"Lulu...ikaw ba 'to, Luisa?" muli ay sabi sa kabilang linya.
Ang tibok ng puso niya ay bumilis kesa normal. Kahit pa ano'ng hagilap niya ng hangin ay tila hindi iyon nagiging sapat para sa kanyang baga. Sinubukan niyang tumayo sa kabila ng kanyang nanlalambot na mga binti. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang tinig ng kanyang Kuya CJ sa kabilang linya.
"K-Kuya?" bakas sa kanyang tono ang pagiging alangan.
She wanted him alive, of course, but she also knew that the odds were small! Even she barely survived that forest that night!
"Thanks God, Lulu!" his brother's voice cracked.
Sa kabilang linya ay narinig niya ang impit nitong mga hagulgol. Iyon din ang tumulak sa kanyang mga luha upang mag-unahan sa pagbagsak. Ito nga talaga ang kanyang kapatid! Buhay ito at tulad niya ay nakaligtas nanggabing iyon!
"Sobra ako'ng natakot na baka tuluyan na kitang napahamak!" anitong kinababakasan pa rin ng pinaghalo-halong emosyon ang tono.
"K-Kuya CJ, nasaan ka ngayon?" nanginginig ang kanyang mga labi. She wanted to know everything that happened to him! Sobra-sobra ang kanyang pag-aalala rito!
Ilang sandali na tanging paghagulgol lamang nito ang kanyang narinig bago tuluyang nagsalita. "Nandito ako sa Cebu. May bahay ang kaibigan ko rito na hindi nagagamit kaya dito niya ako pinatuloy pansamantala. Mapagkakatiwalaan ko siya, Lulu. Siya ang una kong hiningan ng tulong nang makatakas ako nang gabing iyon sa gubat."
Suminghap siya at nakahinga ng maluwag nang dahil doon. Pagkaraan ay muling nagsalita."T-Teka, Kuya. Paano mo nga pala nakuha ang number ko? Si Mara ang pinadalhan ko ng message dahil naisip kong baka namo-monitor ng mga lalaking naghahanap sa'tin ang account mo."
"Hindi ko na ginagamit ang dati kong phone at numero doon dahil baka ma-trace ako pero naitabi ko ang calling card ng manager mo sa restobar. Hindi ba ibinigay mo iyon sa'kin para kung sakaling magka-problema at hindi kita ma-contact ay may matatawagan ako?" he replied.
She exhaled in relief. Thanks God she did that. At ngayong nasabi nito ay saka pa niya naisip na pupuwede naman niyang i-search ang contact number ng Juno o ni Mara sa internet kung saan nakapaskil ang advertisement tungkol sa restobar. Siguro'y dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraan ay hindi na niya iyon naisip pa.
"Nagbakasakali akong baka subukan mo siyang kontakin dahil siya ang pinaka-malapit mong kaibigan. Pero noong magka-usap kami ay nagtanong siya tungkol sa nangyari sa'yo dahil nga ilang araw ka nang hindi pumapasok. Hindi ko sinabi sa kanya ang lahat pero pinaalam ko sa kanyang nasa panganib tayong dalawa at walang maaaring makaalam ng naging pag-uusap namin. At kung sakaling may malaman siya tungkol sa'yo ay agad ipagbigay alam sa'kin," paliwanag nito.
Pumikit siya ng mariin at nilagay ang ilang takas na buhok sa likuran ng kanyang tenga. "Ano ba talagang nangyayari kuya? Hindi pa ba ako puwedeng bumalik sa Batangas?"
"Huwag!" agap nito. "Lulu, hindi muna sa ngayon. Si Mara na ang nagsabi na may mga lalaking nagmamanman doon. Kahit sa restobar at sa school kung saan ka nagta-trabaho! Kaya nga hindi kami basta-basta makapagtawagan tungkol sa'yo dahil maging silang mga kaibigan mo ay binabantayan na rin ng mga tauhan ni Jolo! Baka makatunog silang may koneksiyon kaming dalawa!"
"Sino ba talaga ang mga lalaking iyan Kuya? Ano bang gusto nila? May nagawa ka bang kasalanan kaya nila tayo hinahanap at gustong patayin?" agad na sumipa ang matinding kaba sa kanyang dibdib nang dahil sa naisip. Sa oras na aminin nitong may nagawa itong malaking krimen, hindi niya na alam pa kung ano ang gagawin!
BINABASA MO ANG
What About Love (A SharCis Fanfiction)
FanfictionLuisa "Lulu" Agustin isn't that interested in falling in love. Siguro ay dahil nasanay siyang umiikot lang ang kanyang buhay sa pamilya at mga ambisyon. Kaya naman 'di gaya ng iba, hindi problema para sa kanya kung tumanda mang dalaga o 'di kaya'y m...