EIGHTEEN
“Sorry.” Sabi ni Amanda nung nabangga ako. Sinundan ko kasi sila Vivi at Kaizen sa Library dahil nakalimutan ni Vivi yung kiss ko e. Wahaha. Joke lang. Maypapakita lang talaga ako sa magandang girlfriend ko. xD
“Ayos lang. Hinahanap mo si Vivi?” tanong ko dahil kanina pa siya sumisilip sa may glass na pinto.
“H-ha? Hindi. Si Mr. T. May ipapasa kasi ako kaso parang wala siya e. Sige na, Skype. Uwi na ko. Bye.” Nag-ingat lang ako sa kanya tapos umalis na siya. Gara nga e. May ipapasa daw siya pero di iniwan. Lol.
Pag-alis ni Amanda, nagpunta ako dun sa counter ng Library para mag-login.
“Wow, Villanueva. Naglilibrary ka pala?” sabi ni Eron kaya tumawa yung ibang ka-council niya.
“Hindi, hindi. Nag-CCR siya.” natawa sila lalo sa pangbabara ni Jez. Wahaha. Kupal talaga to kahit kelan. Pero teka. Ba’t andito to?
Umalis na si Eron nang badtrip tapos sumunod na yung council nila. Si Jez naman, nag-hi lang tapos parang naghanap ng libro kaya nag-login na ko para manghiram ng laptop. May ganun kasi dito para sa mga nagreresearch e.
Pagkalogin ko, hinanap ko agad sila Vivi.
“Oi, patutor din ako.” naupo ako sa harap nila nung nakita ko na sila. Magkatabi kasi sila na parang nagkukulitan pa kaya medyo nagselos ako. Teka. Medyo lang a? Alam ko naman kasing iba trip ni Kaizen e. Wahaha.
“O? Kelan ka pa nagkainterest sa pag-aaral pre?” Sabi ni Kaizen tapos tumawa siya. Taena. Gago to a?
“Joke lang. Di ka na mabiro.” Sumiryoso siya bigla nung di ako tumawa.
“Teka, cr lang ako.” tumayo si Vivi kaya naiwan kami ni Kaizen sa library. Dahil wala akong masabi nun, binukas ko yung laptop na hiniram ko tapos naramdam kong nakatitig sakin si Kaizen kaya nailang ako. Sht, pre, di tayo talo. :(
“Pre, bisexual ako.” sabi niya bigla kaya tinignan ko siya nang nagtataka.
“Ha?” sabi ko lang tapos umiwas agad ako ng tingin. Ang labo e. Bigla nalang gumaganun.
“Sinabi sakin ni Vivi yung nakita niyong..ginagawa ko. Alam ko mahirap intindihin pero attracted ako sa pareho.” Err. Yun ba yung nagpapatulong si Ace kay Zee? Tapos nanonood siya ng di dapat? :|
“Ah. Sorry dun. Wag ka mag-alala. Di namin pinagkakalat.” sagot ko dahil baka akala niya porket di kami close, kinakalat na namin yung sikreto niya.
“Talaga? Thank you, pre. Kala ko marami nang may alam e.” parang nakahinga siya nang maluwag. Mabaet naman pala to e. Nahahawa lang sa kagaguhan ni Eron minsan. Lol.
“La yun. Basta wag mo lang didiskartihan si Vivi.” Tumawa ako tapos binukas ko yung google chrome dun sa laptop.
“Oo naman. Ikaw mas trip kong diskartihan e.” napatingin ako sa kanya pagkasabi niya nun. Taena.
“Joke lang. Wag ka mag-alala. Di kita trip. Saka may mahal na kong iba e.” natawa ako nun sa kanya. Panigurado kasi si Eron yung trip niya e. Sa lahat kasi ng tropa nun, siya lang yung nakakatiis sa kaanuhan nun e.
Teka. Sa kaangasan a? Pero pwede rin ata sa ano e. Sa.. wala, joke lang. Wahaha.
“Ano pala nangyari sa inyo ni Eron? Bestfriends kayo dati nun diba?” Sht. Sabi na e. Gusto niyang may malaman pa sa mahal niya kaya yun gusto niyang topic. Wahaha. Pero oo. Bago ko pa naging katropa sila Kier. Naging tropa muna kami ni Eron. Kaso biglang nagbago yung kupal nung namatay yung Mom ko e. Ang labo nga e. Pero hinayaan ko nalang siya dahil wala naman akong pake sa mga trip niya.
BINABASA MO ANG
Dirty Fairytale [Completed]
HumorAng tunay na lalake, di allergic sa puke. Teka. Bago kayo mabastos. English yung puke diyan a? Yung suka sa tagalog. Lol. Pero kung bastos pagkakabasa niyo, basahin niyo na to. Maraming nakaka-green na ganyan dito e. Bwahaha.