Thirteen

5 0 0
                                    

But the story of us look like a tragedy now.
Next chapter please.
*Story of Us*

Travis POV

Nang makita ko siya ulit. Di ko alam kung anong mas mararamdaman ko eh. Masasayangan ba o malulungkot.
Kitang kita ko ang kanyang pagbabago. Hindi na siya ang Achel na minahal ko. Nagbago na siya. Nagbago na.

Alam kong wala na akong karapatan na kausapin siya o lapitan siya. Pero di ko kaya eh. Mahal ko pa rin kasi siya pero ayoko na.

Narito ako ngayun sa harap ng bahay niya. Sa dalawang taon na paglagi niya dito sa pilipinas  walang araw na di ko ninais na makausap siya. Pero twing may panahon na ako naduduwag na lang ako.

Napakuyom na lang ako ng palad ng makita ko ang lalaking yun na palabas ng kanyang bahay. Sa tagal kong pagmamanman sa kanya ay siya ring pagdalaw ng lalaking to.

Napahigpit ang hawak ko sa steering wheel na animoy ikakamatay ko kung di ako hahawak dun. Bababa na sana ako para kausapin ang lalaking yun ng bigla na lang lumabas si Achel.

Kitang kita ko kung pano siya magpaalam sa lalaking yun. Kitang kita ko ang kanyang mga ngiti. Ngiti na para sa akin lang dati pero ngaun iba na ang dahilan.

Nang makita ko siya na pumasok na sa loob saka ko lamang pinaandar ang kotse at umalis.








"Travis anong performance yan!" Napatingin na lang ako Kay manager ng bigla siyang sumigaw. Nahihiya na lang ako sa mga kasama ko kanina pa kami dito at di kami matapos tapos dahil sa akin.

"Break muna manager. Baka pagod lang si Travis eh." Napatango na lang ako sa sinabi ni Adam. Isa sa mga kamyembro ko.

Nang akmang paupo na ako ay siyang pagsasalita ni Danny. Isa sa mga kamyembro ko rin.

"Dude are you really OK? Magmula nung audition eh nagkaganyan ka. Why?"

Bakit. Bakit nga ba ako apektado sa presensya ng babaeng yun. Kung tutuusin siya dapat ang apektado eh Hindi ako pero bakit.

Sa kaloob looban ko alam ko ang sagot pero ayokong punahin iyon. Kasi alam ko sa huli ako lang ang mahihirapan. Ako lang.

Napapitlag na lang ako ng maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Isang tawag yun galing kay mama.

"Oh ma! Napatawag ka po!"

"Anak di ka ba uuwi ngayun?" Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses ng aking ina. Magmula ata na sumikat and ThisBand eh nawalan na ako ng panahon para sa babaeng nagluwal sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.

Dati rati sa twing ganito na may problema ako, makausap ko lang si Achel ay ayos na ako. Pero sa ngayon yung taong nagmamalasakit sa akin eh iniwan na ako. Wala na siya. Iniwan niya na ako.

Pinilit ko na lang na maging masaya pagkauwi ko sa bahay. Ayokong makita ako ni Mama na tila isa akong batang nawalan ng pagkain. Pero nagkamali ako. Nanay ko siya kilalang kilala niya ako.

"Any problem son?"
Napatingin na lang ako kay mama ng bigla niyang haplusin ang mga kamay ko. Di ako nakasagot sa tanong niya. Di ko kasi alam kung ayos lang ba talaga ako. Ayos nga ba ako?

"Alam mo nak. Kahit di mo sabihin alam kung may problema ka, umuuwi ka lang kasi pag may problema ka eh."

Napatingin ako kay mama ng sabihin niya yun, nakangiti man siya pero alam ko sa loob ko na tulad ko ay di rin siya okay.

"Ma"

"Alam mo nak nung nagpasya kang bumukod at maging  artista di ako kumuntra dahil alam kung dun ka sasaya. Oo siguro nga sumaya ka, oo nagkaroon ka ng pangalan. Nirerespeto ka ng mga tao pero nak masaya ka ba?"

Napalunok na lang ako tila pinipigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadya na kumawala.

"Mama"

"Nak sana maging masaya ka. Yun lang ang gusto ko. Gusto ng papa mo para sayo."

Nakahiga na lang ako at napatingin sa kisame ng dati kong  kwarto. Narito pa rin ang mga gamit ko nung kabataan ko. Narito pa rin ang mga alaala na gusto kong kalimutan. Alaalang pilit akong binabalikan.

Gumala ang paningin ko sa gitarang nakasabit sa dingding. Tumayo ako at kinuha ito. Ni walang bakas ng alikabok ang nakita ko pagkahawak ko dito. Dahan dahan ko itong inistrum na tila inaalala ang mga panahong kasama ko pa ang babaeng nagbigay sa akin ng inspirasyon para maging sikat na mananawit.

"Wui Frias anong mukha yan?" Nagulat na lang ako ng makita ko si Achel na nasa harapan ko na. Ganun na ba ako kapreoccupied na ni presensya niya eh di ko lang nahalata.

Umusog na lang ako ng pilit siyang sumisiksik sa inuupuan ko. Narito kami ngayon sa likod ng gym ng school. Dito ko napiling pumunta lalo na at problemado ako.

Kinuha na lang niya ang gitarang hawak ko at inistram niya ito. Inisstrum niya lang ito na tila pagmamay ari niya ang gitarang yun. Nakatingin lang siya sa akin habang patuloy siya sa ginagawa niya.

"Alam mo ba Travis na di ako masaya ngayon? Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan sa twing nakikita kitang ganyan. Di kasi ganyan ang Travis na kilala ko. Yung Travis kasi na mahal ko ay masayahin at di nagtatago ng problema."

Sinabi niya yan habang nakatingin sa akin. Kitang kita ko ang dahan dahan niyang pagngiti at pagbaba ng gitara para mahawakan ang kamay ko.

"Your the beautiful thing that happened to me Travis. So please don't make me feel that I'm not enough. Because you know I'm more than enough" kitang kita ko ang pagsilay ng kanyang mga ngiti. Mga ngiti na nagbibigay sa akin ng kasiyahan.

Di ko nalang namalayan na napayakap na lang ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap niya na tila ayaw nya akong mawala pa sa kanya.

"Mahal na mahal kita Travis. Mahal na mahal."

Nagising na lang ako sa kahibangan ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin na umiiyak at hawak hawak ang gitarang naging saksi  sa pagmamahalan namin. Napangiti na alang ako ng mapait. Kailan ba uli ako makakangiti ng tulad ng dati? Kailan nga ba? Kailan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let's Make It QuitsWhere stories live. Discover now