Dirty Fairytale [#14]

21.9K 240 94
                                    

FOURTEEN

"Skype Villanueva is in relationship with Vivi Reyes." Sht. Ang sarap basahin o. Kaso mas masarap basahin yan pag totoo na. :((

Pero wag kayong mag-alala. Malapit naman nang maging totoo yan e. Naisip ko kasi na habang nagpapanggap akong pekeng boyfriend ni Vivi, liligawan ko na din siya. Ayos lang naman kahit di niya pa alam diba? Mas ayos pa nga yun para no choice siyang sagutin ako pag nagtapat na ako.Wahaha. Ang galing at wholesome mo talaga, Skype. Kaya mahal na mahal ka ni Vivi e. xD

Naisipan kong magcomment nun para mang-asar kay Eron. Sigurado kasing makikita niya to dahil di parin siya dinedelete ni Vivi sa FB e. Saka, ang sarap kasi ng pakiramdam nang NAILABAS mo na yung ANO mo e.

YUNG TINATAGONG NARARAMDAMAN MO. Wahaha.

Skype Villanueva: Oi, Babe. I love you. Di kita sasaktan, promise. Mamatay man si Jez. Wahaha. Joke lang, Jez! Gumaganda kayo ng Babe ko lalo a? Lol.

Ace Perez: Wow naman, pre. Ang cheeseful! Hahaha.

Pagkabasa ko ng comment ni Ace. Natawa ako kasi gawain naming gaguhin yung mga salita nung third year kami. Wala lang. Naisip kasi namin na laspag na yung mga salita sa daming beses na nagagamit e. Kaya yun. Pero teka. Wholesome yung laspag diyan a? Kilala ko kayo e. Wahaha.

Skype Villanueva: Wahaha. Gagu. Anong cheeseful? Cheesehood yun! Minsan talaga pag di na torpe, nagiging tanga e. Wahaha.

Kier Quebral: Anak ng. Nag-aaral ba kayo? Cheeseness yun! Kasi diba yung cheese, noun? Pag dinagdagan niyo ng -ness, magiging adjective. Kaya cheeseness. Tanong niyo pa kay Mr. V. Yun turo niya last year e. Hahaha.

Natawa ako nun kay Kier. Gagu talaga e. Inexplain pa yung kalokohan niya. Wahaha. Saka dinamay pa yung English teacher namin last year.

Magrereply na sana ako nun kaso may mga nagcomment pa.

Vivi Reyes: Ano ba guys, nakakahiya kayo! Cheesable kaya ang tama. Benemenyen! :))

Zee Henderson: Eww, Vi. Stupid much? Cheesement kaya yun. Lmao.

Jez Ganda: Oh.my.God. Ang severe na ng katangahan niyo huh? Cheesecake yun. Cheesecake.

Kier Quebral: ^Ayi. Takbuhan na! Andyan na yung devilmonkey e. Wahaha. Teka, di ikaw yun Jez a? Baka tinamaan ka e. Hahaha.

Jez Ganda: ^Weh. Porket devil monkey, matatamaan na ko? Eksaherada?!

Vivi Reyes: ^Hindi. Sa devil bulldog lang. Lololol. Love you, sis! At I love you din, Babe! See you later! <3

Mr V: Kier, Please see me in the principal's office tomorrow. The rest of you disgusts me. Laughing out Loud. Just Kidding. Congrats sa bagong mag-on!

Natawa ako nun sa comment ni Mr. V. Buo pa talaga yung Lol e. Halatang adik sa grammar.

Nilike ko lang yung comment niya nun tapos nag-message ako sa Mom ko. Sinabi ko lang yung pagpapanggap namin ni Vi tapos naglogout na rin ako.

Paglog out ko, hinanap ko yung blog nung J. Kaso kahit anong gawing hanap ko wala na e. Kaya ayun nagbasa nalang ulit ako ng dashboard kong puro post lang ni Vivi. xD

_____________________________________________________________________________

Vivireyes:                                                                        69 notes             reblog           <3

“He was supposed to be my prince charming

but a witch came and destroyed our happy ending.

Guess I’ll just wait for my knight whose armor’s shining,

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon