Chapter 21

57 0 0
  • Dedicated kay My Family
                                    

CHAPTER 21~

Ahhh, nag-inat inat ako. Ang sarap ng tulog ko, Hmm, kakalanding lang pala namin.

"huy, huy, gising na, andito na tayo sa Cagayan." paggising ko kay Aly na sinusundot sundot pa ang pisngi niya.

"Aly! Gumising kana! Andito na tayo."

"Hmm, hmmm.. "

-_-

-_O

O_o

"Ooy! Andito na pala tayo!! Baba na tayo dali!!" tapos nagmamadali na bumaba siya ng eroplano. Excited?

Bumaba narin ako at nakita ko siya na nakaupo at kumakain. -____-

Ang takaw talaga ng babaeng 'to.

"Hoy Nate! Ang ganda pala dito no? Tignan mo oh! Daming tao, eeeeeh, naeexcite na ako!" siya.

"Ewan ko sa'yo. Tara na, sasakay na tayo ng bus." ako.

"Wait lang... Iinomin ko muna 'yung gamot na binili ko." sabi niya tapos kinalkal ang shoulder bag niya. Nang makita niya ang gamot ay ininom niya na ito.

------

"Eeeeh! Kinakabahan ako. Tsaka 8hrs!! Ang tagal naman non!" litanya ni pandak. 

"hahaha. Mamamatay kana pandak! Tsk. Ivi-video ko kung sakali. Bebenta 'yun. 'ANG BABAENG NIRERESPETO PUMANAW DAHIL SA PAGKAHILO!' hahaha. Tiba tiba ako 'pag nagkataon." tawa ng tawa na sabi ko. Inaasar ko lang siya para mawala sa isip niya ang inaalala.

"Grabe namang pagturing na kaibigan 'yan Damu! Ang bait mo talaga kahit kailan. Note the sarcasm please." pikon na sabi niya.

"Hahahah! Kailangan talaga may 'note the sarcasm please'? San mo ba napupulot 'yang mga pinagsasabi mo? Hanep eh!" balik ko sa kanya.

"That's what you get if you keep on reading. Haaaay! Buti talaga nakafull charge ako, pwede akong makapagbasa ng ebook! Heehehe!" sabi niya.

"Psh. Mga babae talaga, kung anu-ano alam." sabi ko tsaka saksak ng earphone sa tenga ko.

"Eeeeh! Damu, pashare naman ng earphone. Wala akong dala na mp3 eh. Inuna ko kasi 'yung DSLR ko." siya.

"Oh! Wag kang disturbo, matutulog ako." ako.

"Pano 'pag nahilo ako? Anong gagawin ko?" tanong niya.

"Kunin mo 'yung plastic sa bag mo tapos matulog ka." sabi ko.

"Okaaay! Paunan ha!?" 

Hindi na ako nakareact dahil pinatong na niya ang ulo sa balikat ko.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon