Chapter 3

98 6 0
                                    

CHAPTER 3~

"Nate, ang liit naman ata ng mundo." sabi niya na parang hindi man lang nagulat sa pagkakita sa akin.

"Nadine, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ngunit parang alam ko naman ang sagot.

"Pwedeng umupo muna?" at umupo na siya.

"Ako ang dapat magtanong sayo kung bakit ka nandito, Nate? Anong ginagawa ng isang Nate Aguilar sa Quezon City?"

"Pwede bang wag kang umasta na parang walang nangyari sa ating dalawa?"

"Bakit, hanggang ngayon ba, Nate, hindi mo parin makalimutan ang nangyari noong bakasyon iyon?"

"Nadine, gusto kong matapos ang pag-aaral ko at hindi ko magagawa 'yon kung alam kong makikita kita araw-araw."

"So, talagang affected ka pa, Nate? Akala ko ba galit ka sa akin, pero base sa inaakto mo ngayon ay napagtanto kong may lugar parin ako sa puso mo."

"Hah, mangarap ka, matagal na kitang binaon sa limot. Isa kang malaking bangungot at pinagsisisihan kong nakilala pa kita."

"Paano kung sabihin kong mahal parin kita, Nate? Na gusto kong makipagbalikan sayo?"

"Anong makipagbalikan ang pinagsasabi mo, Nadine, kailan man ay walang tayo."

"Pero nagsisisi na ako sa ginawa ko, Nate. Alam kong naging duwag ako noon. Dahil hindi ko ipinaglaban ang pag-iibigan natin. Pero sana naman ay intindihin mo ako. Bata pa ako nang mga panahong iyon at hindi pa ako magaling sa paggawa ng desisyon."

"Isang tanong Nadine, minahal mo ba talaga ako?"

"------" tahimik lang siyang nakayuko sa upuan sa harapan ko. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa katahimikang iyon. Natagpuan ko nalang ang sarili kong sinabing,

"Umalis ka nalang sa buhay ko, gaya ng ginawa mo noon."

At iniwan ko na siya na nakayuko parin doon.

***

Nagmamadali akong umalis sa canteen na para bang pag nanatili pa ako roon ng matagal pa ay mamatay na ako.

Hindi ko nalang namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa field ng school. Mabuti na rin siguro kung dito muna ako magsta-stay, nasabi ko sa sarili. Iniisip ko parin ang mga maaaring mangyari ngayong nasa isang paaralan kami, at kung totoo ba 'yung mga sinabi niya kanina.

Pero ako, mahal ko pa ba siya? Sino bang ginagago ko. Alam na alam ko naman ang sagot sa tanong na iyan.

*BOGSHHH

Bigla akong natauhan nang tumama sa mukha ko ang bola na ginagamit ng mga babaeng naglalaro ng volleyball sa may field. 'Yun lang ata ang hinihintay ko para magising ako sa mga pinag-iisip ko.

Para bang ito ang solusyon sa mga problema ko at ng tamaan ako nito ay nawala lahat ng mga pinag-iisip ko.

Bigla ko nalang napansin ang babaeng paulit-ulit na humihingi ng dispensa sa nagawa niya. Siya siguro ang nakatama sa akin. Hawak-hawak ko pa ang noo ko at parang natatabunan na ng mga kamay ko ang buo kong mukha.

Hinimas-himas naman niya ang parte na napuruhan niya at nagpa-umanhin ulit. Nang humupa na ang kirot ay tinanggal ko na ang kamay ko sa noo at narinig ko nalang ang babaeng napasinghap.

Nang tingnan ko ang babae ay napasinghap din ako. Sino ba ang hindi magugulat kung ang babaeng nakatama ng bola sa akin ay si Ms Rank #1?

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon