Chapter 16

47 2 1
                                    

CHAPTER 16~

Life is too ironic, it takes sadness to know what happiness is, noise to appreciate silence, and absence, to value PRESENCE.

Familiar sa akin ang senaryong to eh. Yung mag-mumokmok ako sa kwarto. Iiyak at mag-iisip.

Pareha lang din ang nangyayari ngayon sa noon. Sa pangalawang pagkakataon, si Nadine  parin ang dahilan. 

Minsan naiisip ko kung para ba kami sa isa't-isa. Kahit anong gawin ko kasi, pinaglalayo kami ng tadhana eh.

Alam ko naman yung kasabihang, "If two people are meant to be together, it doesn't mean that they have to be together now."

Pero pagod na akong hintayin si Nadine.. Pagod na ako sa pagiging mahirap.. Kung mayaman lang sana ako, siguro hindi kokontra sa akin ang daddy niya.. Siguro kami ang ikakasal. 

Siguro at sana... Puro nalang sana.. Nakakapagod din pala. Mas masakit pa 'to kaysa sa unang beses eh. 

Nakakatampo na ang tadhana.. Sana kung hindi rin pala kami sa huli mabuti pang hindi nalang kami pinagtagpo diba? Ang sakit talaga.. Para akong nawalan ng emosyon. Para akong pinatay at tinapak-tapakan.

Linggo ngayon kaya may pasok kami bukas. Ayokong pumasok. Ayokong makita niya ako.

Ayokong umuwi. Para bang nawalan ng kwenta ang buhay ko. Para bang nawala ako sa isang lugar na hindi ko kabisado. Ganito ba talaga 'pag nagmahal, Masakit?

Masakit malaman na ang babaeng mahal mo ikakasal sa ibang tao. Pwede ko naman siyang ipaglaban eh dahil hindi niya naman mahal ang lalaking 'yon. Pero, natatakot ako sa maaaring gawin ng daddy niya sa pamilya ko. Ayokong madamay sila. Gustuhin ko mang maging makasarili, hindi pwede, dahil pamilya ko ang nakataya.

Ang gulo! Naguguluhan ako. Nasasaktan ako. 

Napadpad ako sa park. Doon ko binuhos lahat ng emosyon ko. Gabi naman eh, walang makakakita. 

Kasabay ng pag-iyak ko ay ang isa pang mahinang paghagulgol.

Parang babae ata eh. Nagpunas ako at saka hinanap ang umiiyak. 

Nakailang lakad pa ako saka ko nakita ang isang babaeng nakaupo sa may swing. Natigilan pa ako. Para kasi siyang multo. Ang gulo ng buhok tapos puti pa ang suot niya. Tapos, parang may hawak pa siya na sphere.. Ano, yung mahabang parang may matulis sa dulo! Ano ngang tawag don?

Tatakbo na sana ako ng makatapak ako sa isang patay na dahon. Lumikha ito ng ingay para mapansin ako ng halimaw sa may swing..

"Sino ka?" teka? o_O yung boses. Familiar! Hindi kaya siya si...? Si...

Sadako? 

Pumikit ako saka nagdasal. Parang awa niyo na po. Iligtas niyo po ako, babalik nalang po ako sa pwesto ko. Iiyak po ako ulit wag lang akong kunin ng white lady na ito. 

Matatakutin kasi ako sa horror.

"Aaaaaaaahhhhh!" napasigaw ako ng bigla niya akong hawakan sa braso.

Ang lamig ng kamay niya! Multo nga siya! Papatayin niya ako! 

"Aaaaahhhhhh!" sigaw niya rin. 

"teka nga kuya! Bakit kaba sumisigaw?" waaaaaah. Kinakausap ako ng multo. Teka? Kuya? Familiar na boses?

Aha! Kaya pala mukha siyang familiar.. Shesssh. Si pandak pala to eh.

*pitik*

"araaaykopu.. Bakit ka ba namimitik? Teka nga! Damu? Anung ginagawa mi dito?" si pandak nga ito.. Naka hospital gown at hila hila ang kanyang dextrose stand. Ang napagkamalan kung pana! Ano bang nangyari sa babaeng to! Gabing gabi eh, nakaganyan. Nanakot ba siya at dito pa talaga siya sa parke nag-iiiyak?

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan! Bakit ka nakaganyan ha? At bakit ka umiiyak?" tanong ko rin sa kanya. Muntik na akong atakihin sa puso non ah! Nakakainis.

"Ano kasi... Tumakas ako sa hospital." simpleng sagot niya.

"Hah? At bakit ka naman na hospital?"

"Ano, kasi may sinat ako kaya na hospital ako."

"Ah, high tech ang sinat mo ah! Kailangan may dextrose. Yung totoo nga!" sabi ko. Gagawin niya akong bobo. Sinat tapos nakadextrose na?

"Hinimatay daw ako. Kaya dinala nila ako sa hospital!" sagot niya.

"Oh? Bakit ka tumakas at saka bakit ka umiiyak?" pag-uusisa ko.

"Ayaw kasi nila akong paalisin. Kailangan ko daw magpahinga... Eh sa nakakapagod mahiga.. Anong magagawa nila?" deritsahan niyang sinabi yan..

"Tigas talaga ng ulo mo. Bakit ka nga pala umiiyak?" tanong ko at umupo na nang tuluyan.

"Namiss ko lang si Prince. He-he-he." pilit na tawa niya. Nakita ko rin ang pagkislap ng mga mata niya nung binanggit ang pangalan ni Prince. 

"Alam ba niyang na-hospital ka?" natanong ko bigla.

"Teka nga. Ang dami mong tanong eh. Bakit ka nandito at saka kumusta si Nads?" shoot. Hindi ako ready. Naramdaman kung namintana ang mga luha sa mata ko. Pwede ko naman sigurong ishare sa kanya diba?

"Hiwalay na kami pandak. Ikakasal na siya sa taong ka-level niya." at pagkatapos kong sabihin yon naramdaman ko nalang niyakap niya ako.

"So, sinabi na niya sayo?" o_O alam niya? Bakit hindi man lang niya sinabi. Nanumbalik ang sakit sa akin sa oras na yon. Ang sakit.

"Mapaglaro talaga ang pag-ibig. Minsan mahal mo, ayaw naman sayo. Mahal ka, hindi mo naman gusto. At ang masakit, mahal niyo ang isa't isa pero tadhana na mismo ang kalaban niyo." nasabi niya habang hinihimas ang likod ko.

Oo. Mukha siguro akong bakla, dahil umiiyak ako, tapos babae pa ang nagpapatahan sa akin. Diba dapat baliktad?

Pero wala akong pakialam. Ang lalaking nasaktan, iiyak at iiyak kahit sino pa ang nariyan. 

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon