CHAPTER 17

617 30 6
                                    

Right. She just admitted to herself that she's in love with Travis. Now she just officially made her situation more complicated as if it's not complicated enough. Ngayon, ano'ng dapat niyang gawin sa nararamdamang ito? She'd never felt this kind of feeling before. Ano bang tamang gawin kapag nagmamahal ka ng isang tao?

Ipagtapat ito? No. Definitely not! She won't humiliate herself! Alam niyang hindi naman maibabalik ni Travis ang nararamdaman niya. And even without her real problem, hindi sila maaaring dalawa. She's way out of his league. Masyado ito'ng matayog upang abutin.

"Hello?" untag ni Mara sa kabilang linya. Saka niya naalalang hindi pa pala natatapos ang tawag nila. "Oo 'no? In love ka na?"

"Hindi!" mariin niyang sinabi.

Maybe this is not really love! Maybe this is just...attachment. Si Travis ang nagligtas sa kanya. Ito ang kauna-unahang taong nakilala niya sa islang ito. Tinutulungan siya nito't pinapatira sa bahay nito. Palagi niya ito'ng kasama at sanay na siya sa presensiya nito kaya panatag siya.

Siguro nagkakamali lang siya ng iniisip. Walang kahulugan ang mga nararamdaman niya para dito. Oras na matapos ang lahat at bumalik siya sa dati niyang buhay ay mabilis niya ring malilimutan ito.

Hindi man nakikita ay nai-imagine niya ang nakakalokong ngisi ni Mara. "Talaga ha?"

"Mara..."

"Fine, fine. 'Di wala! Sabi mo, eh," anitong binuntutan pa iyon ng halakhak. "Pero ipapaalala ko lang sa'yo, Lulu. You can enjoy your stay in that island and forget your problem for a while. Pero hindi ka habang-buhay diyan. Oras na matapos ang problema ninyong magkapatid, may buhay ka ritong dapat mong balikan. Babalik ka pa naman hindi ba?"

Hindi siya kaagad nakapagsalita. Kung noon ay agaran niya iyong masasagot, ngayon ay hindi niya alam kung bakit kinailangan niya pang mapaisip sandali. "Y-Yes..."

Pumasok siya kaagad ng bahay nang matapos ang tawag. Tahimik at maingat ang kilos niya nang bumalik sa pagkakahiga sa mattress na parang walang nangyari. Ilang minuto pagkaraan ay bumukas ang pintuan galing sa kuwarto ni Travis.

Her heart thumped like crazy when she heard his footsteps nearing to her direction! Nagising ba ito sa ingay niya habang nakikipag-usap kay Mara? Hindi siguro. Dahil kung oo ay sana kanina pa siya nito sinugod.

Halos mamatay na siya sa pagpipigil na huminga huwag lang nitong mahalata na gising na siya. She felt his presence beside her. Ang paghinga nito ay naririnig niya sa katahimikan ng paligid.

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa paghihintay ng gagawin ni Travis. Ngunit ang tanging naramdaman niya ay ang pag-ayos ng kumot sa kanyang katawan at mainit na palad na humahaplos sa kanyang buhok. Then soft, warm and familiar lips planted a kiss on her temple.

She knew she was doomed forever. Kung kanina'y nakikipagtalo pa siya sa isip ay sigurado na siya ngayon. She's indeed hopelessly in love with Travis.

Travis and Lulu immediately fell into a routine. Tuwing umaga, bago magtungo sa trabaho nito si Travis, ihahatid na muna siya nito sa carenderia nina Aling Carlota kasama ni Maxwell. Pagsapit naman ng hapon ay hindi ito nagmimintis ng pagsundo sa kanya pauwi ng bahay.

Their relationship really improved a lot. There's no more awkward silence between them. Sa bahay ay kinakausap siya nito tuwing magkakaroon ng pagkakataon at malaya na rin naman niyang nasasabi kay Travis ang kahit na ano. His temper never showed even if he looked so tired from work.

Hindi niya hinayaan ang bagong nadiskubre sa sarili na maapektuhan ang kung ano mang mayroon silang dalawa. She's happy and contented with the way Travis is treating her right now. Kahit pa dahil lang iyon sa responsibilidad o obligasyon. Ayaw niyang sirain pa ito't bigyan si Travis ng rason upang ilayo nitong muli ang loob sa kanya.

What About Love (A SharCis Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon