Dirty Fairytale [#7]

24.5K 302 93
                                    

SEVEN

“Anong ginagawa mo dito?” tinulak ako ni Brix dun sa may pader habang nakahawak sa shirt ko. Taena. Sabi na delikado magpunta dito e. :((

“Kakamustahin ko lang si Vivi.” Sabi ko agad bago pa siya may gawin sakin na nakakakilabot.

Tinignan lang naman niya ako nang nakataas yung isang kilay tapos unti unti siyang lumipat sakin. Sht. Namiss niya ba kong harassin? :((

“Anong surname mo?” tanong niya pagtapos. Taena. Ayoko nga. I-FLAMES mo pa pangalan nating dalawa. Wahaha.

“Villanueva.” Napatingin kami dun sa nagsalita kaya napabitaw sakin si Brix. Taena. Ba’t andito tong kupal na to?

“Anong ginagawa mo dito?” sabay naming sinabi ni Eron. Saka ko lang napansin na nakayakap sa braso niya si Vivi.

“Okay na kayo?” tanong ko kay Vivi na mukhang masaya na ulit. Sht. Sabi na e. Di siya maniniwala sakin.

“Oo. Akala mo siguro hahayaan kong magbreak kami dahil lang sayo no?” sagot ni Eron nang maangas. Taena. Tigas talaga ng ANO neto.

NG MUKHA. Wahaha.

“E gagu ka pala talaga e. Ikaw -“ napahinto ako dahil nakatingin sakin si Vivi nang masama.

“Whatev, Skype. Umalis ka nalang, pwede?” Aww. Di talaga siya naniniwala sakin? Taena. Ang saket a. :((

Lumabas na ko ng bahay nila nang badtrip tapos nagpunta ako sa may sakayan para umuwe. Taena.

Bakit ba ang labo minsan ng ibang babae? Ganon ba talaga kahirap iwan yung lalakeng nanloko sa kanila? O minsan, maganda lang talaga sila? Oo, sige. Naiintindihan kong mahal nila yung gagu. Pero pano naman yung totoong nagmamahal sa kanila? Magjajak.. stone nalang habang buhay dahil busy pa sila magpaloko?

Kaya kayo, wag kayong tutulad kay Vivi a?

Kapag niloko na kayo ng isang beses, wag niyo nang balikan. Sabihan niyo nalang ng pakyu siya tapos iwanan niyo na.

Dahil ang tunay na lalake, kung mahal ka talaga, di yan titikim ng iba kahit sobrang libog na. xD

Sumakay na ko nung dumating yung bus tapos nagsoundtrip lang ako hanggang makauwe. Nakita ko pa nga si Alistaire na sumakay malapit kila Kier pero di ko na pinansin dahil iniisip ko kung pano ko mapapaniwala si Vivi. Taena kasi ni Eron e. Lakas mangagu amp.

Pagkauwe ko sa bahay, tinawagan ko si Ace para ipahack ulit si Eron. Ang saya nga ng kupal dahil pumayag na daw si Zee magpaligaw sa kanya e. Effective daw kasi yung “P0rn ka no?” na pick up line e. Wahaha. Joke lang. Yung fishball talaga. Wahaha. De, kalokohan lang talaga namin ni Kier yun. Saka masyadong wholesome si Ace para gamitin yun.

“Protected na pc niya e.” sabi ni Ace pagtapos kong maghintay. Sht. Mautak na kupal.

“Ge, salamat nalang. Congrats pala kay Zee.” nagthanks lang siya nun tapos binaba na niya yung phone.

“Oi Skype. Anong tinatanga-tanga mo diyan? Magluto ka na kung ayaw mong masaktan!” napatingin ako kay Tito Jecko na galit yung itsura. Taena. Mukhang tanga. Wahaha.

“Ulul?” sabi ko kaya tumawa siya tapos kinuha niya yung videocam niya sa may cabinet. Hobby niya kasi magvideo ng kung ano ano e. Hulaan niyo nalang kung ano. Wahaha. Joke lang. Wholesome yung vinivideo niya.

“Ba’t parang problemado ka?” sabi niya tapos umupo siya sa tabi ko dahil naka-upo ako sa sofa. Nakaisip naman ako ng malupet na plano.

“Tito, peram videocam bukas.” Tinignan niya ko na parang ayaw. Taena. Ang damot.

“Bilis na. Ako, magluluto ng isang buwan?” parang ayaw niya padin pumayag. Taena. Alam ko na.

“Sige, wag na lang. Sana di magalit si Mom pag nalaman niyang ayaw mo kong tulungan.” Sabi ko nang malungkot kunwari. Parang umewan naman yung itsura nya.

“Joke lang. Syempre, papahiramin kita. Ang ganda talaga ng Mom mo no? ” lumapit siya sakin na halatang natatakot na. Wahaha. No match talaga kay Mom to. Nung huli kasing pinagalitan niya ko, minulto daw siya sa panaginip e. Lol. Natawa na nga lang ako pero dahil effective, ginagamit kong panakot sa kanya. Wahaha.

“Yon. The best ka talagang tito.” Kukunin ko na sana yung video cam sa kanya pero iniwas niya bigla.

“Ulul. Kala mo matatakot mo ko no?” tumawa siya. Bigla namang nawalan ng ilaw kaya napamura siya. Wahaha. Ulul pala a?

Nilabas ko nun yung phone ko tapos inilawan ko yung mukha ko.

“Jecko.” Sht. Para akong tanga habang ginagaya yung boses ng Mom ko.

“O-oi Skype. Wala namang ganyanan!” sabi ni Tito Jecko na halatang natatakot na talaga. Wahaha. Nauutal pa talaga.

“Di ako si Skype.” Sabi ko ulit gamit yung boses ng Mom ko tapos saktong nagkailaw na. Taena. Para talaga akong tanga. Wahaha.

“Okay ka lang, tito?” nagpanggap ako kunwari na walang nangyari habang takot na takot yung itsura niya.

“T-teka. Diyan ka lang.”tumayo siya tapos tumakbo papuntang hagdan. Wahaha. Scared amp.

“Oi tito, peram na videocam a?” sumigaw lang siya ng oo tapos nagsara na ng pinto ng kwarto niya. Wahaha. Ayos. Matutuloy ko na yung plano ko bukas.

Nagluto lang ako nun ng pagkain namin tapos dinalan ko si Tito Jecko sa kwarto niya. Oo, marunong akong magluto. Tinuruan kasi ako ng mom ko nung buhay pa siya dati e. Sabi niya kasi, yung stomach daw yung daan sa PU ng mga babae. Wahaha.Teka. Utak niyo. PUSO yan a? Pero pwede rin naman atang sa ano e. Sa wala, joke lang. Wholesome ako e. Wahaha.

Pagkatapos niyang kumaen, nagpaturo lang ako kung pano magrecord dun sa videocam niya tapos natulog na ko.

Kinabukasan, pumasok ako nang maaga para iset-up yung videocam sa office ng student council. Buti nga si Xyra yung nagtatago ng susi nun kaya wala akong naging problema.

“Para saan ba kasi to?” tanong ni Xyra habang inaayos ko yung videocam.

“Basta. Wag ka mag-alala. Di ka mapapahamak dito.” Sagot ko lang dahil ayokong malaman niya yung tungkol kay Eron. Baka magalit kasi lalo si Vivi pag sinabi ko sa iba e.

“Aww. Wala kang tiwala sakin?” parang iiyak na siya nun kaya natawa ako.

“Adik. Syempre meron.” Umiyak na siya ng tuluyan sa sinabi ko. Lol. Artist talaga to e no. Nagpapadiscover e. Wahaha.

“De, wala ka talagang tiwala sakin e.” sabi niya ulit ng malungkot kaya natawa ulit ako.

“Edi sige, di ko na isesend yung video ni Kier a? Wala naman akong tiwala sayo e.” pagkasabi ko nun, biglang umaayos na siya. Wahaha. Teka pala. Utak niyo ulit. Video ni Kier na kumakanta yung pinaguusapan namin a? Pangsurprise kasi dati ng kupal yun sa monthsary ng tatlo niyang ex e. Lol.

“Joke lang. Guma-gwapo ka, Skype huh? Epekto ba ni Vivi yan?” tumawa lang kami nun tapos bumalik na kami ng classroom.

Pagbalik namin, sinalubong kami ni Kier habang nagpaalam namang mag-ccr si Xyra.

“Pre, iba na yan a?” sabi ni Kier pagkaupo namin.

“Anong sinasabi mo diyan?” tumawa siya na parang may iniisip na masama. Sht.

“Yung mga lihim niyong pagkikita ni Xyra.” Wahaha. Taena. Nagseselos ba to?

“Pakyu. Alam naman natin kung sino gustong kita-in nun e.” tumawa kami tapos biglang pumasok si Vivi kaya napahinto kami,

“Saka, loyal ako sa mahal ko.” sabi ko nung nilapag ni Vivi yung bag niya sa upuan niya sa harap.

“Whatever.” Sabi naman ni Vi tapos umirap siya sakin bago umupo. Aww. Di naman si Eron ibig kong sabihin e. Haiz. Taena.

Hanggang jak-stone nalang ba ko talaga? :((

[AN: Wholesome yung jakstone. Lol.Penge comment para di ako tamarin magupdate. Haha.]

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon