nadine. Agad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Kumusta?" tanging natanong ko sa kanya. Kung bakit ba kasi pag nariyan siya nauubusan ako ng maaaring sabihin.

Tinawanan naman niya ako. "I miss you too. At saka I love you!" humalik siya sa pisngi ko na naging dahilan ng pagngiti ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng PDA. Noon, iniinsulto ko pa ang mga nakikita kong napaka-public kung magdisplay ng harutan nila. Pero iba pala talaga 'pag ikaw na ang nasa posisyon eh. Parang, balewala lahat ng tao na nakatingin sa inyo kasi kasama mo naman ang taong mahal mo.

"Sabay tayo mag-lunch ha?" pagyayaya ko sa kanya.

"Sorry Nate, pinapauwi kasi ako ni mommy at daddy eh. Doon daw ako sa bahay mag-lunch."

"Ah ganun ba?" parang nagtatampo pa ako nang sinabi ko 'yan.

"Date nalang tayo bukas! Wala namang class eh. Sige na" kulit niya sa akin. Teka, bukas?

"Nadine, whole day kasi ang review namin bukas. Sa susunod na araw na kasi ang Math Wizard kaya kailangan naming mag-aral nang puspusan." sabi ko naman.

"Ganun? Sayang naman." sabi niya. Yan ang gusto ko sa kaniya eh. Napaka-babae niya kumilos, magsalita at mag-ayos. Mabait. Lahat na sa kanya na.

"Ilibre mo nalang ako 'pag nanalo kami?" sabi ko.

"Sige. Ililibre kita ng kiss. Pwede na ba 'yon?" sabi niya.

Niyakap ko nalang siya.

"My girlfriend is a pervert." asar ko.

Inaasahan kong hampas ang matatanggap ko. Pero isang halik sa pisngi lang binigay niya sabay sabing,

"Hey, em not pervert."

Maga-alas 5 na ng hapon ngayon. At simula kaninang umaga ay hindi ko na nakita si Nadine. Hinagilap ko siya sa campus pero ni anino niya ay di ko man lang nakita.

-the subscriber's cannot be reach. Please try again later.-

Isa patong babaeng 'to. Kanina ko pa tinatawagan ni hindi man lang sumasagot. Hindi man lang nag-text. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa siya nakikita sa buong araw. Pano na ang review namin?

Akala ko pa naman papasok siya ngayon para kausapin si Prince at Kyla. Baka naduwag 'yon. San na naman kaya 'yon nagtago?

Pinauwi nalang ako ng trainor namin. Alangan naman daw na ako lang ang mag-review. Bukas nalang daw namin lulubus-lubusin ang.

Nang hindi na naman nasagot ang hindi ko alam kung pang-ilang tawag ko na kay pandak ay si Nadine nalang ang tinawagan ko.

Halos manlumo ako ng nakailang ring na ay wala paring sumasagot. Ibababa ko na sana ng sinagot niya 'yon.

"Nate, *singhot singhot* ba't napatawag ka?" 

Nakinig muna ako sa kabilang linya para masiguro kung tama ba yong narinig ko kanina.

"Hoy, namiss mo ako no? *singhot singhot*"

"Nadine, umiiyak ka ba?" tanong ko sa kabilang linya.

"Ha? Hindi ako umiiyak no. Naparami lang ang kain ko ng ice cream kanina kaya sinipon ako." pagpapaliwanag niya.

Hindi ko nalang siya sinagot dahil baka ayaw niya talagang sabihin sa akin kung ano ang totoong dahilan. Ayaw kong mag-away kami.

"Ganun ba? Eh, bakit hindi ka pumasok? Nami-miss na kita!"

Biglang natahimik sa kabilang linya. Akala ko pinatay niya na, pero nagsalita naman siya maya-maya.

*singhot*

"Ano kasi, sumakit ang ulo ko dahil sa sipon ko kaya hindi na ako pinapasok ni mommy. Feeling ko nga may sinat na ako eh." she said in a hoarse voice.

"Magpagaling ka ha? Mahal kita at saka papakasalan pa kita, kaya uminom ka ng gamot, okay? Pumasok ka na bukas kasi miss na kita." sabi ko.

"Sige Nate, I love you so much. *singhot singhot singhot* my one and only."

Napangiti ako sa sinabi niya kaya hindi ko pa naputol 'yung tawag. Akala ko kasi siya ang magbababa. Napansin kong hindi pa napuputol ang tawag kaya pinakinggan ko ulit ang kabilang linya at ang narinig ko lang ay ang hagulgol niya. Pinatay ko narin pagkatapos. Baka mapansin niya eh.

Haaaay. Bakit ba ayaw niyang sabihin sakin ang dahilan kung bakit siya umiiyak?

Naalala ko tuloy nung mga panahong una kaming nagkakilala. Mga-16 years old pa ata ako noon eh. Fiesta sa lugar namin kaya abalang abala kami sa paghahanda ng mga dekorasyon. May dala dala pa akong pintura non para pankulay sa mga stands na ginawa nila nang mabangga ko siya.

Siyempre natapunan siya ng pintura, kaya galit na galit siya sa akin noon.

Simula ng araw na 'yon, parati ko na siyang kinukulit hanggang sa maging magkaibigan kami.

Naging tambayan namin ang tore sa loob ng wind mill na matatagpuan sa may tabing dagat noon. Palagi naming nilulusutan ang nakabantay doon para lang makaakyat kami sa itaas.

Doon din ako nagtapat ng pag-ibig ko sa kanya sa pang-apat na araw niya sa aming lugar. Ngunit hindi siya nakapagsalita dahil biglang dumating ang mga magulang niya at marahas siyang kinuha sa akin.

Inuwi siya ng mommy niya sa bahay nila. Habang kinausap naman ako ng daddy niya. Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi niya sa aking,

"Hindi ko pinalaki ang anak ko para makapag-asawa ng isang dukhang katulad mo. Hindi kayo nararapat. Langit siya at ikaw ay lupa!"

Hindi ko naipagtanggol ang sarili ko sa pang-iinsulto sa akin ng ama ng babaeng mahal ko.

Simula noon, nagsikap na akong matapos ang pag-aaral ko. Hanggang sa kailangan ko nang lumuwas ng QC para makakuha ng scholarship. Pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako muli pang maiinsulto at pilit ko ring binaon sa limot ang mga alaala ng babaeng 'yon.

Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana at pinagtagpo kami ulit ni Nadine. Sa pagkakataong ito, handa na akong ipaglaban siya at ang pagmamahalan namin. Makakapagtapos ako at mapapakasalan ko siya. Dahil alam ko, nung nagkita kami sa canteen ng campus ay kami talaga ang tinadhana na magkasama. Habang-buhay.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon