Chapter 15

69 4 0
                                    

CHAPTER 15~

"Nate! Tignan mo 'to oh! Nakakuha ako ng starfish. Picturan mo ko dali!" parang bata na sabi ni Nadine. Natawa naman ako sa sinabi niya. Pinicturan ko naman siya para hindi magtantrums.

Wala naman kaming masyadong activity nang dumating kami dito. Siguro nga ang main purpose nito ay para makapag-unwind ang mga estudyante.

Namamasyal kami ni Nadine ngayon. Kakasimula lang namin kaya nasa may tabing dagat pa kami.

Ang plano niya kasi ay hindi raw kami sasakay ng kahit ano. At lalakarin lang namin ang aming pupuntahan. Okay lang naman sa akin 'yon basta ba magkahawak kamay kami.

Ang ganda kasi ayan tuloy hindi maiwasan nang ibang lalaki na mapatingin sa kanya. Mabuti nalang talaga at hawak ko siya. Para ko na rin siyang binabakuran. Ooops. Possessive boyfriend here.

Maya maya ay titigil kami sa paglalakad at magpipicturan. Ang ganda niya lang. Talbog ang mga professional model sa kanya eh. Partida! Wala pa 'yang make-up ha! Tapos naka whole dress at flip tops lang siya. Nakalugay lang ang itim at mahaba niyang buhok.

Lumapit siya sa akin saka ako kinunan ng litrato. Tinignan niya ito sabay sabing,

"Ang gwapo ng boyfriend ko! Parang model lang eh!" pareha pa kami ng iniisip. Destiny 'yan!

"Natural, maganda ang girlfriend ko eh." ganyan lang ang flow ng ginagawa namin, lakad, picture, sasalitan ng sweet nothings. Pero masaya ako eh, kahit mukha akong ewan na masyadong cheesy, okay lang sa akin.

Uuwi na kami mamaya at plano kong ihatid siya, pano ba naman kasi, ang daming pinamili.

"Wow! Ganda naman niyan Nadss! Patingin ako!" narinig ko pang sabi ni pandak ng ihatid ko si Nadine sa kwarto nila.

Nagsimula narin akon mag-impake nang makarating ako sa kwarto.

Mabuti nga at pwede na mixed ang pagsakay sa bus pag-uwi. Ayoko ng magbabysit ng isip-bata no.

"Nadine, anong iniisip mo?" tanong ko sa katabi ko. Nakasandal lang ang ulo niya sa balikat ko habang nakatanaw sa labas ng bus.

"Hmmm. May tanong ako," sabi niya.

"Itanong mo lang. Baka masagot ko."

"Pano kung, hindi pala tayo ang para sa isat isa?" nagulat ako sa tanong niya.

"Para tayo sa isa't isa Nadi, pinagtagpo nga ulit tayo ng tadhana diba?" nasagot ko nalang.

"Eh, paano kung, paghiwalayin tayo? Anong gagawin mo?"

"Susundan kita."

"Eh, pano 'pag ako na mismo ang lumayo sayo?" isipin ko palang na gagawin niya 'yon ay para na akong sinasakal. Naiiyak na parang ewan.

Tumingin siya sa akin, siguro hinihintay ang sagot ko.

"Wala akong gagawin. Dahil alam kong hindi mo naman gagawin 'yon kung wala kang malaking rason. At saka, hindi mo naman gagawin 'yon diba?"

Hindi siya sumagot at niyakap nalang ako. Umiiyak na namam siya.

"Nadi, do you trust me?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Mahal na mahal kita eh." sagot niya.

"Then tell me, anong problema mo? Bakit palagi ka nalang umiiyak?" pagbabasakali ko na sagutin niya ang tanong ko.

"Wala akong problema Nat! Mahal lang kita kaya nagiging emotional ako 'pag kasama kita. Iniisip ko pa lang ang mga nangyari noon at kung paano tayo pinagtagpong muli. Masaya ako at nakasama kita ulit Nat! Masaya ako."

Sabi niya sabay bitaw sa akin.

