Prologue

9 0 0
                                    

You just want attention. You don't want my heart
              *Attention*

Daan daang tao ang nakita ko pagkarating ko sa venue ng adition. Di ko inaasahan na madami palang kagaya ko ang inaasam na makuha sa audition na to. Minsan lang mangyari ang mga audition na kagaya nito eh. Minsan lang!

Pinalibot ko ang aking paningin sa mga pasilyong naroon. Malawak ang kwartong pinagganapan ng audition. No wonder sikat pala sila. Sikat na!

Madaming kinakabahan halata sa itsura ng mga taong kasama ko sa kwartong to. Pero ako wala akong maramdaman na kahit anong kaba. Walang wala. Natigil ako sa pagmamasid ng marinig kong tawagin ang pangalan ko.

"Ikaw ba si Achel Lee Lambert?" Tanong sa akin ng   producer na tila aligaga pa. Minuwestra nya ang pintuan na pinaggaganapan talaga ng audition. Pagkahawak ko pa lang sa pinto ay dun na sumibol ang kabang di ko naramdaman kanina.

Pagkabukas ko ng pinto ay napadako kaagad ang paningin ko sa tatlong tao na prenteng prenteng nakaupo sa silya.

They gestured me to go on. Napangiti ako ng mapait ng makita kung wala ang attention nila sa akin.  

Like I'm nothing. Inisstrum ko na lang ang gitara at inumpisahan ang kantang inaalay ko sa lalaking nasa gitna.

Hey girl you know you drive me crazy
One looks put the rhythm in my hand
Still I never understand why you hang around
I see what's going down.

Don ko palang nakuha ang atensyon nila. Nararamdaman ko ang titig nila pero ang titig ko, di ko inaalis sa lalaking may naglalarong ngiti na nakaupo sa gitna. Tsss!

Do you feel like a man? When you push her around
Do you feel better now she falls to the ground
Well I tell you my friend one day this world going to end
As your lies crumble down As a new life she has found.


Ilang strum pa sa gitara at tinapos ko na ang kanta. Natapos ko man ang kantang yun pero yung nararamdaman ko para sa lalaking yun  ay pasimula pa lang.

Naikuyom ko na lang ang palad ko sa sobrang inis pero kailangan kong manatiling nakangiti. Manatiling kalmado kahit kanting kanti na ako na manakit.

Isang palakpak ang nakaalis ng atensyon ko dun sa lalaking nakaupo sa gitna at napasulyap na lang ako sa kaliwa nya. Nandun ang lalaking tila natutuwa sa munting kantang inawit ko. Isang ngiti na lang ang ginawad ko at tumayo dun.

"So you are Ms. Achel Lee Lambert?" Tanong yun ng lalaking nasa kanan. Ngayon ko lang siya nakita. Naka all black outfit siya at litaw na litaw ang hikaw nyang itim na krus sa kaliwang tenga nya.

Ngumiti ako bago ko sinagot ang tanong nya.
"Yes"

Ilang minuto pa ang inilagi  ko dun ng mapagpasyahan kong umalis na. Pahakbang nako ng biglang magtanung ang lider nila. Ang lalaking nasa gitna. Gaya ng nasa kanan nya ay naka all black outfit din siya. Ang pagkakaiba lang nila. Siya lang ang may kulay ng buhok. Kulay pula tsss!

"You really auditioning here miss?" Tanong nya yun na tila di makapaniwala. Isang mapaglarong ngiti ang pinakawalan ko bago humarap sa kanya at sumagot.

"Yes, why are you questioning my audition? Its just that you assumed na ang kakantahin ko ay song piece nyo?"

Napatitig na lang siya sa akin ng di makapaniwala.

"You sing the song of our main rivalry. You think I would believe-"

Before he finish his sentence I interrupted him.

"I don't care if you believe me or not! Why? what wrong with my song piece? I sing that song because it reminds me of someone who just left me few years ago because of fame."

Napapitlag na lang siya at di nakapagsalita. He deserve my wrath but I can't speak no more.

"Now if you won't say a thing and just stay stupid standing there I'd rather go."

Paalis na ako ng bigla akong higitin ng lalaking tuwang tuwa sa kanta ko. I just look at him. And he stared back.

"Hey Ms. Lambert you auditioned here because you want to revenge?"

Napakunot na lang ang noo ko sa sinabi niya.

"Let go of my hand. Revenge? Nope. What for? Or should I say for whom?"

Habang sinasabi ko yun, nakatingin lang ako sa lalaking di pa rin bumabalik sa wisyo.

I stepped out from that place, the more I stay to that place, the more I bleed. Hinang hina akong naglakad na tila akala moy nakidigma ako.

Ni hindi ko nilingon ang mga taong sumasalubong sa akin. Sobrang lutang ako. I see him, anlaki ng pinagbago nya, but my feeling for him is still the same.

Mas nangingibabaw nga lang ang galit ko sa kanya. And I'll make sure that he should feel it too. Let's make it quits Travis! Let's make it.

Let's Make It QuitsWhere stories live. Discover now