CHAPTER 22

1K 36 8
                                    

WARNING: R-18 (YOU'VE BEEN WARNED FROM THE VERY BEGINNING. READ AT YOUR OWN RISK.)

----------------------------------------------

Nilapag niya ang Tupperware na may lamang pagkain sa ibabaw ng mesa bago kumuha ng tubig at inisang-lagok iyon. Bumuntong-hininga siya at pumikit ng mariin ng ilang sandali para lamang kalmahin ang sarili.

Naiinis siya sa ideya ngunit alam din niyang walang saysay kung itatanggi niya pa. Yes, she's jealous to see Travis with another woman. Nagseselos siya kahit wala naman talaga siyang rason at karapatang maramdaman iyon.

Wala silang relasyon ni Travis. Not the flowers and heart kind of relationship.

They always kiss, yes. He fires up her desires she never thought she have before, yes. He boldly declared how badly he wants her, yes. But Travis never once talked about love. Kakaunti ang alam niya sa pakikipag-relasyon pero hindi naman siguro siya ganoon ka-estupida para isiping higit sa relasyong pisikal ang nais ni Travis sa kanya.

Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri bago magmulat. Nakita niya si Maxwell na nagmamasid sa kanya. Lumapit siya rito at hinaplos ang malambot at makapal nitong kulay gintong balahibo.

"Busy pa ang tatay mo. Gagabihin na naman siguro iyon ngayon," kausap niya rito na tila maiintindihan nito iyon.

Naalala niya ang perang dapat ay ipapadala sa kapatid. Nawala sa isip niya iyon kanina dahil sa mga bulaklak at note ni Travis na bumungad sa kanya. Kaya naman muli siyang nagtungo sa remittance center sa bayan. Pag-uwi muli sa bahay ay pinasya niyang ipasyal si Maxwell para lang malibang ang kanyang sarili.

"Magandang hapon, Lulu. Pumapasyal ka?" tanong ni Mang Peter, isa sa mga kaibigan ni Mang Gaspar na nakilala niya.

Kabababa lamang nito sa de motor na Bangka at galing sa pangingisda. Ang isa pang kasamahan nito ay binaba ang mga huli mula roon.

"Opo. Kasama ko si Maxwell," she smiled at the good fisherman. "Kumusta po ang huli?"

"Maayos naman. Ito, mag-uwi ka sa inyo at lutuan mo si Doktor ng masarap na sabaw."

Agad na nilahad sa harapan niya ang isang plastic na may dalawang naglalakihang huli. Magkakasunod ang kanyang iling. "Nako, huwag na po—"

"Sige na! Huwag ka nang mahiya at marami naman kaming huli ngayon," ipinilit ni Mang Peter ang plastic sa kanyang kamay kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang tanggapin iyon.

"M-Maraming salamat po," nahihiya niyang sinabi.

"Wala lang ang maliit na handog na 'yan sa lahat ng naitulong ni Doctor Agoncillo sa mga taga-isla. At sa'yo na rin na sumagip sa buhay ng anak ng kasamahan namin."

Ang sinabi ni Mang Peter ang pansamantalng pumawi sa bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. It felt nice to know that she'd done something good in her life. Simula kasi nang magsinungaling siya tungkol sa kondisyon mapagtakpan lamang ang problema nilang kapatid at makapag-tago, pakiramdam niya siya na ang pinaka-masamang tao.

Kulay kahel na ang langit nang maglakad sila ni Maxwell pabalik ng bahay. Hindi niya namalayan na napalayo ang paglalakad-lakad nila at ilan pang kakilala ang naka-kuwentuhan kaya natagalan.

Nilingon niyang muli ang hawak na isda. Hindi naman uuwi si Travis ngayon para mag-hapunan pero iluluto niya pa rin ang isa. Kasya naman na siguro iyon para sa kanila ni Maxwell.

Ngunit nang dumaan siya sa likod-bahay at makita ang lalaking nakahilig sa kitchen counter na may madilim na ekspresyon sa mukha, pumintig ng husto ang puso niya.

What About Love (A SharCis Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon