You've got that smile.. That only heaven can make
*Next to you*Achel POV
"Stupida!!"
"Your a disgrace to this family"
"Kung alam lang namin na isa kang patapon di ka na lang sana namin inampon"
"Wala kang kwenta, simple na nga lang nung pinapagawa ko di mo pa maintindihan."
"Buti na lang at di talaga kita anak"
Isang mahabang buntong hininga ang napakawalan ko pagkagising ko sa bangungot na yun. Iwinaksi ko na lang ang mga isiping yun at lumabas sa kwarto.
Habang papunta ako sa sala ay may nakita akong T-shirt na nakasampay sa sofa, sa pagkakaalam ko wala akong T-shirt na ganito. Inamoy ko ito pero dahil siguro sinisipon ako ay di ko din napagtagumpayan na malaman kung kanino ito.
Napunta na lang ako sa kusina ng may marinig akong sigaw. Kinuha ko na lang ang walis tambo sa gilid bilang self defense.
Dahan dahan akong pumunta sa kusina ng marinig ko ang pagbugso ng tubig na galing sa gripo. Isang topless at nakatalikod na lalaki ang sumalubong sa akin. Tila aligaga siya sa paghuhugas ng isang bagay, na tila ikakamatay niya pag di niya to nahugasan. Tumingin na lang ako sa palibot ng kusina ko. Mukhang pinakialaman ng kumag na to ang bahay ko.
Napasigaw ulit siya ng makita ako. Binato ko na lang sa kanya ang walis tambo na dala dala ko. Kalalaking tao kung makasigaw daig pa ang babaeng kinurot sa singit.
Nilampasan ko na lang siya at dumiretsyo sa ref para kumuha ng tubig. Nang akmang iinumin ko na ang sinalin kung tubig bigla akong nasamid ng biglang kunin ng tukmol na to ang basong pinag iinuman ko.
"Anubayan babe, kakagaling mo lang sa sakit tas iinum ka ng malamig. Panu ka gagaling niyan? Pasaway na babae." Bigla niyang dinampi ang kamay niya sa leeg ko para ikumpirma kung may lagnat pa ako. Tinampal ko na lang ang kamay niya at kinuha sa kanya ang baso at inubos ko ang laman nito.
Napatunganga na lang siya ng makita niyang naubos ko ang tubig sa isang inuman lang. Tangna nakakabwisit pagmumukha niya.
"Babe naman eh! Sabing bawal kang uminom ng malamig na tubig eh. Di ka na naman nakikinig." Tinalikuran ko na lang siya at pumunta na lang ako sa sala para manuod ng tv.
Id rather wasting my time watching than arguing with that jerk. Pero wala pa atang isang minuto eh may narinig na akong yabag at umupo sa tabi ko.
Pagkatingin ko sa kanya eh may dala dala na siyang bowl, base sa itsura nito bagong luto pa lang ito patunay ang mga usok na lumalabas dito.
"Babe kailangan mong kumain para makainom ka na ng gamot." Pilit niya akong sinusubuan pero di ko siya pinansin.
Napatingin na lang ako sa braso niya ng mapansing pumupula ito. Bigla ko siyang tinignan pero isang ngiti lang ang sinukli niya sa akin.
"Anong nangyari diyan sa braso mo?" Pilit niyang tinatago yun sa akin pero halata naman.
"Wala yan babe kumain ka na. Tikman mo tong niluto ko." Iniwan ko na lang siya dun at bumalik sa kwarto ko. Nang mahanap ko na ang kailangan ko ay binalikan ko siya sala. Nakatungo siya na parang ang laki laki ng problema niya.
"Wui ayos ka lang? Magdamit ka nga! Hindi ka ba nahihiyang ibalandra sa akin yang katawan mong buto buto?"
Bigla na lang siyang tumayo pero pinigilan ko na siya. Magyayabang lang to eh.
"Akin na yang braso mo at lalagyan ko ng gamot. May paluto luto ka pang nalalaman eh senyorito ka ata sa bahay niyo. Anong sasabihin ng mommy mo pag nakita niya ngayon to ha! Ako na naman mapapagalitan! Ako na naman ang masama!"
"Aray naman babe!" Di ko namalayang napadiin na pala ang hawak ko sa braso niya.
"Sorry." Babalik na sana ako sa kwarto ko ng bigla niyan akong higitin at pinaharap sa kanya. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Itsura nito.
"San ka na naman pupunta babe. Pwede bang kumain ka muna."
"Punyeta Frias wag na wag mo kong mababe babe. Mabibigwasan na talaga kita." Pero si mokong ngumiti lang at minwestra ang mesa para daw kumain kami.
At dahil pagkain na yun syempre sunggab ako. Napangiti na lang na sumunod sa akin si Travis at talagang todo asikaso pa sa akin.
"Hindi ako lumpo Frias kaya umupo ka na at gutom na ako." Napa pout na lang siya ng suwayin ko siya sa paglalagay ng kanin sa pinggan ko. Bading!
Kukuha na sana ako ng ulam ng mapansin kong nakatitig lang sa akin si Travis.
"Hoy tangna Frias kumain ka na nga!" Bigla niyang tinampal ang bunganga ko na kinagulat ko. Di man siya masakit pero nabigla ako sa inasal niya. Tinignan ko na lang siya ng masama.
"Ikaw talagang babae ka, nasa harap tayo ng hapagkainan kaya wag kang magmura. Makasalanang babae." Gustong gusto ko na siyang tusukin ng tinidor. Grabe!
"Makasalan agad ha! Judgemental. Kung ako makasalan ikaw buraot!"
"Bawiin mo yang sinabi mo! Makasalanan ka naman talaga eh! Una niluluko mo ko harap harapan. Nagpapapasok ka ng lalaki dito. Utang na loob babe wag mo naman akong lukuhin. Ikaw lang mahal ko tapos malalaman kung may pinapapasok ka dito. Very wrong babe. Very wrong!"
"Tang-" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya. Pero siya tuwang tuwa pa sa ginawa niya sa akin.
"Sabi ko sayo wag kang magmumura diba? Kung ayaw mong mahalikan you better shout your mouth. Pero para sa akin magmura ka na lang. Pabor sa akin eh. Sarap!"
Tangina mo Travis! Tangina mo Travis! Yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko habang kumakain ako. Kulang na lang matadtad ang itlog na niluto niya dahil sa sobrang diin ko sa tinidor ko.
Iniisip ko na lang na siya ang itlog na kinakain ko at pilit ko siyang dinudurog durog. Napatigil ako ng biglang may humawak sa kamay ko at isang ngiti ang sumalubong sa akin.
"Nabitin ka ba sa kissing session natin babe?" Tangna sarap niya talagang patayin. Tinapos ko na lang ang pagkain ko at bumalik sa sala para manuod. Habang nandito pa tong lalaking to, iniiwasan kong manatili kami sa isang lugar. Aba mahirap na at mamanyak ako.
"Babe bat mo ko iniwan!"
"Tangina Frias pwede na siguro akong magmura ngayon diba? Lumayas ka na! Sino bang nagpapasok sayo ha. Bukas ang pin-"Di pa ako tapos sa pagsasalita ng biglang sinakop ng labi niya ang labi ko.
Pilit akong umiiwas ng maramdaman kung mas diniin niya ang sarili niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero pinayagan kung halikan niya ako.
Kusa kung ikinawit ang mga kamay ko sa leeg niya at mas diniinan pa ang halik na pinagsasaluhan namin.
Isang sinserong ngiti ang nakapaskil sa labi niya pagkatapos niya akong halikan. Napangiti na lang din ako dahil dun.
Nakadantay pa rin ang noo niya sa noo ko ng magsalita siya bigla.
"Ako lang dapat hahalik sayo ng ganun babe ah. Isa pa nga babe! Sarap eh!" Isang pilyong ngiti ang naglalaro sa labi niya pero ang mga mata niya ay nakatitig pa rin sa labi ko.
Napangiti na lang ako ng bigla siyang ngumuso. Isip bata parin. Ako na ang humiwalay sa posisyon namin. Pero di pa rin ako nakakalayo ay bigla niya akong hinalikan. Isang mabilis na halik lang yun.
Kinakausap niya ako ng bigla ko siyang tinalikuran. Di na normal ang tibok ng puso ko. Oo tama Achel di normal dahil may sakit ka. Tama tama!
Pero paglingon ko kay Travis ang di normal na pagtibok ng puso ko ay mas domuble pa! Tangnang Travis to!aatakihan pa ata ako sa puso.