CHAPTER 1

1.1K 38 2
                                    

"Gagawan ko lagi ng paraan...gagawan ko lagi ng paraan..." pumikit siya at nimamnam ang panapos na tugtog ng kanyang kanta.

Narinig niya ang masigabong palakpakan at doon lamang siya nagmulat. Sinalubong ang kanyang paningin ng halos punong mga mesa sa restobar na iyon kung saan halos apat na taon na din siyang regular na kumakanta.

Ngumiti siya at tipid na tumango sa mga ito habang inaalis ang strap ng gitara sa kanyang katawan, "Thank you everyone. Enjoy the rest of the evening."

Tumayo siya at nang makababa'y agad na pinalitan ng host sa munting makeshift stage upang ipakilala ang susunod na magpe-perform pagkatapos ng kanyang set. Kahit na sa gilid pa dumaan ay hindi niya nagawang maka-iwas sa mga customers na nais makipag-usap.

"Ilang gabi na ako'ng pabalik-balik dito para lang mapanood ka, Lulu. Hindi ka lang maganda. Napakahusay mo pa'ng kumanta. Are you free tomorrow?" tanong ng isang lalaking naglakas-loob lumapit.

They weren't really just ordinary costumers, actually. Kung oo ay magiliw naman niyang pinakikitunguhan ang mga ito bilang pasasalamat na rin sa pagtangkilik sa restobar at panonood ng kanyang performance.

But some were her 'suitors'. Annoying suitors at that. Bagaman music teacher sa umaga, 'di hamak naman na mas makulit ang mga 'manliligaw' na ito kaysa sa mga batang tinuturuan niya.

"I'm sorry pero may gagawin ako bukas. Maybe, next time?" ngumiti siya kahit na kating-kati na siyang umalis sa harapan nito. Of course, she's lying. Ngunit alam niyang hindi siya nito tatantanan ngayong gabi kung hindi niya sasabihing maaari siya nitong imbitahan sa susunod.

"Okay, sure. Pupunta ulit ako dito. Sana pupuwede ka na no'n, Lulu."

Hindi pa man nagtatagal na makalagpas sa lalaki ay may mga lumapit muli. Nagyayang lumabas kung kailan siya free o 'di kaya'y nag-aabot ng regalo o love letter. Ang kaninang kamay na ang tanging hawak lamang ay gitara ay nadagdagan ng bouquet, tsokolate at katamtamang laking teddy bear.

She appreciates the gifts, really, but she'd appreciate it more if they won't be a burden to her. Dagdag dalahin pa kasi ito. Hindi naman niya kinahihiligan ang mga ganitong bagay. The chocolates and teddy bear would probably go to her students and the flowers to a nearby church, as usual. Ang sulat naman ay itatabi niya hanggang sa makakaligtaan na lamang niyang basahin.

Nang marating ang bar ay saka pa lamang niya nabitawan ang mga iyon sa ibabaw ng counter. Bumuntong-hininga siya bago tumungtong at naupo sa high stool. Pinasadahan niya ng daliri ang buhok na may katamtamang haba at brownish na kulay na bumagay sa kanyang maputing balat.

"Reuben, piñacolada. And my things please." Kausap niya sa baristang naging malapit niya na ring kaibigan sa Juno. Dito niya pinapatabi ang kanyang gamit tuwing kakanta at ito lang rin ang pinagkakatiwalaan niyang gumawa ng paborito niyang inumin.

"Punong-puno na naman ito'ng Juno ngayong gabi dahil sa mga manliligaw mo, Lulu," natatawa nitong sabi nang mapuna ang mga regalo sa counter. "Kaya hindi ka pinapakawalan ni boss, eh. Ikaw lang ang taga-puno ng costumer nitong restobar niya."

Inabot ni Reuben ang kanyang sling bag at lagayan ng gitara. Matapos mailagay ang gitara sa lagayan nito ay hinarap niya ang pagkalkal sa bag para sa kanyang cellphone, "Nako, Reuben, gawin mo na lang ang inumin ko." Naka-ngisi niyang sabi.

She's an Education major in MAPEH graduate. Pangarap kasi ng kanyang ina na sundin niya ang yapak nito at maging guro din balang-araw. Ngunit ang pagkakasakit nito ng cervical cancer noong nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo ang nagtulak sa kanyang sumali sa kung ano-ano'ng pa-contest at events upang kahit paano'y makatulong sa gastusin.

What About Love (A SharCis Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon