Chapter 9

71 5 0
                                    

CHAPTER 9~

Pumasok na ako sa next class ko. Napangiti ako sa isipan ko nang ma-realize na magkaklase kami ni pandak sa subject na ‘to. Makakaganti na rin ako sa babaeng ‘yon.

Agad-agad akong pumunta sa upuan ko at lihim na naoangiti nang makita kong nakaupo na ang biktima ko sa araw na ito.

“Hi pandak!” sabi ko na may devilish smile pa. 

“Aba! Himala nga, ikaw ba ‘yan kuya?”

“AW—AWOOOOY KO POOWH” haha. Anong ginawa ko? Kinurot ko lang naman ang both cheeks  niya. Nakakagigil eh. Ngayon ko lang na-realize na ang dami niyang problemang dinala sa akin.

Hindi ko parin tinitigilan ang pagkurot sa kanya ng biglang--

“What do you think Mr. Aguilar and Ms. Mendez?” sabi ng prof namin.

Paglingon ko sa kanila ay napansin kong nakatingin sa amin ang mga kaklase namin at pati ang prof na may mga nagtatakang expression sa mukha.

Narealize ko lang kung bakit ganun ang mga itsura nila ng hampasin ako ni pandak para makawala ang mukha niya sa mga kamay ko.

“ahhhm—Maam, Pardon?” nagsitawanan ang mga kaklase ko sa sagot ko kay prof. Talaga namang hindi ko narining ang sinabi niya eh.

“As I was saying, there will be a contest, a division level contest. Math Wizards. And one of its mechanics is it’s supposed to be by pair. The class suggested na kayo nalang daw ni Ms. Mendez ang sumali. Since, you two topped the entrance examination. So what do you think?” pag-uulit ni Maam sa sinabi niya kanina.

“Uhmm, okay lang po sa akin Maam.” Sabi ko kay Maam.

“How about you Ms. Mendez?” tanong ni maam kay pandak na ang pula-pula ng mukha. Haha. Buti nga sa kanya. Iniinis niya kasi ako. ‘yan ang napapala niya.

“Okay lang po sa ‘kin prof kung okay din sa kanya.” Sabi niya na naging rason para ulanin kami ng tukso. Hindi niya siguro narealize ang pagkakasabi niya non. 

Agad din naman niyang binawi ang sinabi niya sabay sabing, “Hindi ‘yon ang iniisip n’yo” sabi niya na nakapout pa. Napatulala tuloy ang mga lalaki sa kanya. Shesh, bakit ganon? Anong nakikita nila sa babaeng ‘yan?

“So, we will be having a review class after your afternoon classes. And if ever, pwede, you can also study together. I think naman, hindi ‘yon problema sa side niyo diba?” may halong malisyang sabi ni Maam.

Hindi nalang kami umimik at napatungo nalang.

Nagagalit ako! Nakakainis! Paano ba naman kasi, ngayon pala magsisimula ang review namin ni Pandak. At mas lalo akong nagagalit sa tuwing naaalala ko na kasama ko siya sa pagre-review. Paano ba naman kasi? Pinag-hihintay niya ako. Kanina pa ako dito at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang anino ng babaeng ‘yon. Talagang ginagalit niya ako.

Dahil sa inip ay napag-balingan ko ang papel at naikuyom ko ito. Kawawang papel, crumpled paper na ang resulta.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon