The questions not when but why.. Can't I love you slow motion
*Slowmotion*
Achel POV
Being appreciated by the person you didn't expect to care is the best feeling that you would felt, but being catch when you fallen down is another story.
Maybe we met on different circumstances, we don't know what we hold on to. But Travis and I know that we are destined to each other. Its been month since that talk but i know its still early to fell ,but I know he will catch me no matter what.
Napatingin na lang sa akin si Travis ng bigla kung hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. Mas lalo kung siniksik ang ulo ko sa dibdib niya. It may sound selfish but I want him exclusively by my own.
"Ikaw Achel tsansing ka ah! Di pa nga tayo may nalalaman ka ng ganyan. Sagutin mo na kasi ako." Yan ang paulit ulit na reklamo niya tuwing magkasama kami. Na kesyo daw sagutin ko na daw siya para may gwapo daw akong boyfriend. Itsura nito. Di ko na lang siya sinasagot pag nagdedemand siya. Natatakot lang kasi ako.
I am afraid. Yes I am. What if I already say yes and then suddenly he change. I know it may sound stupid but Im so afraid. I don't know how to be taken cared of, until he came and made me realize that I'm easy to manage. I don't know how it felt to be loved, until he prove to me that love is magical. He gave me emotions that's felt so brand new to me. So can you blame me for not putting label on us.
Naramdaman ko na lang na hinahagod ni Travis ang buhok ko. Napapikit na lang ako sa ginawa niya.
It's twelve o'clock and I need your attention
It's like the alcohol making my head spin
Your scent is the rum
The room is the bottle
Making me hopeless till I wake tomorrow.Damang dama ko ang bawat lyrics na binibigkas ng labi niya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal dun. Na para bang hinihile niya ako.
Girl last night I forgot to mention
The way that I feel the way that I remember thisDi ko na napatapos ang kanyang kanta ng maramdaman ko ang bigat ng talukap ko. Pero bago pa ako makatulog naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. At ang mga salitang yun ang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"I love you Achel.. And no matter what you're always be my girl. Always."
Nagising na lang ako ng may marahang humahaplos sa pisnge ko. Tumigil na ang bus na sinasakyan namin. Napangiti na lang ako kay Travis ng mapansing nakatitig lang siya sa akin.
"Nandito na tayo mahal na prinsesa." At talagang nagbow pa siya na tila isa talaga akong prinsesa. Itchura nito. Nilahad ko na lang ang kamay ko sa kanya.
"San ba tayo pupunta? Ikaw Travis ah baka may pinaplano ka na naman. Sinasabi ko sayo di pa kita sasagutin."
"Babe naman eh. Wag mong sinisira ang ambiance ok. Kahit di pa tayo alam ko sa sarili ko at sa sarili mo na mahal mo ko."
"Anong pinagsasabi mo diyan, halika na nga. Itchura nito." Akbay akbay na lang ako ni Travis habang tinatahak namin ang bulubunduking lugar na sinasabi niya.
"Alam mo babe, papayat ka dito. Pero wag ka nang magpapayat ah. Your perfect from head to toe." Pagkatapos niyang sabihin yun ay naramdaman kung hinalikan niya ako sa noo. Isang ngiti ang naisukli ko sa ginawa niya.
Nakakatawang isipin na nagkaroon kaming dalawa ng instant road trip. At ang malala di namin alam kung anong kakahinatnan nito. Napatingin na lang ako sa mga punong nakabalibot sa daan na dinadaanan namin. At tama si Travis mukhang papayat nga ako. Malamig sa lugar na to dahil na rin siguro eh papalubog na ang araw at nasa mataas na lugar kami.
Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Travis ang kamay ko at pilit akong pinapalapit sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang bawat hininga niya. Tumutulo na rin ang pawis sa mukha niya dahil na rin siguro sa tagal na naming paglalakad.
Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa mukha ko. Pinupunasan ni Travis ang pawis ko. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya.
"Alam mo babe wag mo akong titigan ng ganyan. " Nginuutan ko ng noo ang sinabi niya.
"Bakit naman? Parang namang hahalikan kita" Napansin ko ang pag angat ng labi niya at ngumisi ito.
"Yun nga kasi yun babe. Di mo naman ako hahalikan eh. Kaya wag mo kong titigan. Di mo pa nga ako sinasagot pati pa naman kiss ipagdadamot mo sa akin? Makasalanan ka talagang babae."
May pagnguso nguso pa siyang nalalaman. Di niya kaya bagay, nagmumukha siyang bakla. Mahanginan sana siya ng forever na siyang ganyan."Malayo pa ba tayo Travis?" Napatingin ako sa kanya ng mapansin kung di siya umiimik.
Sinundan ko ang direksyon ng mata niya. At isang nature themed na bahay ang nakita ko.
Nauna akong naglakad papunta sa bahay. Napapalibutan ng baging ang kabuuan ng gate ng bahay. Pero mas naging agaw atraksyon ito dahil sa mga bulaklak na nakapalibot dito.
"Nagustuhan mo ba Achel?" Naramdaman ko ang presensya ni Travis sa likod ko. Bigla na lang niya akong niyakap mula sa likod at dinantay ang baba niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya.
Everything is so magical. We just standing there and enjoying the view. Nasa taas kami ng bundok at kitang kita namin ang paglubog ng araw. Niyakap ako ni Travis kaya hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin. Unti unti niyang pinupunan ang espasyo ng aking daliri hanggang sa maramdaman kung buo na ako. Isang halik sa gilid ng ulo ko ang nagpapukaw ng damdamin ko.
Kung dati natatakot akong masaktan, ngayon mas natatakot akong pakawalan pa ang taong nagbigay sa akin ng rason para maging masaya.
Kung dati wala akong pakialam sa mga nakapaligid sa akin, ngayon may isang taong sobrang importante sa akin na ayaw kung mawala.
Siguro nga gusto ko na si Travis. O baka mahal ko na siya. At alam ko kahit anong mangyari pareho parin kami ng nararamdaman.
Sana.........