Wake you up at the middle of the night to say... " I will never walk away again"
*Never Gonna Leave This Bed*
Travis POV
Isa sa pinakamasayang pangyayari na maaring mangyari sa buhay mo ay yung malaman mong mahal ka din ng taong mahal mo. Sa kaso namin ni Achel wala pa kami sa stage na yun pero alam ko dun kami papunta.
Pagkatapos ng paguusap na naganap kanina, pinangako ko sa kanya na iintindihin ko siya lagi. Napapatingin na lang ako sa kanya twing nagsstrum siya ng gitara ng bigla na lang pumasok ang mga kabanda naming umalis kanina.
Sinalubong ko ng masamang tingin si Matthew habang pasipol sipol siyang titingin sa direksyon ni Achel at saka titingin sa akin.
"Guys naamoy niyo ba ang naamoy ko?" Napahuh na lang ang mga kabanda ko, pero ako sa isip ko pinapatay ko na siya ng paulit ulit.
"I smell something eh, diba Travis?" Pinaikutan niya ako at inamoy amoy. Kita mo tong lalaking to. Bibigwasan ko na sana si Matthew ng bigla na lang nagsalita si Achel na kinatawa namin lahat maliban kay Matthew.
"Baka bunganga mo lang naamoy mo Matthew. Always remember. Katabi lang ng ilong ang bunganga. Wag kang salita ng salita para wala kang maamoy. Joke lang hihi."
"Tangna Matthew kaya siguro ayaw kang kausapin ni Maureen dahil bad breath ka haha" Tawa na kami ng tawa pero si Matthew hayun nakangisi lang. Sanay na yang maapi, di na yun bago.
Natigil na lang kami sa pagtawa ng biglang pumasok si manager. Nilibot niya ang paningin niya na tila may hinahanap. Nang makita niya si Achel ay bigla na lang siyang napangiti. Napatingin na lang ako kay Jerome na dali daling pumunta sa mini stage at di pinansin si manager. Dati rati siya pa nga ang unang babati kay manager pero ngayon ni isang bati wala kaming narinig sa kanya.
"Im glad that were complete now, di naman siguro lingid sa kaalaman nyo na next week na ang battle of the bands. Kaya sana yung mga issues na nangyari last week ay isawalang bahala na lang natin. Lets be professionals guys. Lets forget everything ok."
Natigil sa pagsasalita si manager ng biglang magstrum ng gitara si Achel sa di kaaya ayang tuno. Lahat kami na naroon ay nakuha ang atensyon niya. Isang malamig na tingin ang binigay niya kay manager bago siya tumigil sa pag gigitara at saka nagsasalita.
"Its easy to forget Rein, but its hard to forgive. Sino ka para sabihing kalimutan ang lahat ha! or should I say are you really concern about our feelings here ha! Eh sa pinapakita mo kasi ngayon parang ang gusto mo lang ay manalo diyan sa lintik na contest na yan eh. Ni minsan ba tinanong mo sila, kami kung gusto pa naming ituloy tong pagbabanda ha!" No one dared to speak, pero ang katahimikang yun ay nabasag ng magsalita si Jerome.
"Achel was right, tinataken for granted mo kami dito. Lahat kami dito. Im sorry manager pero kung dati gusto kong magbanda dahil sayo, dahil you gave us positive outcomes ngayon ayoko na. Sorry pero I quit. Maghanap na kayo ng bago niyong drummer."
Pagkasabi niya yun ay bigla na lang niyang pinutol ang drummer stick at dali daling lumabas ng practice room. Susundan sana siya ni Alisa na kakabalik lang sa praktis dahil nagkasakit ito, ng bigla na lang siyang pigilan ni Manager.
"Stop chasing him. He should learn his lesson, kung ayaw niya na sa pagbabanda, pinapakita nya lang na isa siyang duwag."
"I wont stop chasing him manager. Even I need to stoop so low I don't care. If Jerome already quit. Then why do I need to stay here. Sorry manager pero I quit too."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay dali dali siyang lumabas ng pintuan. Lahat kami ay napatingin na lang kay manager. Pero ang sunod niyang ginawa ay di namin inasahan. Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa kwartong yun at ganun na lang ang gulat ko ng makita kong nakangisi lang si Achel pagkatapos ng malakas na sampal na yun. Kitang kita namin ang pagpula ng kanyang pisnge at halata ang bakat ng kamay ni manager dito.
"Tss yun lang ba ang kaya mo Rein ha! Tangna sampal na ba yun sayo ha!" Susugudin na sana siya ni Manager ng bigla itong inawat ni Mikee. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para pumunta sa pwesto ni Achel. Hinawakan ko ang kamay niya para higitin sana siya na umalis na sa kwartong yun. Pero isang iling lang ang sinagot niya sa akin.
"Bitawan mo ko Mikee. Sinasabi ko sayo masasapak kita." Pero di siya pinakinggan ni Mikee. Kitang kita sa mata ni manager ang labis na galit. Na parang makakapatay ito, hindi ito ang manager na kilala namin.
"Bitawan mo siya Mikee." Napatingin na lang ako kay Achel ng sabihin niya yun. Nag aalinlangan man ay binitawan nga ni Mikee si manager. Kinuha ni manager ang pagkakataon na yun para masampal ulit si Achel, pero sa pagkakataong yun nakaiwas si Achel.
"Ano masaya ka na huh! Sinira mo yung bandang pinaghirapan kung buuin." Kitang kita kay manager ang labis na panginginig, dahil siguro sa galit at pagpipigil na umiyak.
"Pucha ka Rein! kailan ba ako naging masaya? kailan mo ba ako nakitang masaya ha! Magmula ng makita kita na hawak hawak ang kamay ng babaeng yun, tinanggalan mo na ako ng karapatan na maging masaya. Pucha akala ko babalikan pa ako nung babaeng yun, yun pala unti unti mo na siyang kinukuha sa akin. Itong bandang to? nagagalit ka na kasi pinaghirapan mo to na buuin ng ilang taon. Eh pano yung paghihirap ko na tiniis ko ng ilang taon dahil sa kagagawan mo at ng ama mo huh!"Napatingin lang si manager kay Achel. Walang ekspresyon na makikita sa mukha ng dalawang naguusap.
"Tss you deserve that! Ikaw kasi yung taong iniiwan dahil pabigat ka lang. You should be thankful to me kasi kung hindi ko kinuha si mommy sayo wala ka ngayon sa harapan ko. Look at yourself hindi ka na mukhang gusgusing bata na walang kwenta. Naawa nga ako sayo twing dinadala ka ni mommy sa bahay eh, mukha ka kasing bangkay. Pero tignan mo nga nasobrahan ata yung katawan mo, bakit masarap ba ang pinapakain sayo ng mga nang ampon sayo?"
"I won't waste my time talking with bitch like you. Pasabi dun sa babaeng yun, tigilan niya na ang pagpunta sa apartment ko. Di na ko natutuwa sa ginagawa niya "
"Tama lang talaga ang desisyon ni mommy na iwan ka, ganyan ba ang tinuro sayo ng mga umampon sayo huh. Bastos ka na nga pinalaki ka pang walang modo."
"Siguro ngayon lang ako magpapasalamat na kinuha mo sa akin ang babaeng yun, buti na lang talaga at di siya ang nagpalaki sa akin. Nakikita pa lang kasi kita nakikita ko na ang sarili ko sa impyerno."
Pagkasabi ni Achel yun, ay bigla na lang siyang humakbang para umalis, pero di pa siya nakakasampung hakbang ay bigla na lang nagsalita si manager.
"Kung sa tingin mo mapapalampas ko to, nagkakamali ka. Isusumbong kita kay Daddy." Pero si Achel tuloy tuloy lang sa paglalakad. Nang nasa pinto na siya ay nagsalita si Achel at saka umalis.
"Kung gusto mo samahan pa kita eh!"
Isang nakakabinging katahimikan ang namuo sa kwartong yun. Nabasag na lang yun ng marinig namin ang hikbi ni manager. Napatingin na lang ako kay Matthew at umalis dun para sundan si Achel. Pero di pa ako nakakalabas eh bigla na lang nagsalita si manager.
"Once na lumabas ka sa kwartong to wala ka ng babalikan pang banda Travis, wala na!" Humakbang na lang ako palabas at tumungin kay manager at nagsalita.
"Id rather lose my chance being with your band than lose my chance losing the girl I love." Pagkatapos kung sabihin yun ay dali dali akong umalis dun at hinanap ang babaeng mahal ko.