May dala nang pagkain si Travis kanina kaya iyon na ang kinain niya para sa tanghalian at hindi na lumabas pa para bumili. Pagkatapos doon ay ginugol niya ang mga sumunod na oras para sa paglilinis ng bahay.
Sa totoo lang ay wala naman talagang kailangan pang linisin doon. Everything was dust-free and organized. Malinis at masinop si Travis sa mga gamit nito base sa kanyang obserbasyon. Ngunit kinakailangan niya ng mapagkaka-abalahan habang naghihintay ng tawag sa kanyang phone.
But the call or even text she's expecting didn't come. Nawalan na siya ng pagkakataong i-check muli ang Facebook nang huminto ang kotse ni Travis sa labas at bumusina.
Lumabas siya ng pintuan upang sana'y pagbuksan ito ng gate. Ngunit naunahan siya ni Travis doon. Hawak na nito ang kandado mula sa labas upang pagbuksan ang sarili.
"A-Ako na po, Doc," subok niyang alok.
"Ako na..." simple nitong tugon.
Tumahimik na lamang siya't piniling tulungan itong buksan ng malawak ang gate para makapasok ang sasakyan. Sumakay muli si Travis sa sasakyan nito at minaneho iyon papasok. Sinara niya ang gate at ibinalik ito sa pagkaka-padlock.
Nakarinig siya ng pagtahol mula sa likod. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang hawak na nito ang lash ng golden retriever nito. Nanatiling nakatayo si Travis sa tabi ng sasakyan nang naka-tingin sa kanya. Lumapit siya nang mapagtantong hinihintay siya nito.
"Nakapag-hapunan ka na ba? It's almost six."
"Iinitin ko pa lang sana ang pagkain, Doc," sagot niya.
Naging mas seryoso pa sa usual nitong anyo ang mga mata ni Travis. What? Kakasabi lang nito na wala pa namang alas-sais. Ibig sabihin may panahon pa siya para kumain at uminom ng gamot.
"May dala ako'ng pagkain. Tara na sa loob..." napansin niya ang paperbag na nasa kamay nito.
Sumunod siya rito papasok ng bahay. Huminto si Travis sa sala at ibinaba ang pagkain sa center table. Inalis nito ang laso sa leeg ni Maxwell na agad lumapit sa kanya. Yumukod siya at hinaplos ang malambot nitong balahibo. He's such a beautiful dog. Napangiti siya nang mas lalo nitong ilapit ang ulo upang haplusin niya.
"Ang cute-cute mo naman."
Tiningala niya si Travis na no'n lamang niya napansin na naroon pa rin pala. He's holding the paperbag that contains food in one hand while watching her. Napalundag at napakurap ito ng tila matauhan. Tumalikod ito at nagtungo diretso sa kusina.
Tumayo siya at bumuntot kay Travis doon. Si Maxwell ay nanatiling nakasunod sa kanya, "Ako na ang maghahanda niyang pagkain, Doc. Mukhang pagod ka na."
"I'm fine," he said in his usual expressionless tone.
Doc Robot ka talaga. Hindi na siya nagpumilit pa rito. She just continued petting Maxwell. Naka-upo na siya sa isa sa dalawang upuan sa mesa at ipinapatong nito ang ulo sa kandungan niya. Buti pa 'tong aso malambing, eh.
Nilingon niya ang ulam at nakitang puro gulay na naman ang putaheng iyon. Kahit iyong ulam kaninang tanghali ay gulay. Hindi pa naman siya gaanong mahilig sa gulay at nasanay na puro karne ang kinakain.
"Bakit hindi ka pa kumain?" untag ni Travis sa kanya. "Kumuha ka na nang makainom ka na ng gamot."
Dinampot niya ang bowl na naglalaman ng ulam at nagsandok sa kanyang plato. Sunod ay ang kanin naman. Inuna ni Travis na bigyan ng pagkain si Maxwell bago ito naupo sa katapat niyang silya at pinaghainan ang sarili ng pagkain.
"M-Maaga ka ngayon?" she asked even before she was able to stop herself.
She and her big mouth! Ano bang pakealam niya kung maaga ito?
BINABASA MO ANG
What About Love (A SharCis Fanfiction)
FanficLuisa "Lulu" Agustin isn't that interested in falling in love. Siguro ay dahil nasanay siyang umiikot lang ang kanyang buhay sa pamilya at mga ambisyon. Kaya naman 'di gaya ng iba, hindi problema para sa kanya kung tumanda mang dalaga o 'di kaya'y m...