"Ako rin Nadi, masaya ako. Dahil kasama kita habang inaabot ko ang mga pangarap ko." sabi ko habang hawak ang magkabilang pisngi niya.

"Palagi mo 'tong isipin Nat ha! Hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa iyo. At kung mangyari man 'yon, para 'yon sa ikabubuti mo." sabi niya saka pinagdikit ang mga noon namin.

Agad din namin 'yung tinanggal nang maramdaman naming umandar na yung bus. Tahimik lang siya na nakahiga sa akin.

 ***

"Thank you sa paghatid sa akin Nat!" sabi niya sabay hug sa akin.

"Syempre naman." magkayakap lang kami nang---

"Nadine! What's this?" nakarinig ako ng boses ng lalaki na gumambala sa buong sistema ko.

"Daddy,--" nakita ko sa itsura ni Nadi na kinakabahan siya. Tumingin siya sa akin tapos sa daddy niya.

"I told you na lumayo ka sa hampas lupang 'yan. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi ka na nahiya sa fiancee mo!"

Tuluyan na akong natigilan sa sinabi ng daddy niya. Fiancee? Nakakita ako ng lalaking nasa likuran ng daddy niya. Tindig palang nito ay malalaman ng mayaman siya.

"Dad, I told you I love him! You don't have the right to say such things to him." tumaas narin ang boses ni Nadi.

Naguguluhan ako. Kaya ba siya umiiyak palagi? Kaya ba parati niyang sinasabi ang salitang 'i love you' sa akin? Kaya ba naging malambing siya? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"And now, you're answering me? Gusto mo ba talaga akong subukan Nadine?" tanong ng daddy niya na pinipigil ang galit.

"Dad all my life, kayo po ang sinunod ko. All my life ginawa ko ang lahat maging proud lang kayo sa akin. Pero bakit hindi niyo maibigay sa akin ang kaligayahan ko? Dad, I found him. My happiness. Dad, maawa po kayo sa akin. I don't wanna regret my life living with someone I don't love."

*paaak*

Shit. Sinampal niya si Nadi. Hindi ako pwedeng manuod nalang dito. Sinasaktan niya ang babaeng mahal ko.

"Sir, wag niyo pong sasaktan si Nadine."

*bogssh.

Isang suntok ang natanggap ko galing sa daddy niya.

"Dad! No, please. Wag niyo siyang saktan.." narinig ko pang sabi ni Nadine.

"Shut up, Nadine! Lake, dalhin mo siya sa loob."

"Noooo! Bitawan mo ako. Bitawan mo ako, sabi eh, .. I said, LET GO OF ME!"

Nakawala si Nadine sa lalaking 'yon at saka tumakbo papalapit sa akin.

"Nat, sorry, sorry, kung hindi ko nasabi sa'yo. Please Nat, kahit anong sabihin ni Daddy wag kang lumaban.. Huhu.. Tandaan mong mahal kita.. L-ahat n-ng ginag-gawa ko pa-para sa-ayo.. "

"Nadi, hindi ako papayag! Nadi, hindi ko kayang mawala ka! Please..."

"GUARDS!" narinig kong sigaw ng daddy niya.

Pinaghiwlay kami ni Nadi. Pero hindi ko binibitawan ang kamay niya...

"Nat, please, let go of me.. And p-please remem-mber t-that I lo-love yoo-u always.. Please.. Go, I don't want you to suffer. Please Nat... Let go of me.. "

"Nadi, sabi ko susundan kita. Hindi kita bibitawan...please hold on ... "

"Pero Nat.. Diba sabi mo rin, hahayaan mo ako kung nagdesisyon akong layuan ka? Iwan mo na ako."

Para akong sinasaksak sa paglayo niya..

Tinapunan ako ng isang masamang tingin ng daddy niya sabay sabing,

"Stay away, or not only you will suffer, but, also your family! Siguro naman naiintindihan mo ako diba?"

I was left there. Outside their house. Crying. Yes.. I am crying... Hindi ko inisip na magiging ganito ang resulta ng lahat.. My Nadine. My life.

Bakit tayo pa ang napiling paglaruan ng tadhana? Bakit tayo pa na nagmamahalan? Bakit?

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon