Dirty Fairytale [EPILOGUE]

25.2K 498 189
                                    

EPILOGUE

FACEBOOK. MESSAGES.

____________________________________________________________________________

“Sexy. xD

Bati na ulit kami ni Vivi. Lupet kasi mangblackmail ni Dad e. Di daw matutuloy yung pagmemerge ng company nila kapag di ako binati ni Vivi. Kaya yun. No choice yung girlfriend ko kundi mahalin pa ko lalo. Wahaha. Pero pakipot lang yun. Alam mo naman kung gano ko kamahal nun diba? xD

Nakwento na rin pala sakin ni Dad kung bakit kayo nagbreak dati. Lupet mo talaga,Mom. Di ka daw kasi niya nakalimutan simula nung nahuli mo siyang may kasamang ibang babae. Ang sabi mo pa nga daw, pinaabort mo ko e. Wahaha. Pero ayos lang daw yun. Ang mahalaga daw, magkasama na kami. Lakas nga bumawi nun e. Yung building mo kasing di natapos, tinutuloy niya.

Kambal nga pala magiging anak nila Eron. Yun daw lumabas sa ultrasound ni Amanda e. Excited na nga ako sa magiging mga pamangkin ko e. Err. Tama ba? Yun tawag pag pinsan mo yung tao? Ah, basta. Nakakaexcite. Pero nakakalungkot din. Baka kasi kambal din maging anak namin ni Vivi e. Wala lang. Bawas honeymoon yung ganun diba? xD

Si Kier pala, nililigawan parin si Aria. Siryoso nga si kupal e. Kawawa tuloy si Xyra. Buti nalang may video na siyang nag-sstripdance ni Kier. Wahaha. Bati na rin pala kami nun. Masyado daw kasi akong wholesome para magalit siya nang matagal e. Wahaha.

Si Ace at Zee naman pati yung mag-vehveh, going strong daw. Parang kami lang nga ni Vivi madalas mag-away e. Pero wag kang magaalala, Mom. Di ko sinasaktan yun. Siya lang naman lagi nanakit sakin e. Wahaha.

Err. Sino pa ba mga nakwento ko? Ay, oo, si Nica, malapit na daw gumaling. Nakakalaro na nga niya sila Loki at Kylie sa daycare na pinapasukan namin ni Vivi. Wala kasing magawa ngayong summer e. Kaya yun, tambay kami dun. Si Mimi naman, sila parin nung gf niya. Tapos si Alistaire, pornstar na. Wahaha. Joke lang. Ang huli kong balita, nililigawan na siya ni Kuya Brix e. Parang si Tito Jecko lang din kay Nurse Gem. Y

Oi, sige na,Mom. Wag mong kakalimutan na kahit andito na si Dad, I miss you saka I love you pa rin. Saka, pasabi ulit sa Boss mo, thank you sa lahat. xD"

____________________________________________________________________________

“Babe, Game na!” sabi ni Vivi nang excited pagpasok sa kwarto ko. Teka. Utak niyo. Hapon pa ngayon kaya mamaya pa namin gagawin yung iniisip niyo. Wahaha. Joke lang.Pinagawa lang talaga ako ni Vivi ng post tungkol sa aming dalawa. Ilalagay niya daw kasi dun sa blog namin na siya lang yung nagpopost e. Yun pa nga dahilan ng pag-aaway namin e. Kaya eto, kahit tinatamad ako, napilitan akong magtype. Ang hirap kasi tiisin ng mahal ko e. xD

“Teka, open ko lang.” pinakita ko kay Vivi yung ginawa kong post kanina. Ilang beses ko nga inedit yun dahil gusto kong mapakita sa kanya na siniryoso ko yung hiling niya.

MS WORD. DIRTY FAIRYTALE.

____________________________________________________________________________

"Sabi nila, wala daw Fairytale sa totoong buhay. Sabi ko naman, oo nga.Wahaha. Pero wala man big bad wolf, evil witch, dragon, Voldemort o wicked stepsisters sa totoong buhay, meron namang gagong prince na manloloko sayo at sasaktan yung puso mo.

Ang masaklap pa dun, wala kang choice kundi masaktan muna bago malaman na di siya yung tamang prince para sayo. Kaya nga nagagu ni Eron si Vivi dati e. Pakyu kasi yung kupal na yon e. Sarap pugutan ng ulo sa baba amp. At oo, yung nakakabit sa babang adam’s apple niya yung tinutukoy ko. Kasalanan kasi sa Diyos pag yung sa taas e. Wahaha.

Pero alam niyo kung anong cool sa totoong buhay? Meron ding Knight in shining condom (Wahaha. Joke lang, armor yan. xD) na sasagip sa inyo sa sakit na dinulot ng gagung prince niyo. Siryoso. Merong ganon. Medyo late nga lang talaga yung iba pero dadating din yun. Kaya wag kayong mawawalan ng pag-asa. Sabi nga ni Ace: ”It’s better late than forever” Wahaha. Oo na, never dapat. Plagiarism daw kasi pag tama e. Wahaha.

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon