Dirty Fairytale [#1]

106K 868 121
                                    

ONE

“Miss, Vice ba pangalan mo?”tanong ni Kier dun sa katabi niya kaya napatingin ako. Andito kami ngayon sa may pavillion ng school dahil inaantay namin yung tropa naming si Ace. Birthday kasi ni Zee e, yung friend naming babae. Maganda yun saka sexy. Kaya nga, sabay sabay kaming pupunta sa bahay nila para mag-ALAM NA.

MAG-PARTY. Wahaha.May naisip na naman kayong iba no? Lol. Ayos lang yan. Sanggol nalang naman ang di greenminded ngayon e. xD

“Hindi, bakit?”reply nung babae nang nagtataka. Transferee ata to dito. Ngayon ko lang kasi nakita safour years ko sa school na to e. Pero ang cute mga pre a. Kaya pala kinakausap bigla ng kupal na katabi ko.

“Ang ganda mo kasi e.”Natawa ako nun sa banat ni Kier. Pauso e. Vice Ganda amp. Wahaha. Saka ang gagu, kung makabanat parang di dalawa syota e. Oo, two timer yang kupal na yan. Gwapo daw kasi kaya daming nabibiktima e. Kaya, kayo, ingat kayo diyan a? Pangarap niyan maging five-timer e. Wahaha.

Tumawa lang nun yung babae sa kanya tapos biglang lumingon dun sa sumigaw ng “Amanda.” Lumingon din naman kami dahil ang ganda ng boses.

“Finally. Kala ko iniwan niyo na ko dito e.”Tumayo si Amanda tapos nakipagbeso dun sa tumawag sa kanya. Tinignan ko naman nang maayos dahil natakpan niya. Sht. Si Vivi pala. Kaya pala ang ganda ng boses e. Boses ng mahal ko. xD

“Sorry, Mandz. Ang tagal ng meeting nila Eron e.”reply ni Vivi nang nakasmile pagkatapos. Yon o. Buo na naman araw ko. Nagsmile sakin yung mahal ko e. Wahaha.

Sige na. Inaamin ko na. Banana na ko. Ang feeling ko kasi e. Wahaha. WTF ba? Sisihin niyo si Kier. Pauso niya yang banana feeling e. Wahaha.

Pero pagbigyan niyo na lang ako a? Eto nalang kasi kaligayahan ko ngayon e. Taena naman kasi. Naunahan ako manligaw ni Eron. Kaya nga, kahit magkasing-gwapo daw kami, hanggang lihim na pagnanasa lang ako. xD

“Yeah, sorry. Nagovertime yung council e.”Napatingin kami kay Eron. President yan ng student council namin kaya busy lagi. Pero ang gara a. Dumaan kasi kanina yung ibang members ng council dito at parang uuwi na. Pero oh well. Lagi naman ata late umuwe pag president e. Kaya nga di ko pinangarap maging officer ng kung ano e. Wala lang. Katamad e.

“Vi, pakilala mo naman kami sa friend mo.”Tumayo si Kier sa tabi ko kaya tumayo din ako. Baka kasi mabastos yung mahal ko e. Wahaha. Oo na, walang konek. Hobby lang talaga tumayo ng mga bodyparts ko pagdating sa mahal ko. xD

“Ayoko nga. Girlfriend-in mo pa.”tumawa si Vivi tapos nung napansin niyang nakatingin ako, huminto siya.

“May kasama ka palang epal.”sabi niya na parang nabadtrip. Wahaha. Ang ganda niya talaga lalo pag badtrip. Kaya ang sarap asarin neto e.

Epalna ba ang bagonggwapongayon?”tumawa si Kier pati si Amanda sa joke ko habang yung dalawang magsyota naman, di lang nagreact.

“Hindi.”sabi ni Eron nang maangas kaya tinignan namin siya. Taena. Pasalamat ka, mahal ka ng mahal ko.

“Alam mo yung joke, pre? O kailangan mo pang igoogle?” Nagsmile ako na pang-asar kaya parang nabadtrip yung itsura ni Eron. May sasabihin pa nga sana siya pero kinuha ni Vivi yung isang kamay niya tapos nakipagholding hands.

Awts o. Sa harap ko pa talaga. :((

“Guys, tara na. Ayun na sila Zee o.”tumuro si Vivi dun sa may gate kaya napatingin kami.

“By the way, Skype, Kier. Si Amanda nga pala, pinsan ko.”Pagkasabi ni Vivi nun, naglakad na sila papunta kila Zee at Ace. Si Amanda naman, nagnicemeeting you lang samin tapos sumunod na rin.

“Gusto mo ng scotchtape, pre?”sabi ni Kier bigla kaya tinignan ko siya nang nagtataka.

“Wasak na naman puso mo e.”tumawa siya kaya binatukan ko. Taena e. Lakas mang-asar. Isa kasi yan sa nakakaalam na mahal ko si Vivi. Buti nga marunong magtago ng sikreto si kupal e. Ayoko kasing malaman ni Vivi na may gusto ko sa kanya dahil baka lumaki ulo. Hearthrob ba naman magkagusto sa kanya e. Wahaha. Joke lang a? Madumi utak ko pero di malaki ulo ko. Sa taas. xD Saka imposibleng magkagusto yun sakin dahil ibang iba yung mundo namin. Badboy kasi ako ng school namin habang siya naman e goodgirl. Kaya nga lagi kong inaasar yun e. Hindi kasi kami talaga naguusap pwera nalang pag sinusungitan niya ko.

“Pakyu ka a! Baka gusto mong malaman ni Vivi na-”Binatukan ko ulit si Kier kaya napahinto siya sa sasabihin niya. Wala lang. Umaacting pang galit e. Wahaha.

“Na ano? Na dalawa gf mo?”nag-smirk ako kaya di siya nakapalag. Kaibigan kasi ni Vivi yung isang gf niya e. Yung isa naman, kapitbahay niya. Galing magstrategize ng kupal no?Walang chance magkakilala. Sabi ko nga itigil na niya yung ginagawa niya e. Pero mahal niya daw pareho kaya um-oo na lang ako. Imposible naman kasi magmahal ng dalawa e. It’s either di mo na mahal yung una o libog lang talaga yung pangalawa. xD

“Joke lang, Skype. Wag kang mag-alala. Magsisign-in din sayo si Vivi balang araw.”Natawa ako sa kanya dahil halatang nangagagu lang. At oo, Skype pangalan ko. Wag niyo itanong kung bakit, trip lang yan ng gwapong author ng storyang to. [A/N: BWAHAHAHA.]

“Ayoko. Gusto ko ako magsi-sign in sa ANO niya e.”sabi ko na kunwaring siryoso. Tinignan naman niya ako nang natatawa.

“Sa ano?”tanong niya na halatang nagiisip ng masama. Sht. Dumi ng utak o. Parang kayo lang e. Wahaha. Joke lang.

“Sa puso. Bakit?”Tumawa lang kami nun tapos nagpunta na kami sa kotse ni Ace. Parang badtrip nga si Ace habang nagddrive kaya nanahimik lang ako sa tabi niya habang yung lima, nagkukulitan sa likod. Di kasi nagshashare yan ng problema niya kahit kulitin mo e. Pero nagiging okay din naman siya kaya hinahayaan ko nalang.

Pagdating namin sa bahay nila Zee, nakapatay yung ilaw tapos walang tao. Nagets ko naman agad na may surprise kaya nanahimik lang ako.

“Eff. Brownout?”sabi ni Zee na parang badtrip tapos biglang bumukas yung ilaw at naghappy birthday yung mga tao sa kanya.

“OMG guys, kaasar kayo. Akala ko my birthday’s screwed na e.”Tumawa lang yung mga tao nun kay Zee tapos kinantahan namin siya ng happy birthday.

Pagtapos nun, nagparty na kami hanggang maggabi. May dj nga kaya sumayaw lang ako ng sumayaw. Bukod kasi kay Vivi, eto pa yung isang mahal ko. Ang sarap kasi ng feeling pag sumasayaw e. Nakakalimot ng problema.

Nung napagod na kong sumayaw, pinuntahan ko si Ace na umiinom ng beer mag-isa dun sa may mesa.

“Inom lang. Di ako magtatanong.”sabi ko pag-upo ko tapos uminom din ako nung beer.

“Pre, pwedeng patulong?” tinignan ko siya nang gulat. Ngayon lang kasi humingi ng tulong to e. Di kasi talaga to open na tao. Tahimik lang kasi madalas pwera nalang kapag kasama kami. Kala tuloy ng mga tao, suplado. Pero di naman e. Snob lang talaga. Wahaha.

“Busy ako e.”tumawa siya sa sagot ko dahil alam niyang joke lang.

“Gagu. Bilis na. Minsan lang magpatulong, di pa mapagbigyan.”Umacting pa ng malungkot ang kupal kaya binatukan ko.

“Pucha. Maghanap ka ng ibang hobby, pre. Hilig mong mangbatok e.”tumawa ulit siya tapos tinanong ko na kung anong matutulong ko.

Balak pala niyang ligawan si Zee kaso di niya alam kung pano. Meron na kasing nanliligaw kay Zee ngayon pero sabi ni Ace, parang pinapaasa lang siya. Taena nga e. Mahal na mahal kasi ni Zee yon e.

Minsan kasi talaga pakyu yungibanglalake e. Parang mga gagu amp. Bakit mo liligawan yung babae kung papaasahin mo lang pala? Taena, pre. Mas bakla ka pa bakla e. Atleast sila, di nagpapaasa. Wala naman kasing aasa e. Wahaha. Joke lang.

Pero siryoso. Pakyu yung mga ganon. Kaya kung paasa ka. Itigil mo na yan. Sarili mo nalang paglaruan mo kesa feelings ng iba. Mas mageenjoy ka na, wala pang masasaktan at aasa. xD

”So,ano?”Tinignan ko si Ace na hinihintay kung tutulungan ko siya. Nakaisip naman ako ng malupet na plano.

“Sige. Tutulungan kita.”Natuwa si Ace pagkasabi ko nun tapos nakita ko sila Vivi at Eron na nagsasayaw nang patawa-tawa. Di ko lang naman sila pinansin. Pero taena, sobrang hirap kaya uminom nalang ako.

Pakyu naman kasi si Kupido e. Sa dami ng babae dun pa sa may syota ako pina-inlove. SARAP PUTULAN E. Ng pana a? Baka kung ano naman iniisip niyo e. Wahaha.

Nung naramdaman kong may tama na ko, nagbye na ko kay Zee para umuwe. Hinanap ko nga si Kier para sabihan pero bangag na talaga ako kaya lumabas na ko.

Paglabas ko, nakita ko si Eron na hinahalikan si Vivi habang nakasandal sa pader. Taena o. Uuwi nalang ako, masasaktan pa ulit. Tsk.

Umiwas agad ako ng tingin nun bago pa ko mabadtrip nang todo tapos naglakad na ko.

Pagdating ko sa may sakayan, may nabangga akong babae. Magsosorry na sana ako kaya lang parang pamilyar yung likod kaya hinintay kong humarap.

“Vivi?”sabi ko nang nagtataka tapos nung sasagot na siya, biglang nagblack yung paningin ko.

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon