Dirty Fairytale [#22]

18.3K 197 31
                                    

TWENTY TWO

“Sigurado ka na ba dito, Vi?” nagising ako sa boses ni Ace dito sa classroom namin. Natulog kasi ako sa huling subject namin na Bookkeeping e. Taena kasi. Imbis na nagddate na kami Vivi, nagsasayang pa kami ng oras sa subject na yun. Saka, napuyat din kasi ako kakaisip kung anong balak ni Vivi mamaya e.

Oo. Maniwala man kayo o hindi, di ako nakatulog kagabi. Nakagawa pa nga ako ng listahan ng pwedeng balak sakin ni Viv e. Wahaha. Gusto niyong makita? Wag na. Baka masira yung wholesome na pagkakakilala niyo sakin e. Lol.

Pero teka pala. Gusto ko lang linawin yung Sexcited na sinabi ko kagabi. Pinaghalo kasing sexy at excited yun e. Kasi diba sexy si Vivi? Tapos excited din?

Kaya oo, utak niyo lang nag-isip ng bastos dun. Wahaha.

“Yup. Alam mo namang kelangan kong makasigurado na mahal niya talaga ak-“ di natapos ni Vi yung sasabihin niya dahil tumingin sakin si Ace.

“Oi, pre.Maganda panaginip mo no? Naglalaway ka e.”tinignan ko yung sahig sa sinabi ni Ace. Taena. Wala naman a? Tsk. Minsan talaga pag syota na ni Zee, nagiging bastos mga joke e.

“Pucha. Ang libog mo talaga.” natawa si Ace nun habang may parang may tinago namang mga pics si Vivi sa bag niya.

“Oi, Patingin.” tinignan lang ako ni Vivi nang masama habang turo ko yung tinago niya. Tsk. Wag na nga. Baka di pa matuloy yung date namin e. xD

“Asan pala si Kier?” tanong ni Ace kaya napatingin kami sa kanya.

“Nagcutting na naman e.” sagot ko lang nang maikli. Baka kasi di pa nasasabi sa kanya ni Kier yung tungkol kay Mimi at ayokong sakin manggaling. Saka, baka sabihin ni Kier, napakawholesome ko pero di ako marunong magtago ng sikreto. xD

“Ah. Ano bang problema nun?” nag-‘ewan’ lang ako tapos umalis na siya dahil may date pa daw sila ni Zee. Ayos nga e. Kala ko kasi magfo-foursome date pa kami. Wahaha. Joke lang. Double date yan. Pakyu kasi si Kier e. Sa kanya ko nalaman yan. Wahaha.

Pag-alis ni Ace, naglocker lang kami ni Vivi nang tahimik.

“Para sayo pala.” Binigay ko yun chocolate na Ferrero na may origaming rose kay Vivi.

“Wow. Ang consistent, Skype a? Pero thanks dito. Ang sweet mo talagang maging fake na boyfriend.” Hinila niya ko nun papuntang T.L.E. room kaya di na ako nakasagot. Tapos, nun sinira niya yung pinto kaya tumayo yung ANO ko.

YUNG BALAHIBO. xD Ang dilim kasi dahil di pa nabubukas yung ilaw e. Wahaha.

Pero teka. Ba’t niya ko ba dinala dito?

Para walang makaistorbo pag ginagahasa na niya ko? xD

“Hoy. Utak mo.” Binatukan ako ni Vivi nang mahina kaya napatingin ako sa kanya.

“Anong utak ko?” natawa ako sa pagmamaang-maangan ko habang ang sama ng tingin niya sakin. Sht. Teka.

Kung alam niya yung maduming iniisip ko. Ibig sabihin…

Yun din iniisip niya? xD

“Wag ka na ngang painosente diyan. Tara dito. “ nagpunta siya dun sa mesa na may mga gamit paggawa ng cake kaya sumunod ako. Tapos nun, nilapag niya yung bag niya sa upuan.

“Anong favorite mong cake?” Aww. Ang sweet o. Gagawan ako ng cake dahil sobra na niya kong mahal. xD

“Chocolate.” Sagot ko habang nagsusuot siya ng apron. Sht. Ang ganda niya talaga lalo pag naka-apron lang. Err. Teka. Typo yung ‘lang’ diyan. Naalala ko kasi yung joke ni Kier nung isang araw e.

Nagjoke kasi ako na ‘heartthrob ako’ tapos sabi ni kupal: “Talaga, pre? Sino ka? Si Zach Apron?” Taena. Sobrang korni no? Kaya mahal na talaga ako ni Vivi e.Wahaha.

Pero kung inaakala niyong wala nang mas kokorni pa dun. Eto, pakinggan niyo yung banat niyang ginawa dun:

“Miss, Apron ka ba? Kasi sa sobrang heartthrob mo, nomatch si Zach Apron sayo e” Wahaha. Parang gago lang e no? Mana lang sa author ng storyang to e. Wahaha. [A/N: TYPO YUNG ‘GAGO’ DIYAN.GWAPO TALAGA YAN. BWAHAHA.]

Basta, typo lang talaga yung ‘lang’ dun. Baka magalit si Vivi pag nalaman niyang nadulas akong sabihin yun e. Wahaha. xD

“Ah. Tara. Turuan mo ko gumawa ng strawberry cake.” Natawa ako nun dahil di pang-strawberry yung mga ingredients niya. Adik e. Kunwari pang di para sakin yung gagawin niyang cake. xD

“E pangchocolate to e.” tinignan niya pa kunwari yung mga ingredients niya na parang nagkamali siya. Lol. Ang ganda talaga lalo neto pag gumaganto.

“Shet. Oo nga no? Mali yung nabili namin ni Kaizen. Badtrip! Strawberry gusto ko e.” pinigil ko yung tawa ko nun sa acting niya tapos tinuruan ko na siya gumawa nung cake. Inumpisahan namin dun sa pagmimix tapos nilagay na namin sa may oven.

Pagtapos nun, gumawa na kami ng pang-icing. Tahimik lang nga ako dahil gusto ko pakita sa kanya na di lang pagjojoke ng di wholesome yung alam ko.

“Sigurado ka bang 180 degrees dapat yun?” tinuro niya yung oven kaya napatingin ako. Sasagot na sana ako kanya pero pinahiran niya ng icing yung pisngi ko bago tumawa.

“Taena.” tinignan ko siya nang siryoso kunwari kaya tumigil siya sa pagtawa.

“Dilaan mo yan.” tumawa ako pagkasabi nun pero siryoso lang siyang lumapit sakin. Sht. Didilaan niya talaga? Taena. Sayang! Sana sa ibang bodypart niya nalang ako pinunasan. Wahaha.

Teka. Utak niyo. Sa labi yung tinutukoy ko a? Puro sa pisngi lang kasi mga kiss niya kaya nakakasawa na e. Wahaha.

Naramdaman kong bumibilis yung heartbeat ko habang palapit siya ng palapit sakin. Nung parang didilaan na niya yung icing, napunta sa tenga ko yung bibig niya.

“Bukas zipper mo.” tumawa siya habang nag-init naman yung mukha ko na sinasara yung zipper ko. Taena. Didilaan na ko ng mahal ko, panira pa. Tsk.

Tumatawa lang siya nang halos di na makahinga kaya natuwa ako. Halata kasing nag-enjoy siya sa bukas na zipper ko e. Wahaha. Saka, kung ganon palang tuwang tuwa na siya, pano pa kaya pag pati kanya, nakabukas na? Wahaha. Joke lang a? Pero pwede rin totoo pag asawa ko na siya e. Wahaha.

“Teka. Ba’t alam mong bukas?” tumigil siya sa pagtawa na parang namumula. Sht. Guilty na pinagnanasaan ako o. Wahaha.

“Hoy. Napansin ko lang yun nang di sinasadya no.” Tumayo siya tapos kinuha yung bag niya. Lol. Ayos lang yan, Babe. May karapatan kang pagnasaan yan. xD

“Woo. Ganon pala mga hobby mo, Vi, a?” asar ko pagkakuha niya ng bag niya.

“Whatever. Teka nga. Mag-CCR muna ako. Pag may nangyaring masama sa bini-bake ko, may mangyayari ding masama sayo ha.” lumabas siya ng TLE room kaya naghintay lang ako.

Mayamaya, may biglang kumatok sa pinto kaya tinignan ko. Taena. Gago talaga minsan mantrip mga tao o. Walang magawa e.

Papasok na dapat ulit ako dahil wala namang tao kaso may napansin akong picture dun sa sahig kaya kinuha ko.

Pagtingin ko, nanlaki mata ko sa nasa picture.

Taena.

Sinong kupal nag-photoshop nito? >:[

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon