Dirty Fairytale [#24]

18.8K 208 36
                                    

TWENTY FOUR

“Cause Mom, you’re amazing, just the way you are.” Lumapit ako sa Mom ko pagkatapos ko kantahin yung Just the way you are ni Bruno Mars. Medyo natatawa nga siya dahil di ko naman talaga talent yun. Gusto ko lang kasi maramdaman niya na kahit kami lang ni Tito Jecko yung mga lalake sa buhay niya, maganda at amazing parin siya.

“Sexy, welcome back.” pinakita ko sa Mom ko yungchocolatecake na ginawa ko. Andito kami sa kwarto niya dahil kakagising niya lang niya. Pang-sampu ko ngang gawa to e. Palpak kasi yung iba; Kung di matigas, mamasamasa naman. xD

Pero oo. Kahit 14 palang ako. Marunong na kong gumawa ng ganto.

“Uhm. Okay?” tumawa siya habang bumabangon sa kama niya. Tsk. ‘Okay ‘ lang ba talaga dapat pag kinantahan ka ng napaka-wholesome na anak mo tapos ginawan ka ng cake?

“Ayaw mo ba? Sige. Kay Tito Jecko nalang tong ginawa ko.” umacting akong malungkot kunwari kaya natawa siya.

“No way? Ginawa mo yan?”nilayo ko yung cake nung parang kukunin niya.

“Ay, o. Nagpapalalambing yung baby ko.” yumakap siya sakin nung kunwaring aalis na ko. Muntik tuloy matapon yung cake na hawak ko.

“Teka, Mom. Mamaya mo na ko molestyahin. Matatapon tong cake mo e.” Humiwalay na siya sakin tapos binatukan ako nang mahina.

“Ang dumi na ng utak mo Sky Peter ha. Kanino mo natutunan yan? Puputulan ko.” natawa ako kaya binatukan niya ulit ako ng mahina. Taena. E nakakatawa yung puputulan e. Wahaha.

“Oi. Child abuse na yan a? Kaya ka iniwan ni Pareng Pete e.”sumiryoso yung itsura niya sa sinabi ko. Sht. Wrong joke.

“Joke lang. Ba’t parang mas sumesexy ka, Mom? Pakisabe nga sikreto mo kay Vivi para pag asawa ko na siya, kasing sexy mo parin siya.” nilagay ko yung cake sa mesa tapos nung parang aalis na siya, niyakap ko siya galing likod.

“Oi, Mom. Sorry na kasi. Gagu naman kasi si Dad e.Ang ganda ganda mo na, naghanap pa ng iba.” Parang pinigil niya yung tawa niya nun. Ayos. Sabi na, di ako matitiis neto e. xD

Ganyan naman kasi lahat ng Mom natin diba? Kahit ano pang kalokohan gawin natin, mahal parin nila tayo. Saka, cheeseful (cheesy), cornful (corny), o sabi nga ni Kier, carrotful(dapuq. haha.) man aminin, mahal rin natin sila. Kaya nga dapat kahit nakokornihan o natotorpe tayo, ipakita rin natin yun sa kanila.

Lalo na yung mga single lang tulad ng Mom ko. Parang triple kasi yung hirap nila kumpara sa iba e. Gago naman kasi yung ibang lalake e. Pagkatapos magpasarap, biglang nagkakamemory-gap.

Kaya kayo, ingat sa ALAM NA a? Hindi naman kasi lahat ng lalake, farmer na handang alagaan yung tinanim nila e. Marami diyan, pagkabaon ng seeds nila, ibabaon ka narin sa limot.

Kaya nga kung gagawin niyo yun, ingat. Sa mga kupal naman, wag padalos-dalos. Sabi nga ng Mom ko dati: “Ulo sa taas paganahin mo, wag yung sa baba.” xD

“Oi Mom, sorry na talaga. I love you saka I miss you naman e. Saka, minsan nalang nga tayo magkakasama, magagalit ka pa?” tumawa na siya kaya natuwa ako. Yun. Sabi na parang si Vivi lang to e.

Kahit ano pang atraso ko, mahal na mahal pa rin ako. xD

Pero siryoso, totoo yun. Lahat naman kasi ng kalokohan ko, pinatawad niya e.Tingin ko nga pag nabuntis ko si Vivi, magagalit lang siya sandali tapos mae-excite na siya sa magiging apo niya e. Cool kasi yan e. Parang babaeng bestfriend ko lang.

Pero example ko lang yun buntis a? Sabi nga ni Ace, hindi sa quarter moon, full moon, half moon o no-moon yun ginagawa. Dapat every moon.

Wahaha. Joke lang. Sa honeymoon lang talaga. xD

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon