The small room she was given looked more like a storage room than a bedroom. Sa loob ay nakatambak ang ilang kagamitang panlinis, patung-patong na mga kahon na napapangibabawan ng makapal na alikabok, lumang mga kasangkapan na natatabingan ng puting tela at kung ano-ano pa.
Napasinghap siya. Na agad niya ring pinagsisihan nang malanghap ang kulob at ‘di kaaya-ayang amoy ng silid. Ilang beses din siyang napabahing dahil sa alikabok na kasama sa hangin na nalalanghap niya.
Sinubukan niyang buksan ang ilaw. The lone light bulb at the center of the ceiling flickered a few times before it completely died down. Mukhang sira na iyon . Mukha ring matagal nang hindi nabibisita ang silid na ito upang linisan.
Sa huli’y pinatay na lamang niya ang switch bago nilapitan ang sulok ng silid kung saan ang nakatiklop na folding bed. Nakapatong doon ang isusuot na uniporme. Dahil walang closet sa loob ng kuwarto ay nilapag na lamang niya sa maalikabok na sahig ang dalang bag bago mabilis na nagbihis.
She still couldn’t believe the news about Tita Ceres’ passing until now. Habang inaaalala ang anyo ng naka-ngiting tiya ni Travis sa kanya, hindi niya mapigilan ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata at matinding lungkot na nagpapabigat sa dibdib.
Mahina na ito noon dahil sa mas lumulubhang sakit sa puso. Pero hindi maikakailang ang nangyari kay Travis dahil sa kanila ng kanyang Kuya CJ ang naging hudyat sa pagpanaw nito. She couldn’t describe the guilt she’s feeling right now. Alam niya ang lahat ng masasakit na karanasang pinagdaanan ni Travis sa buhay nito at ngayo’y siya pa ang naging dahilan upang madagdagan iyon.
Could she ever forgive herself for inflicting more pain on his already tattered heart?
Kaya nga wala na siyang pakealam kung ano mang naising gawin ni Travis sa kanya. Wala na siyang pakealam kung paano nito nais maghiganti sa lahat ng sakit na idinulot nilang magkapatid dito. She’ll let him hurt her, use her, in any way he wants to his heart’s content. Until he’s fully contented. Kulang pa nga ang lahat ng ito bilang kabayaran sa mga nagawa niyang kasalanan.
Nang matapos nang magbihis, lumabas na siya upang malaman ang mga gagawin gaya ng utos ni Mrs. Evangeline. Hindi niya alam kung nasaan na ngayon si Travis. Kasalukuyan pa rin ba nitong kinakausap si Ylona? Nawalan na siya ng pagkakataong alamin pa dahil agad na nagsimula ang mga gawain niya.
She was given more laborious tasks than the other helps in the mansion. Hindi siya nagreklamo at tahimik na lamang na ginawa ang mga inuutos kanya. All of them also treat her coldly and with hostility. Sinasadya na nga niyang hindi sumabay sa mga ito kapag oras ng pagkain at hindi na rin niya sinusubukan pang makihalubilo dahil alam niyang hindi siya gusto ng mga ito roon.
Most of the time and during her rare and very short breaks from her tasks, she’s with Maxwell. Tambayan nila ang malaking puno malapit sa bangin na may kalayuan naman sa mansiyon. She would bring her guitar to play or try to compose songs kung susuwertihing hindi siya makakaidlip. With the view of the crystal blue waters below, kontento at masaya na siya sa sandaling kapayapaang iyon.
Pinatay niya muna sandali ang vacuum para palisin ang pawis sa noo niya. Damang-dama niya sa bawat buto ng katawan ang matinding pagod. Kung noon din ay problema niya ang pagtulog, ngayon, kahit isang minutong pahinga lang siguro ay higit niya nang ipagpapasalamat.
Nagsisimula ang araw niya alas-singko pa lamang ng umaga. Nagwawalis siya ng mga tuyong dahon sa malawak na bakuran, maglilinis ng pool at maglilinis ng mga silid na naka-toka sa kanya. She could only sit down and eat her meal when Mrs. Evangeline’s already satisfied with her work. Kadalasan, wala sa tamang oras ang kain niya.
Hindi na niya naaabutan si Travis na umalis sa umaga. Wala ito at ang kapatid nitong si Elijah sa mansiyon buong araw dahil sa trabaho. When he’s at home, halos hindi rin naman siya nito kinakausap tuwing magkakasalubong sila. He wouldn’t even look at her direction.
BINABASA MO ANG
What About Love (A SharCis Fanfiction)
FanfictionLuisa "Lulu" Agustin isn't that interested in falling in love. Siguro ay dahil nasanay siyang umiikot lang ang kanyang buhay sa pamilya at mga ambisyon. Kaya naman 'di gaya ng iba, hindi problema para sa kanya kung tumanda mang dalaga o 'di kaya'y m...