CHAPTER 43

743 30 9
                                    

Pagkatapos mailibing ang kanyang kuya, madaling naubos ang mga tao hanggang sa tatlo na lamang sila nina Mara at Travis ang natira. Bahagya na siyang kumalma at nahinto na rin ang luhang matindi ang naging buhos kanina ngunit nararamdaman niya pa rin ang guwang sa dibdib.

"Ano'ng plano mo ngayon, Lulu? Sasama ka ba ulit sa doktor na iyan?" tanong ni Mara sa kanya, nag-aalala.

Sumulyap siya sa direksiyon ng sasakyan ni Travis kung saan ito naghihintay. Nagpaalam si Mara dito kanina upang magpahatid sa kanya patungo sa sariling kotse nito Tingin niya'y dahilan lamang iyon ng kaibigan para makapag-usap sila ng sarilinan.

Umiling siya. "I-I don't really feel like going yet."

"Sasamahan ka ba niya?"

Kilala niya na agad ang tinutukoy nito hindi man magbanggit ng pangalan. She shook her head again. "Matagal nang niliban ni Travis ang trabaho niya. Sa tingin ko kailangan niya nang balikan iyon sa lalong madaling panahon."

"Kung ganoon maiiwan kang mag-isa sa bahay mo? Sumama ka na lang sa'kin at doon tumira pansamantala."

"Nakakahiya naman—"

"Mas mapapanatag ako kung nakikita kita, Lulu. Isa pa, sa ganitong panahon, kailangan mo ng makakasama. Hindi makakabuti sa'yo ang pag-iisa," inabot ni Mara ang kanyang braso at marahang pinisil.

Mara is probably thinking about her PTSD. Sa pangyayaring ito, posible nga naman na ma-trigger muli iyon.

"Thank you, Mara. Pag-iisipan ko. Hindi na rin naman kasi ako pupuwedeng manatili sa bahay."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Suminghap siya, "Nabili na ni Travis iyon kaya ito na ang nagmamay-ari. Kailangan kong maghanap ng panibagong matitirhan dahil hindi naman sigurado ang relasyon naming dalawa."

"Oh, Lulu..." dinig niya ang awa sa tinig ni Mara. Ngumiti siya upang ipakita rito na hindi ito dapat maawa. Ngunit sa tingin niya hindi naman iyon epektibo dahil hindi nabura ang nababahalang ekspresyon nito. "Kakausapin ko si Sir Jun para pabalikin ka sa restobar kung kaya mo na. Magandang may pinaglilibangan ka."

Ipapaalala niya sanang si Travis pa rin ang nagmamay-ari ng restobar ngunit tinikom na lamang niya ang bibig. Mara is trying her best to help and lift her spirit up and she appreciates that. Sa ngayon, wala talaga siyang ibang planong gawin kung hindi ang manatili sa kuwarto at matulog ng mahimbing.

Nagpaalam silang muli sa isa't-isa. Saka lang naglakad patungo kay Travis nang mawala na ang sasakyan ni Mara sa kanyang paningin. Sinalubong siya ng mga bisig nito para sa isang mainit na yakap. Wala ito'ng sinasabi at wala rin siyang naging imik. Giniya na siya nito sa sasakyan at hanggang sa biyahe, kapwa sila binabalot ng katahimikan.

Dire-diretso siya sa silid pagkauwi. Hindi na kinausap pa ito para tanungin kung ano'ng magiging plano o kahit ang magpaalam man lang. She locked herself inside her room and lay down on her bed. Wala pang ilang minuto ay agad siyang nakatulog.

Nagising lamang siya sa hindi magandang pakiramdam sa sikmura. Pumikit siyang muli at sinubukang bumalik sa pagtulog ngunit hindi niya magawang ipagsawalang-bahala ang nararamdaman. Bumangon siya at patakbong lumabas ng silid patungo sa banyo nang humilab ang kanyang tiyan sa nagbabadyang pagsuka.

"Luisa, what's wrong?" ang baritonong tinig ni Travis na nakasunod sa likod.

Tinapat niya ang bibig sa toilet bowl at doon inilabas ang lahat ng laman ng sikmura. Hinawakan siya ni Travis sa bewang habang sinisinop ang kanyang buhok sa kamay nito. Masuyo ang ginagawa nitong paghaplos sa kanyang likod. Hindi niya ito mapagtuonan ng pansin dahil sa labis na pagsusuka at hilong nararamdaman.

What About Love (A SharCis Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon