Dirty Fairytale [#10]

23.5K 277 99
                                    

TEN

FACEBOOK. MESSAGES.

_____________________________________________________________________________

“Hey sexy. xD” Tinype ko dun sa subject dahil nagmemessage ulit ako sa FB ng mom ko.

“Hulaan mo kung sino yung nangmanyak sakin nung isang araw? Oo, mom, si Vivi. Nung una nga ayoko pa e. Kaso mapilit talaga e. Kaya ayun, pinagbigyan ko na. Wahaha. Joke lang. Hinalikan niya lang ako tapos niyakap dahil mahal na niya ko. Lol. Joke ulit. Gusto lang talaga ipakita ni Vivina di siya nasaktan sa panloloko ni Eron. Ang gago kasi nun e.. Ulo sa baba ginagamit sa pag-iisip. Yan tuloy, nawalan siya nang napakagandang girlfriend. Wahaha. Pero ayos lang. Magiging akin naman si Vivi e. Saka First kiss pa lang naman namin yun diba? Kaya marami pang susunod. Wahaha.

Nga pala, malapit nang maging sila Zee at Ace. Maniniwala ka bang matagal na nilang palihim na pinagnanasaan yung isa’t isa? Oo. Kaso parehong scared sabihin kaya ayun, ngayon lang may nangyari. Kaya nga di ako tutulad sa mga yun e. Dahil ngayong break na sila Eron at Vivi, sisiguraduhin kong matutupad na yung pangarap kong maging kami ni Eron. Wahaha. Joke lang. Syempre ni Vivi. Namiss ko lang talaga marinig yung napakaganda mong tawa e. Haiz.

Sige na nga, Mom. Baka mag-emo na naman ako dito e. Ingat diyan a? I love you saka I miss you padin e. :(

P.S Pakisabe sa Boss mo, salamatat pa-sched ng kasal namin ni Vivi. Saka wag kayong mawawalang dalawa a? xD”

_____________________________________________________________________________

Pagkasend ko nun, napatingin ako sa pinto ng kwarto ko dahil may nagbukas. Andun si Tito Jecko na galit yung itsura habang hawak yung videocam niya.

“Hoy Skype. Anong kalokohan to?” pinigil ko yung tawa ko nun habang pinapakita niya yung video ni Xyra na sinasaniban kunwari.

“Sht, san galing yan?” sabi ko na kunwaring nagulat. Si Tito Jecko naman, galit lang na siryoso yung itsura.

“Anong,sht, san galing yan? Pakana mo to no?” natawa na ko nun kaya binatukan niya ko. Taena. Ang tanga ko talaga umacting. Lol.

“Sorry na. Sabi kasi ni Mom bibili niya ko kotse pag 17 na ko e.” tinignan niya lang ako na galit padin yung itsura.

“Pero ayos lang naman kung ayaw mo Tito e. Di naman siguro magagalit si Mom niyan.”Sabi ko habang hinihintay magbago yung itsura niya. Taena. Immuned na ba siya sa pananakot ko? :(

“Tsk. Pasalamat ka, mabaet akong Tito.” Pinatay na niya yung videocam tapos parang aalis na.

“Bibilan mo ko?” nag-smile ako nun sa kanya. Ayos. Kala ko di na siya scared e. Wahaha.

“Asa ka!” sabi niya bago tumawa kaya naalala ko si Vivi nung isang araw. Kamusta na kaya yung mahal ko? Absent kasi kahapon tapos di ako nirereplyan e. Buti nalang talaga sabado ngayon kaya maaaya ko siyang magdate mamaya. xD

“Nga pala. May bisita ka.” Sabi ni Tito Jecko nang siryoso pagtapos tumawa.

“Sino?” nagsmile siya sakin. Taena. Pasuspense pa ah.

“Si Vivi.” lumabas na siya ng kwarto ko pagkasabi nun. Ako naman, nagmadaling tumayo para magpabango. Kakagising ko lang kasi e. Amoy T- pa ko.

TULOG. Wahaha.

Pagkapabango ko, bumalik si Tito Jecko kaya napatingin ako.

“Joke lang. Si Kier talaga.” Tumawa siya nun bago sinara yung pinto. Taena. Lakas mangtroll a. Tsk. Pasalamat siya bibilan niya ko ng kotse. xD

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon