Chapter 17

49 2 0
                                    

CHAPTER 17~

Pagkatapos kong iiyak ang mga hinanakit ko sa buhay, hinatid ko na pabalik sa hospital si pandak. Baka kailangan niya ng magpahinga at saka masyado naring malalim ang gabi.

"Miss Mendez, kanina pa po namin kayo hinahanap dito. Bakit po ba kayo umalis, alam niyo naman pong pinagbawalan kayo ni Dr. Lopez eh." yan ang sinalubong sa amin ng isang nurse na mukhang pagod na pagod na sa kakahanap kay pandak.

"Ssssh! Tumahimik ka nalang miss. Inaantok na ako at saka marami nang pasyente ang tulog." sagot naman ni pandak na nilagay pa ang kanyang hintuturo sa bibig niya.

Pumasok kami sa kwarto niya at nakasunod lang sa kanya ang mga nurse. Ewan kung bakit asikasong asikaso siya dito. Parang hinimatay lang eh.

May pumasok na naka lab gown. Siguro siya yung doctor ni pandak.

"Alyssa, ang tigas talaga ng ulo mo. Bakit ka umalis ha?" sabi ng lalaki na para na ring nasa edad ng papa ko ang edad.

"Sorry po Uncle Vik!! Na-bored po kasi ako dito eh. Nakakapagod humiga :3" haha. Patawa talaga tong babaeng to. Nag-pout pa! 

"Aly, you know very well na kailangan mong sundin ang mga sinasabi ko. Delikado sa----"  hindi na siya pinatapos ni pandak dahil nagsalita kaagad ito.

"Opo Uncle!! Alam ko po.. Kaya shooo na, magpapahinga na po ako."

Aba! Kung maka-shoo? Aso lang? 

"Haaay! Ano ba talaga ang gagawin ko sa yong bata ka? Sige na nga, magpahinga kana. Aalis na ako. At saka, Mica, pakiayos ang dextrose niya, okay?" baling niya sa nurse sa isang sulok bago siya tuluyamg umalis.

Nang matapos ng ayusin ang dextrose niya ay tuluyan ng umalis ang nurse at naiwan na kaming dalawa ni pandak sa kwarto.

"Pssst. Alagang-alaga ka ah? Bumisita naba si Prince dito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi niya alam at wag mo nang sabihin .. Ayaw kong mag-alala siya at saka makakaalis narin naman ako dito bukas eh." sabi niya habang nakapikit.

"Patulog dito ah! Ayaw kong umuwi eh." sabi ko sabay higa sa couch.

"Bahala ka jan!" 

* * * *

Kinabukasan nga ay naka labas na sa hospital si pandak. May ilang araw rin siyang hindi nakapasok, bilin kasi ng doctor na magpahinga muna siya.

Nalulungkot ako sa pagpasok sa paaralan, iniisip ko na baka nandon si Nadine at baka magkita kami, pero simula ng pumasok ako ay hindi ko pa siya nakikita. 

Na mi-miss ko siya pero hindi ko alam kung kaya ko bang makita ulit siya. Pano kung kasama niya yung fiancee niya? Paano ako mag-rereact?

Where do broken heart goes? Nagtataka narin ang mga estudyante dahil hindi na kami magkasama na apat.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon