CHAPTER 20

821 35 10
                                    

Is this just a beautiful dream? Hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig niya mula mismo sa bibig ni Travis. All this time she was so convinced that her presence in his life was very much unwanted, and now she'll hear these all from him?! This is just as good as a dream!

Huminto ang labi ni Travis sa paghalik ngunit hindi tuluyang inilayo ang mga iyon sa kanyang bibig. Her lips felt so heavy and sore because of his hungry kisses. Ngunit sa halip na magsawa na ay nakakadama pa siya ng pangungulila nang tumigil ito.

Nanatili ang mga braso niyang nakasabit sa leeg ni Travis habang pinapanatag muli ang paghinga. "Not here, though...not now," he whispered on top of her mouth, gently brushing his lips against her.

Nakaramdam siya ng panlulumo roon.

"I wish we're home," she said bluntly.

Gumala ang kanyang kamay patungo sa malambot nitong buhok. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman ngayong malaya niyang nagagawa ito nang hindi nagagalit si Travis sa kanya.

Travis smiled faintly before pressing his lips on her again. "I'm badly wishing for that too right now, baby," he crooned.

She sighed. Pero kailangan pa nilang maghintay hanggang bukas bago makauwi. Ito na yata ang pinaka-mahabang gabi para sa kanya.

Bahagyang inilayo ni Travis ang katawan nito sa kanya ngunit nananatiling hawak ang isa niyang kamay. A faint, playful smile was playing on his lips as he reached for the towel and oil lamp from the ground.

Inilubog nito ang mukha sa kanyang leeg pagkatapos at bahagya siyang napahagikgik nang makiliti sa mga mumunti nitong halik doon.

"Travis!" saway niya.

"Let's go back," bulong naman nito, bakas ang tawa sa tono.

Tumango siya at sumunod na rito nang mag-umpisa ito'ng maglakad.

Nanlumo na naman siya nang agad nilang marating ang kubong tinutuluyan niya. She wanted to spend more time with Travis gayong hindi siya sigurado kung ganito pa rin ito hanggang bukas.

What if he's just sleep walking right now? She felt so foolish! Sa sobrang paninibago niya kay Travis ay kung ano-ano nang naiisip niyang rason sa kinikilos nito!

Hinarap niya ito upang magpaalam na sana ngunit mabilis na hinapit ni Travis ng isang braso nito ang kanyang bewang patungo sa katawan nito. Even before she realized what's happening, his warm lips already covered hers. Hindi rin naman siya natagalan bago maka-recover at tugunan ito'ng muli ng buong puso.

She's breathless when he stopped. Sinandal ni Travis ang noo sa kanya habang masuyong pinagmamasdan siyang kinakapusan ng hininga dahil sa halik nito.

"Damn it, Lulu. Damn..." marahan nitong sabi.

She chuckled before brushing her index finger over his wet and red lips. "I think it's time to go to bed now, doctor. It's very late," she teased him. Kinulong niya sa dalawang palad ang guwapo nitong mukha bago kinintalan ng mababaw na halik sa mga labi. "Good night, Travis."

Kinagat nito ang labi bago nailing. Hindi man lang nabawasan ang intensidad ng emosyong namamalagi sa madilim nitong mga mata. "Good night, Lulu," tugon nito sa kabila ng nakikita niyang frustration sa ekspresyon.

She smiled before giving him one last kiss on the chin. Tinalikuran niya si Travis para pumasok na sa loob ngunit hindi mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi. Who would've thought that Travis has too much passion in him behind his cold and blank exterior?

Sa halip na antukin, lalo yatang nagising ang kanyang utak. She can't shut it off to sleep! It keeps on replaying everything that happened that night in her head! Para siyang baliw na nangingiting mag-isa. Hindi na nga niya maalala kung ano'ng oras siya dinatnan ng antok o kung nakatulog ba siya ng maayos.

What About Love (A SharCis Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon