So tell me what you want to hear... I gotta give all my secrets away.
*Secrets*Travis POV
Habang pinapaikot ang bote ay napapatingin na lang ako sa mga kasamahan ko na tila tuwang tuwa sa mga nangyayari.
Napatingin na lang ako sa bote ng huminto ito at tumutok sa akin. Sa kamalasmalasan nga naman ang babaeng pa to ang magtatanong sa akin.
"So you are?" Seryoso siya? Yun na ang tanong nya? Tumingin lang siya sa akin na tila hinihintay ang sagot ko.
"Im Travis Frias." Confident pa ako na sinabi yan, aba ang pangalang kagaya nyan ay pinagmamalaki. Gwapo kaya ang may ari nyan.
"Yabang" may sinabi siya pero di ko na narinig baka nagwapuhan sa akin. Dapat lang noh.
Pinaikot ko ang bote at sakto to kay manager. Saktong si Jerome ang magtatanong. Napangiti na lang ako, mukhang may aamin ah.
"Ah manager may tanong ako" kinakabahang saad ni Jerome na tila di makatingin sa mata ng manager namin.
"Wag mong sasabihing aamin ka na may gusto ka sa akin Jerome. Utang na loob mas matanda ako sayo at di ako pumapatol sa totoy. Joke lang!" Nakangiti si manager pero bakas kay jerome na nasaktan ito sa narinig nya. Magtatanong na sana si Jerome ng bigla na lang nagsalita yung babaeng epal. Tss! Kahit kailan.
"Tss! Rein magkaaminan nga, may pag asa ba sayo tong drummer mo? Halata naman kasi na may gusto sayo yung tao, tas ikaw naman paasa yung arte mo." Sinabi yan ng babaeng epal na to na ikinabigla naming lahat liban na lang kay manager na ngumiti ng pilit.
"Its too early to tell Achel. Ayokong bumalik sa akin yung mga salitang maaring kainin ko din sa huli." Habang sinasabi yan ni manager ay tinititigan nya kami na tila pinipilit nya kami na maniwala sa kanya.
Napako ang tingin ni manager kay Jerome at isang ngiti lang ang ibinigay ni manager kay Jerome, isang ngiti na nakapag pabuhay kay Jerome.
Akmang iiikot na ni manager ang bote ng bigla na lamang siyang hawakan nung babaeng epal. Napatingin na lang sa kanya si manager na tila nagtataka.
"Wag kang tokis Rein di pa nagtatanong si Jerome. Oh kung gusto mo ako na lang magtatanung." Dun lang namin narealize na di pa nga nagtatanong si Jerome pero ang ikinagulat ko ay ang tingin ni manager kay paepal na babae. Isang ngiti ito na tila nagpapahiwatig na napigtas na ang pasensya ni manager.
But instead of being scared, this paepal girl just grin. Weird.
"Di na ko natutuwa sayo Achel. Manahimik ka na!" akmang tatayo na sana si manager ng hawakan ni Jerome ang kamay ni to at inalalayan niya itong maupo.
"I didnt know that, that totoy you said a while ago can tame you. Thats a big news. What do you think if I share the news to tito. I think he would be glad because your not a lesbian no more right?"
Napatingin na lang kami kay paepal na babae ng sinabi niya ang katagang yun. Akmang susugudin na siya ni manager ng bigla na lang siyang pigilan ni Jerome.
Tumayo na rin si paepal na babae at kaming mga nakaupo ay tumayo na rin para mang awat kung may gulo mang magaganap. Nagulat na lang kami ng nagsalita si manager at kitang kita na malapit ng tumulo ang mga luha nito.
" I told you before Achel stop messing with me pero anong ginagawa mo your just pushing me through my limits."Hirap na hirap man si Jerome para mapigilan si manager ay di pa rin siya nagtagumpay. Nagulat na lang kami ng bigla naming makita si manager na sinampal si paepal na babae.
Akala ko gaganti si paepal na babae pero tumingin lang ito kay manager.
"You don't know what your into Rein. Stop being fake! Ikaw ang nagsasabing we should fucking know each other pero ikaw tong tokis! Tangina nag gagaguhan na ata tayo dito." Isang malakas na pagbagsak ng pintuan ang narinig namin pagkaalis ni paepal na babae.
Lahat kami na natira sa kwartong yun ay tahimik at di alam ang sasabihin. Nabasag lang ang katahimikan na yun ng magsalita si Mikee.
"Guys alis muna ako hahanapin ko lang si Achel. Sama kayo Travis at Matthew?" Ayaw ko mang hanapin yung babaeng yun dahil wala naman akong pakialam sa kanya, eh pumayag na lang ako.
Sa tingin ko kailangan nila manager at Jerome ng oras para makapag usap.
Nasa labas na kami ng classroom ng sabihing maghiwa hiwalay na lang daw kami nila Mikee para mas mabilis daw mahanap si Achel. Ang babaeng yun di naman maganda nagpapachicks pa.
Sa canteen ako nakatuka kaya yun ang pinuntahan ko. Pero pagdating ko dun ay wala dun ang hinahanap ko.
Pabalik na ko sa classroom ng bigla akong mapatingin sa court at nandun ang paepal na hinahanap ko. Naglalaro ng basketball.
Hindi ko siya tinawag kaagad, pinanuod ko muna siya. Kung paano siya mag dribble, mag lay up, mag 3 points at ang malala ay ang mag dunk. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nagbabasketball ng ganung kagaling.
Napatigil ako sa panunuod sa kanya ng bigla nyang ipasa ang bola sa akin. Takang taka akong napatingin sa kanya na kinanuutan nya naman.
Ipapasa ko sana sa kanya ang bola pabalik ng bigla nya akong tinalikuran at tinanggal ang blouse nya. Ngayon ko lang napansin na nakauniform pala siya. Tanging sandong itim na lang ang suot nya.
"Ano bang tinutunganga mo dian at kanina ka pang nagmumukhang tanga ha!
"Magblouse ka nga. Naaalibadbaran ako sa katabaan mo." Wala akong pakialam kung masaktan siya sa sinabi ko. Ayoko lang talagang makita ang bilbil niya.
Pero si epal di ako pinansin at nagpatuloy sa pagbabasketbol.
Iiwan ko na sana siya ng makita kung nagdudugo na ang kamay nya na pinagdridribble.
Inagaw ko sa kanya ang bola na alam kung ikakagalit niya. Pero sabi ko nga wala akong pakialam.
"Anu bang problema mo ha Frias, akin na yang bola at maglalaro pa ako."
"Dumudugo na yang kamay mo kaya pwede tumigil ka na. Maawa ka naman sa janitor na maglilinis dito.
Tinalikuran nya na lang ako kaya bigla ko siyang hinigit na kinabigla nya. Babawiin nya sana ang braso nya pero mas malakas ako sa kanya.
"Tangina Frias bibitawan mo ko o papatayin kita ngayon." Pilit nyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Pero di siya nagtagumpay.
Natigil na lang siya sa pag aalburuto ng marating namin ang clinic. Tinignan nya lang ako ng masama pagkabitaw ko sa mga kamay niya.
"Pumasok ka na sa loob at ipagamot mo yang sugat mo" pero itong si epal na babae tila walang narinig at nilampasan na lang ako.
Akmang pipigilan ko siya ng bigla siyang humarap at ang galit na galit na ekspresyon ng mukha nya ang sumalubong sa akin. Magsasalita sana ako pero mas nagulat ako sa mga sinabi nya.
"Leave me alone Frias, or I'll bury you six feet under the ground!"