Dirty Fairytale [#17]

19.7K 206 33
                                    

SEVENTEEN

Taena. Kinakabahan ako.

Teka. Di dahil sa ngayon yung unang araw ng pagpapanggap namin ni Vivi sa school a? Madali lang naman kasi yun dahil gusto ko rin naman yung ginagawa ko. Ang kinakaba ko e yung pic ni Eron habang gumagawa ng di dapat. Di ko na kasi talaga makita at baka nakita ni Vivi nung pinahiram ko yung jacket ko sa kanya. Wala lang. Baka kasi isipin niya pinotoshop ko lang yun tapos makipagbalikan pa siya kay Eron ng di oras.

Taena kasi. Ba’t ko ba nilagay sa jacket ko yun? Minsan talaga pag mahal ka ni Vivi, puro siya nalang iniisip mo e. xD

Pagdating ko sa school, nagpunta muna ako kina Ace para kunin yung origami na ginawa ko. Naiwan ko kasi kahapon at ilalagay ko ngayon sa locker ni Vivi. Buti nga alam ni Zee yung combination ng lock niya kaya siguradong mas mamahalin na ko ng mahal ko. xD

Nung bubuksan ko na yung locker ni Vi, may napansin akong nakasulat na malaking “SLUT” dun sa harap ng locker. Taena. Pakana to ni Eron, panigurado.

Mababadtrip na sana ako nun kaso, may nabasa akong sticky note na kulay pink.

“I think you got the wrong locker. ;) – Alistaire” Natawa ko nun tapos nakita ko si Alistaire na kumukuha ng gamit niya kaya lumapit ako.

“Oi. Thank you dun sa note.” Nagsmile siya sa sinabi ko. Sht. Ganda niya talaga pag walang topak.

“What note?” Kumindat siya tapos nung aalis na siya, hiningi ko yung stickynotes niya. May naisip kasi akong gawin para matakpan yung nagsulat ng masama sa mahal ko e. xD

Slut na ba spelling ng Maganda ngayon? xD –Skype” sinulat ko dun sa sticky note tapos dinikit ko. Tapos nun, lahat ng makita kong kakilala si Vivi, pinapagawa ko ng ganon. Astig nga kasi napuno agad yung locker at natakpan yung masamang salita e.

Pagkapuno ng sticky notes, binukas ko na para ilagay yung origaming roses na ginawa ko. Tapos nun, dumating si Jez kaya pinusulat ko din siya.

“Meron bang dwendeng itim na slut? Eksaherada ha? Hahaha. Charot lang, sis. Ang unkabogablly and severely ganda mo!” sinulat niya tapos dinikit dun sa pinaka-lock. Pag-alis ni Jez, kumuha pa ko ng gamit ko kaya na-late na ko ng pasok.

“Mr. De la cruz. Bakit late ka?” sabi nung teacher namin pagpasok ko ng classroom. Gurang na kasi yan at malabo na mata e.

“Sir, Si Mr. Villanueva po ako at na-LBM ako.”tumawa lang yung mga classmates ko sa palusot ko.

“Ay oo nga. Magkamukha kasi kayo e. O siya upo na.” Taena. Ba’t ba lagi nalang kaming napagpapalit ng kupal na yun? Mas bagay naman kami ni Vivi diba? xD

Umupo na ko nun sa upuan ko tapos may inabot akong chocolate na Ferrero kay Vivi na may nakadikit na origaming rose. Taena. Tanggapin mo, Vi.

“Thanks Babe!” sabi niya nang nakasmile pag-upo ko. Yun. Di siya galit. Ibig sabihin di niya na kita yung pic at break padin sila ni Eron. Wahaha.

“Anong thanks? May kapalit yan.” Nagtaas-baba ako ng ANO ko para kunwari may iniisip na masama. Wahaha. Teka. KILAY yan a? Baka may iniisip kayong masama e. Wahaha.

Umirap lang siya nun sakin tapos humarap na ulit sa whiteboard. Wahaha. Joke lang e. Saka, gusto din naman niya nun diba? xD

Nakinig lang kami ng klase buong umaga. Boring nga e. Buti nalang talaga andito si Vivi kundi kaninapa ko nag-cutting.

Nung lunch na, kasama namin sina Kier, Amanda at Jez kumain dahil inuwi ni Ace si Zee. May surprise daw kasing secret yung kupal e. Natawa nalang nga kami dahil masamang nagsesecret samin ni Kier. Pag ganun kasi samin, automatic na ALAM NA e. Wahaha.

“Totoo bang kayo na, pre?” tanong ni Kier habang nasa canteen kami. Tabi sila ni Jez habang kami naman ni Vivi tapos sa gilid niya si Amanda.

“Oo, lagi ka kasing nagccutting e.” sabi ko tapos kinuha ko yung ginawa kong strawberry na cake na maliit. Nireblog kasi ni Vivi yun kaya ginawan ko siya kaninang umaga e. Ang sweet ko no? Kaya mahal na mahal na ako ni Vivi e. xD

“O? Ba’t parang ang bilis? Nagkabuntisan ba?” natawa kami nun kay Kier. Ang bastos talaga ng kupal na to no? Buti pa ko, mahal na mahal na ni Vivi, wholesome pa. xD

“Pag mabilis naging on, nagkabuntisan na agad? Di ba pwedeng na love at first sex lang muna?” natawa rin kami kay Jez. Gagu din e. Pakilayo nga ako sa mga to. Ang samang inpluwensya sa pagkawholesome ko e. xD

“Gaga. Ang eksaherada mo dun, sis ha? Buti pa si Babe ko, wholesome ngayon.” Yun o. Sabi ko sa inyo, wholesome ako e. Galing pa kay Vivi yan a? Wahaha.

“Woo. Bet mo lang yung cake na dala niya e.” natawa si Vivi nun kay Jez tapos parang namula. Lol.

“Ge na, Babe. Kainin mo na, para sayo naman yan e.” binigay ko yung cake kaya binukas niya tapos kinain na niya.

“Wow. Ang sweet naman,pre. Ano kapalit niyan?” natawa ulit kami nun kay Kier. May iniisip na namang masama e.

“Syempre, ALAM NA.” napatingin kami kay Amanda nang gulat tapos tumawa kami. Bigla nalang bumabanat ng ganun e. Tapos di pa bagay sa wholesome naming pagkatao. Wahaha.

“Ohmygod, te. Sayo pa talaga nanggaling yun ha? Sabi ko sayo wag kang tromotropa kay Sadako, magiging ma-L ka e.” tinignan ko yung buhok ni Amanda. Lol. Kaya pala Sadako, ang HABA na e. Ng buhok niya. xD

Magkukulitan pa sana sila nun kaso biglang dumating si Kaizen kaya parang natahimik si Jez bigla.

“Vi, tuloy mamaya a?” sabi ni Kaizen tapos umalis na. Taena. Anong gagawin nila mamaya? >:[

“Tutor yun. Utak mo.”sabi ni Vivi tapos binatukan pa ko. Sht. Oo nga pala. Iba trip ni Kaizen. Wahaha.

“Awts. Wala naman akong iniisip na masama e.” umacting pa ko ng malungkot kaya natawa sila. Si Vivi naman, kiniss lang ako sa pisngi tapos tumayo na. Yun. Sabi na ganun lang yun e. Wahaha.

“Thanks sa cake, Babe. Wag na madrama, k?” tumayo na sila nun kaya sumunod ako. Saka ko lang nga napansin na nasa likod namin sila Eron kumakain. Taena. Kaya pala hinalikan ako ni Vivi. Kala ko galing sa puso na e. :(

Pagbalik namin ng classroom, nakinig lang kami sa lecture tapos nung uwian na, kinuha ko yung gamit ni Vivi para ilagay sa locker.

“Tara na, kasi.” Hinila ko siya papuntang locker niya. Ayaw niya kasi dahil nakakabadtrip lang daw dun.

“OM. Kaw may gawa neto?” binasa niya yung mga nakasulat dun sa stickynotes ng nakatodo smile. Yun o. Napasaya ko yung mahal ko. xD

“Oi, di a. Yan talaga tingin nila sayo.” Sabi ko habang busy padin siya sa pagbabasa na parang kinikilig pa.

“Bilis na, buksan mo na. Ang bigat ng gamit mo e.” pagbukas niya, nakita yung origaming roses kaya parang napanganga siya.

“Ayos ba, Babe?” Sabi ko at baka akalain niya pang galing sa iba tapos nilagay ko na sa loob yung gamit niya.

“Shet, Skype. Ba’t ang galing mong maging fake na boyfriend?” sabi niya habang hawak yung roses na ginawa ko. Sasabihin ko na sana nun na totoo lahat ng ginagawa ko kaso biglang dumating si Kaizen.

“Oi, Vi. Andyan ka lang pala. Tara na, i-tutor mo na ko.” pagkasabi ni Kaizen nun, nagbye na si Vivi sakin tapos umalis na sila.

Taenang kupal o. Panira. Nakalimutan tuloy ni Vivi yung kiss ko. Tsk

Susunod na rin dapat ako nun sa kanila kaso may napansin akong sticky note na kulay blue dun sa locker ko.

“Well played, Bro. Very well, played. -P.S. I know you know what I mean, J.” Err.

Sino may kakilala sa J na to?

Pakisabe nga pakyu siya.

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon