I don't know who you are, but Im with you.
*Im with you*Travis POV
Strum dito , strum doon, paulit ulit kong ginagawa yun. Kanina ko pa hinihintay na pumunta si Achel sa practice room pero ni anino niya wala akong makita.
Yung babaeng yun pagkatapos akong talikuran, di na ko binalikan. Di pwede sa kin yun, sa kagwapo kung to.
Napatingin na lang ako sa pinto ng may pumasok run, akala ko si Achel na pero nagkamali ako. Si Matthew lang pala.
"Oh anong mukha yan Travis at mukhang disappointed ka?" Tinignan ko na lang siya ng masama. Babalik na lang sana ako sa pag gigitara ng bigla magsalita si Matthew.
"Hinihintay mo si Achel noh? Ikaw Travis sinasabi ko sayo wala kang mapapala diyan sa pag lalandi mo. Bat di mo ko gayahi-" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Ni pagmamahal mo nga kay Maureen di mo masabi sabi sa kanya bat kita gagayahin?" Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Tong lalaking to.
"Tangna Travis manahimik ka nga. Syempre naghihintay lang ako ng perfect timing para magconfess sa kanya."
"Ang sabihin mo torpe ka lang."
"Hoy Travis! Wala sa angkan natin ang pagiging torpe ah." Pinipigilan ko na lang ang tawa ko sa mga reaksyon niya.
"Tangna sinilang ka na eh, di malamang nabahiran na. Geh alis na muna ako hahanapin ko si Achel."
Pahakbang na ako ng nagsalita si Matthew.
"Tae ka pre! Seryoso ka talaga kay Achel?"
"Im more than serious!"
"Pucha nakakasuka ka na ah!" Tinignan ko na lang siya ng masama.
"Hoy Travis kahit anong paghahanap mo sa kanya dito sa school di mo siya mahahanap. Nasa boarding house niya ata. Di mo narecieve text niya? May sakit ata siya eh."
"At bakit ikaw lang may text ha." Tong babaeng to di ako tinxt alam nya namang ako lang ang concern sa kanya dito tas babaliwalaen nya lang ako. Tss
"May txt din yung iba nating kamyembro ah. Dont tell me di ka tinext ni Achel. I know it ayaw nya talaga sayo." Babatukan ko na sana siya ng bigla niyang nailagan ang hampas ng kamay ko. Kailan kaya magiging supportive sa akin tong lalaking to.
"Wag na wag mo akong sasaktin Travis, sinasabi ko sayo! Pag tong gwapo kung mukha nagalusan di kita tutulungan kay Achel." At ako pa talaga ang binantaan ng lalaking to.
"Di ko kailangan ng tulong mo. I can tame her without your help."
"Oh? Ang tanong ba diyan may number ka ba niya? Alam mo ba kung san siya nakatira? Kasi kung hindi willing naman akong ibigay lahat ng detalye. Eh yun nga lang di mo kailangan ng tulong ko diba? Geh alis na ako."
Bago pa siya makaalis ay hinigit ko na siya bigla at isang nakakalukong ngiti ang sinalubong niya sa akin.
"Sabi na nga ba eh, mahal mo ko noh? At dahil mahal din kita ito yung address niya. Yan lang ang kaya kung ibigay. Yung number niya aba ikaw na bahalang kumuha noh." Kinuha ko sa kanya ang papel at patakbong lumabas ng pintuan. Narinig ko pa ang sinabi ni Matthew bago ako makalabas sa practice room.
"Tangna Travis di libre yang tulong ko Hoy!
"Tangna Travis kanina ka pa sa harap ng apartment. Kumatok ka na kasi. Pero panu pag di niya ako pagbuksan? Eh di napahiya ako? Pero may sakit siya diba? Ano bang importante ang mapagaling siya diba? Tangna kailan pa ako nagkaroon ng hiya hayss."
Kanina pa ako sa harap ng apartment ni Achel, di ko alam kung paano siya kakausapin, taena dapat sinama ko na lang si Matthew, makapal pa naman mukha nito. Bahala na nga. Para sa taong mahal mo Travis! Kakatok ka.
Kakatok na sana ako ng bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Mikee. Gulat akong napatingin sa kanya na ikinabura ng ngiti niya kanina ng buksan niya ang pinto.
"Oh Travis, anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Wala lang may dinalaw lang akong kaibigan. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?"
Napaayos siya ng tindig ng tinignan ko siya ng mata sa mata. Napansin kung namula ang mga pisnge niya. Bakla ba to. Napakamot na lang siya ng ulo niya ng tumingin sa akin.
"Eh ... Anoo.. Dinadalaw ko si Achel"
"Bakit patay na ba siya?" Ang singkit nyang mata ay bigla na lang lumaki.
" Luh Hindi! Nagkasakit kasi siya eh." Painosente akong kunwari na di ko alam na may sakit siya.
"Ok. Paalis ka na diba? You can go. See you tomorrow ok. Ingat." Pagkasabi ko nun bigla na lang siyang tumalikod at umalis.
Isang buntong hininga ang nilabas ko bago ako pumasok sa pintuan ng makasalanang babae na to. Di pa nga kami, harap harapan niya na akong niluluko.
Nilibot ko ang paligid, walang senyales na lumabas siya sa sala. Nilibot ko ang paningin ko at nakakita ako ng dalawang pinto. Maaring isa dun ay kwarto niya at ang isa ay banyo.
Di naman ako nahirapan na hanapin ang kwarto niya. May isa kasing pinto dun na may nakapaskil na " You wanna die? Just enter!"
Kababaeng tao masyadong matapang. Kulang lang sa halik yun kaya ganyan diba. Nay! Pinagsasabi ko.
Pinihit ko ang pinto at laking pagtataka ko kung bakit di ito nakalock, panu kung may mangyari sa kanya? Panu kung marape siya. Pagsasabihan ko talaga tong babaeng to. Di nag iingat eh.
Nakita ko na lang ang hinahanap ko na tila isang prinsesa na mahimbing ma natutulog at hinihintay lang ang isang matamis na halik galing sa kanyang prinsipe. Tangna Travis, ang bakla mo na.
Napansin kung kumukunot ang noo niya na tila ayaw ang napapanaginipan niya. Nung una di ko lang pinansin baka kasi ganun talaga siya matulog. Pero nung makita ko ng di na siya mapakali sa hinihigaan niya. Ginising ko na siya.
"Hey Achel wake up!" Pero kahit anong gawin ko di siya magising gising. Butil butil na rin na pawis ang tumutulo sa kanya.
Pilit ko pa rin siyang ginising at nagtagumpay nga ako. Tatanungin ko sana siya kung ayos lang siya pero bigla na lang akong nagulat ng bigla niya akong yakapin at bigla siyang umiyak.
"Mama... Mama... Mama... Mama.." Yan lang ang paulit ulit na sinasabi niya habang sobrang higpit pa rin ng yakap niya. Niyakap ko din siya ng mahigpit na tila pinapahiwatig kong di ko siya iiwan. Bigla na lang lumuwag ang pagkakayakap niya at napansin ko na lang na nakatulog pala siya. Inayos ko ang pagkakahiga niya at pinunasan ang mga luhang tumulo nung umiyak siya.
Kinumutan ko siya at hinalikan siya sa noo. Isang tingin muna ang pinukol ko sa kanya bago ako lumabas sa kwarto niya. Lumabas ako sa kwartong yun, na dala dala ang paninindigan kong aalagaan ko siya.