CHAPTER 21

704 31 8
                                    

For the next two days, Travis was almost always at the hospital. The only indication that he's been home is whenever she wakes up in his room the next morning kahit na ang pagkakatanda niya ay sa sala siya natulog noong gabi.

Ayaw lang naman niyang pangunahan ito at imbitahan ang sarili sa kuwarto nito kaya kahit dinadala siya ni Travis sa silid nito, sa sala pa rin siya natutulog tuwing gabi.

She really misses him so much even if the hospital is just a few minutes away from his home. Though she receives occasional texts and calls from Travis to check and know her whereabouts, hindi nagiging sapat iyon para pawiin ang matinding pangangailangan niya na makita at mahagkan ito.

But she cannot be selfish right now. Naiintindihan niya rin naman ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa mga balikat ni Travis bilang doktor. Hindi niya puwedeng igiit ang sariling pangangailangan dahil mas importante nga namang magamot nito ang mga may sakit.

Kaya naman sa mga araw na iyon ay inabala na lang niya ang sarili sa pagde-decorate ng bahay. Gusto niyang gawin nila iyon ni Travis ng magkasama pero sa ngayon ay maling mag-demand pa siya ng panahon at atensiyon mula rito.

Mas mabuti na rin iyon para may magawa siya. Umalis sina Aling Carlota kasama ang buong pamilya nito maliban kay Maris para bisitahin ang kamag-anak na nasa kabilang isla. Dahil doon ay sarado rin ang carenderia ng ilang araw.

"Maxwell akin na 'yang Christmas ball," nilahad niya ang kamay sa alagang aso ni Travis na kasalukuyang pinaglalaruan ang Christmas ball na dapat ay isasabit niya sa garland.

Napangisi siya nang masunuring itulak nito ang bola sa direksiyon niya na para bang naiintindihan talaga nito ang kanyang sinabi.

Ang katahimikan nang araw na iyon ay nabulabog ng malakas na ingay na nagmumula sa kanyang cellphone. Thinking it was Travis, she hurriedly picked it up. Nang makita ang pamilyar na numero ng kapatid sa screen ay 'di naman nabawasan ang kanyang saya. Ngunit gaya ng laging nararamdaman tuwing tumatawag ito, nahahalinhinan iyon ng takot.

Kinakabahan siya na baka may bitbit na naman ito'ng masamang balita. Knowing her brother, that's not impossible. Ngunit sana naman sa pagkakataong ito ay wala.

"Hello, Kuya CJ," aniya nang tanggapin na ang tawag nito.

"Lulu, kailangan ko ulit ng pera," pambungad nito sa kanya. "Wala na naman ako'ng trabaho ngayon."

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit naman, kuya?"

"Tsk...hindi ko talaga kaya ang ganitong klase ng trabaho, Lulu. Nakapag-tapos ako ng pag-aaral at nakapag-trabaho sa magandang kompanya noon. Hindi ko matanggap na nagbubuhat lang ako ng banyera ng malansang isda ngayon!"

Magsasalita pa lang siya upang sana'y pangaralan ito ngunit mabilis iyong sinundan ng kanyang kapatid. "At iyong tinitirhan ko ngayon? Mas masahol pa sa tirahan ng daga, Lulu! Ang baho at ang dumi ng paligid! Masyado pang masikip. Mas mabuti pa nga yatang tumira na lang ako sa kalsada!"

"Bakit hindi ka pa kasi pumunta na lang dito—"

"At ano, Lulu? Ganoon pa rin 'di ba? Magta-trabaho pa rin ako ng mabigat at kikita ng kakarampot. No, Lulu, I can't stand this anymore. Gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay," mariin nitong sinabi.

Pumikit siya ng mariin para mag-ipon ng pasensiya sa kapatid. "Paano mo gagawin iyon, kuya? Baka pagka-apak na pagka-apak mo pa lang sa Maynila pinatay ka na ng mga pinagkakautangan mo!"

She heard him grunt on the other line. Ilang sandali ito'ng tahimik lamang. Alam niya na kaagad na wala pa rin ito'ng naiisip na solusyon sa kanilang problema. Gustuhin man nitong balikan ang marangya nitong buhay sa Maynila, wala rin ito'ng magagawa kung hindi pagtiyagaan ang hirap na dinadanas ngayon hangga't hindi pa nalulutas ang pinaka-ugat ng problema.

What About Love (A SharCis Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon