WARNING: R-18
A/N: Habang sinusulat ko 'to napagtanto kong...gusto kong mag-lie low muna sa pagsusulat ng mature fanfic WAHAHAHAHAHAHA! charot! Itatakwil ako ng momshies XD Pero mas magiging intense pa 'to kaya kung tina-tiyaga niyo lang talaga at 'di niyo bet ganitong tema, wag niyo na lang basahin kasi mako-konsensiya ako WAHAHAHAHA
P.S. Pero may plano ako'ng mag-publish ng teenfic na SharCis fanfic talaga. Last ko na yata 'tong mature fanfic sa SharCis HAHAHAHAHA
--------------------------------------------------------------
"Lulu..." naririnig niya ang kaibigan sa kanyang likod kahit noong nakalabas na sila pareho sa opisina ni Sir Jun.
Napahinto siya nang makita si Travis na tuwid na nakatayo 'di kalayuan habang naka-krus ang mga braso. His cold and impersonal gaze almost made her whole body tremble in fear. Kung tignan siya nito'y parang hindi siya kilala. Na parang wala silang masaya at mainit na mga sandaling pinagsaluhang dalawa.
Ngunit mabilis niya ring sinaway ang sarili. Sa tingin niya ba, matapos ng lahat ng nangyari, aalalahanin pa ni Travis ang mga iyon? She could see unadulterated fury in his eyes. Tama si Mara sa sinabi nito kanina. Travis was here to get his revenge.
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan para kalmahin ang sarili. Slowly, she walked towards his direction. Tinantiya niya ang kanilang distansiya bago huminto at nagsalita.
"I-I j-just have to get my t-things." Tumikhim siya upang pawiin ang panginginig ng mga labi. His presence here tonight was very unexpected. Hanggang ngayon ay gulat pa rin siya sa lahat ng natuklasan.
"Make it fast, then. I don't want to wait any longer," he said. His tone was clipped and hostile. "Sa labas ako."
Tumango siya at nagmadali na gaya ng sinabi nito.
If he's cold the first time she saw him, he was even colder now. Tuwing kumukurap siya'y nakikita niya sa isip ang talim ng mga mata nito habang nililingon siya at ang umbok ng mga ugat sa matitikas na braso na para bang handa nang sumabog anomang oras.
No wonder Mara is so worried about her safety. Travis' aura screams of danger in bold capital letters. Kung siguro'y nasa tamang pag-iisip siya ay susundin niya ang kaibigan at lalayuan ito. But despite the fear, she's so happy to know that he's alive and well. Kahit paano'y naaalo siya ng kaalamang iyon. Mas mabuti nang maranasan ang bagsik nito basta alam niyang nasa maayos na lagay si Travis.
Iba na ang nagpe-perform sa stage. One of the waiters handed Lulu her guitar and other things. May ilang mga matang napapasulyap sa kanya habang bakas ang pagtataka ngunit tulad kanina'y wala sa mga ito ang pinansin niya.
Hinarangan siya ni Mara kaya napahinto siya bago pa man makalabas ng tuluyan sa restobar.
"Lulu, you don't have to come with him," Mara's tone was laced with worry. "Tutulungan kitang maghanap ng ibang trabaho. Masama lang talaga ang pakiramdam ko rito."
"Huwag ka nang mag-alala sa'kin," she smiled at her friend. Ngunit sa halip mapanatag ay nagulat siya nang mangilid ang luha sa mga mata ni Mara.
"Biktima ka lang din dito, Lulu! Tell him that you suffered too! Hindi ka pa nga gumagaling—"
"I need this, Mara. I need him..." dahil sa kabila ng takot at panganib na hatid ni Travis, kanina, nang makita niya ito, sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng gabing iyon ay nakaramdam siya ng kapayapaan ng puso at isip.
Nalaglag ang panga ni Mara sa sinabi niya. Kitang-kita niya ang awa na nakatatak sa mga mata nito habang tinatanaw siya. She looked away so she wouldn't see it. Alam naman niya noong umpisa pa lang na walang pag-asa ang nararamdaman niya para kay Travis. Mas naging sigurado siya noong malaman ang tungkol sa yumao nitong asawa na si Marian. At lalo na ngayon matapos niyang ilagay sa panganib ang buhay nito.
BINABASA MO ANG
What About Love (A SharCis Fanfiction)
FanfictionLuisa "Lulu" Agustin isn't that interested in falling in love. Siguro ay dahil nasanay siyang umiikot lang ang kanyang buhay sa pamilya at mga ambisyon. Kaya naman 'di gaya ng iba, hindi problema para sa kanya kung tumanda mang dalaga o 'di kaya'y m...