Love begins with one hello
*Hello*Travis POV
"Hoy Travis nakikinig ka ba?" Napapitlag na lang ako ng bigla akong tanungin ni Matthew, pinsan ko siya. Papunta kami ngayon sa school para magpraktis at dahil bakasyon puspusan ang praktis namin para sa gaganaping battle of the bands. Isang ngiti na lang ang sinagot ko sa kanya.
"Alam mo Travis minsan ang weird mo" sinasabi nya yan na parang di kami magkasama. Tong pinsan kung to,kung di ko lang to mahal pinababa ko na sana siya sa kotse.
"Ano ba problema mo Matthew at ako ang nakikita mo, porket di ka lang pinapansin ng crush mo ako pinagiinitan mo". Mas lalong kumunot ang noo nya na tila di nagustuhan ang sinabi ko. Yan ang gusto ko sa kanya eh, mainitin ang ulo pero uto uto haha.
"Tss! wag kang mag alala Travis. Yung babeng yun akala nya dyosa siya, pasalamat siyat nagustuhan siya ng gwapong nilalang na kagaya ko. Kunti na nga lang tayong gwapo sinasaktan pa hayss." Napatawa na lang ako sa sinabi nya, tignan mo tong taong to akala mo eh ang gwapo gwapo.
Nakarating naman kami sa school ng matiwasay kahit na yung kasama ko eh parang batang nagrereklamo na bakit daw gwapo naman siya pero di siya pinapansin ni Maureen. Buti na lang di ako nahahawa sa kanya. Para sa akin kasi ang mga babae gagawin ka lang alipin. Aba hindi sinilang ang kagaya ko para maging alipin lang.
Habang naglalakad kami sa hallway, batid kong pinagtitinginan ako or kaming dalawa ni Matthew ng mga babae, kahit walang pasok may mga estudyanteng nagsusummer para sa mga bagsak nilang subject o ano paman.
Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga ito na akala mo eh, wala sa harap nila ang pinaguusapan nila.
Habang naglalakad ako eh bigla na lang natanggal ang pagkakatali ng sintas ko kaya umupo muna ako para ayusin ito. Pero saktong pagkatayo ko bigla na lang akong napaupo dahil may bumunggo sa akin. Damn! nadislocate yata mga buto ko.
"Hey Travis you ok?" Pero imbes na sagutin ko ang tanong ni Matthew eh napatingin na lang ako dun sa bumunggo sa akin, pucha natapunan ako ng cake na siguro eh dala dala nya. Ang lagkit pucha.
Pero pagkatingin ko sa kanya, isang nangangalaiting tingin ang pinukol nya sa akin. Siya pa talaga may ganang tumingin sa akin ng ganyan eh siya itong di tumitingin sa daan.
"Hoy ikaw na lalaki ka! Tignan mo ang ginawa mo dun sa cake ko, wala na di ko na yan maipapass. Ahhhh!" Di pa ako nakapagsasalita eh bigla na lang akong tinalikuran ng babaeng yun. Akala mo naman ang ganda ganda niya. Eh ang taba taba naman nya tss! Hindi ako judgemental ah sadyang pangit lang talaga ang ugali ng babaeng yun.
Napatingin na lang ako kay Matthew na tila enjoy na enjoy sa pagsundot ng icing sa polo ko at nilalasahan ito. Patay gutom.
"Pre sarap nung icing ah. Infairness, bigyan ko kaya ng cake si Maureen at baka sakalit maging sweet naman siya. Gusto mo?" At talagang inaalok pa ako ng mokong nato.
"Patay gutom."
"Gutom lang ako di patay, kay Maureen lang ako patay na patay. Yun oh iba nagagawa pala ng icing pahingi pa nga." Akma sana siyang kukuha ng icing sa damit ko ng umiwas ako at tinignan na lang siya ng masama. Iniwan ko na lang siya dun at umalis."One more! Anubayan Travis bat di ka makasabay dun sa kanta. Your supposedly inlove here!" Batid kong galit na din si manager pero wala akong paki lalo nat kasama kung kakanta tong babaeng to!
Pagkarating ko dito sabi ni manager na may malaki daw na pagbabago dun sa contest na sasalihan namin. Sinasabing kailangan daw ng isang lalaki at babeng vocalist. Pero sabi ni manager eh wala naman daw problema at may nahanap na daw siya.
At pag siniswerte ka nga naman itong babaeng to na bumunggo sa akin at tinapunan ng icing ang paborito kung polo ang tinutukoy ni manager. Nakakahighblood.
"Rein pahinga muna, kailangan mong pagpraktisin tong lalaking bokalista mo kulang ata sa tulog." Napatingin na lang ako sa kanya, akala mo ang ganda ganda ng boses, eh mas maganda pa ata ang boses ng mga frustrated singers kaysa sa kanya eh.
Close ba sila ni manager at pumapayag siyang ifirstname basis lang siya ng babaeng to.
"Tss kahit kailan short tempered ka pa rin Achel." Sinabi yun ni manager ng nakangiti, himala at nakangiti si manager. "At ikaw Travis maayos ka pa kahapon at anung nangyari sayo ngayon? Late ka na nga mali mali pa ginagawa mo. Sinasabi ko sayo kukuritin kita sa singit" nahihiya na lang akong napatingin kay manager, si manager ipapahiya na nga lang ako sa harap pa ng babaeng to.
Magsasalita na sana ako ng bigla na lang may nagsalita sa gilid ko. Sino pa ba eh di yung pabida niyong bida tss.
"And your expecting us to win this competition with this bullshits Rein? First pangit ang choices ng kanta mo. Second magagaling ang mga tao sa likod ng mga instrumento pero di naguunite pag kumakanta na tong lead vocalist mo." Sinasabi nya yun na parang wala lang kami sa harap nya bastos na babae!
Napatingin lang ako kay manager ng bigla itong tumawa. Seriously may oras pa siyang tumawa kahit minamaliit na siya ng babaeng ito. Sino ba tong babaeng to at giliw na giliw si manager sa kanya.
" Achel Lee Lambert! Anak ka talaga ni tita. At porket magpinsan tayo eh ipapahiya mo ako sa mga alaga ko ah." Sinasabi yan ni manager ng nakangiti. Panu niya seseryusuhin si manager kung tila tuwang tuwa pa si manager sa ugali ng babaeng ito.
"OK guys bukas na lang tayo magpraktis, for now maglalaro tayo. May isa kasing nagsabi sa akin diyan na para mas maisapuso at maisatinig ang isang kanta dapat may interaksyon at koneksyon ang mga taong kabilang sa kantang yun."
Bigla na lang naglabas ng bote si manager at tuwang tuwang nag utos na gumawa kami ng isang bilog at magsisimula na daw kami sa laro.
Akala ko kokuntra ang mga kasamahan ko lalong lalo na ang babaeng to pero nagkamali ako. Umupo siya sa pagitan ni Mikee ang basist namin at kay Jerome ang drummer namin.
Wala na din akong nagawa kundi umupo na lang at makihalubilo sa kanila. Sa babaeng yun! At dun na nagsimula ang lahat.
