WARNING: R-18 (Probably the most R-18 of all the bed scenes i've written hahahaha! kaya wag niyo nang i-push basahin kung pandidirihan niyo lang XD)
--------------------------------------------
She should've guessed it earlier. Eli looks so much like Travis. His hair, his brows, his eyes. Ang tanging pagkakaiba lamang ng dalawa ay mukhang mas mabait at mas madaling pakisamahan si Eli. He doesn't have that intimidating and mysterious air around him like Travis.
Binitawan ni Travis ang kuwelyo ni Eli ngunit hindi agad nawala ang matalim na tingin dito. Lumambot lamang ang ekspresyon nito nang harapin na siya't agad nilapitan.
"What happened, Lulu? Why were you crying earlier?" malumanay na hinaplos ni Travis ang kanyang pisngi habang sinusuyod ang kanyang mukha ng tingin.
Nilingon niya si Eli at nahuli ang nahihiwagaan nitong tingin. Nang mapansin ang pagtingin niya ay tipid ito'ng ngumiti. Pinamulahan siya ng pisngi at bahagyang nilayo ang sarili kay Travis.
"M-May bisita ka Travis..." aniya rito kahit na alam na nito iyon.
"He can wait—"
"Mamaya na tayo mag-usap," pinal niyang sinabi rito.
Hindi niya rin naman masasabi iyon gayong alam niyang may bisita ito at mukhang may importante pang sadya. Ito ang kauna-unahang beses na dinalaw si Travis ng kapamilya nito kaya marahil ay mahalaga nga ang rason nito.
Nagtiim-bagang si Travis habang tinititigan siya. Marahil ay hinihintay pa ang pagbabago ng kanyang isip o tinatantiya kung papayag ito sa kanya. But she's really decided. They'll talk later after he's done dealing with his brother.
"You're not harmed?" anito pagkaraang matahimik.
Umiling siya at sinikap ngumiti. Kahit batid niyang hindi man lang naitago no'n ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.
Travis' jaw clenched again. Pumatong ang isa nitong palad sa kanyang bewang bago siya ginawaran ng marahang halik sa kanyang noo. Hinarap nito si Eli pagkatapos. He's still watching them with curious eyes.
"Sa loob na tayo mag-usap," pormal na sabi ni Travis dito.
Eli nodded. Giniya siya ni Travis papasok sa bahay. Sa likod ay alam niyang nakasunod si Eli sa kanila.
Nang marating na ang sala ay hinarap niya si Eli. Naabutan niya ito'ng sinusuyod ng tingin ang kapaligiran ng bahay. Mabuti na lang at nakapag-linis na siya bago pa man tumawag kanina ang kanyang kapatid.
"Gusto mo ba ng maiinom?" tanong niya rito.
"Water would be fine—"
"Ako nang bahala rito, Lulu," si Travis.
Ibinalik niya ang tingin dito. Hindi man nito sinabi ng tuwiran ay kinuha niyang cue iyon upang umalis. Kung ano man ang pag-uusapan ng dalawa, Travis don't want her to hear it.
Tumango siya at nagpaalam na sa mga ito. Dumiretso siya sa silid ni Travis para bigyan ng privacy ang mga ito.
Nakakapanibago para sa kanya ang lahat ng natuklasan niya tungkol kay Travis ngayong araw. Una, ay ang yaman nito. He came from an old rich family and has businesses of his own. Hindi na nakakapagtaka kung paano nito nabili at mas napaganda ang ospital sa islang ito.
Pangalawa ay ang pagdating ng kapatid nito. Sa halos dalawang buwan na kasama niya si Travis, ni minsan, ay wala ito'ng nabanggit tungkol sa mga kamag-anak. Hindi rin niya ito narinig na may kausap na kapamilya sa telepono. All this time she thought he doesn't have any family left.
BINABASA MO ANG
What About Love (A SharCis Fanfiction)
FanfictionLuisa "Lulu" Agustin isn't that interested in falling in love. Siguro ay dahil nasanay siyang umiikot lang ang kanyang buhay sa pamilya at mga ambisyon. Kaya naman 'di gaya ng iba, hindi problema para sa kanya kung tumanda mang dalaga o 'di kaya'y m...