Ninth

4 0 0
                                    

I'll be your crying shoulder.
                  *I'll Be*

Achel POV  

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa study room ni Daddy. Ganun na ba talaga siya kaatat na di muna ako pinapasok at pinaupo bago sampalin.

Im expecting it to happened. Pero yung di ko ineexpect siguro eh yung nagexpect ako na kakausapin muna ako ni Dad bago niya ako saktan.

Kitang kita ko ang pagtaas baba ng dibdib ni daddy na tila pinipigilan pa ang magalit. Kung siguro dati, pag nakikita ko na ang ekspresyon niyang yan ay dali dali ko na siyang yayakapin at magsasabi ng sorry. Magsasabi ako ng sorry kahit hindi ako ang may kasalanan. Ginagawa ko yun dahil takot ako sa kanya, pero ngayon isang malamig na tingin na lang ang kaya kung isukli sa ginawa niya.

Aalis na sana ako ng biglang magsalita si Daddy.

"Ganyan ba kita pinalaki ha Achel? How dare you to turn your back while im still here!" Kitang kita ko ang galit na namuo sa pagkatao ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Ibang iba siya sa lalaking kumupkop nung limang taong gulang pa lang ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin. Mas gugustuhin ko pa sanang maging palaboy kaysa maging tagasalo ng galit niya.

Isang malakas na sampal na naman ang natikman ng pisnge ko. Tangna! Nakatingin lang ako kay Daddy habang paulit ulit niya akong sinasaktan! Nang sa tingin koy satisfied na siya bigla ko na lang siyang tinignan at ngumiti, alam kung kinabigla niya yun, base na rin sa reaksyon ng mukha niya. Kahit ako nabigla rin sa sarili ko.

"What are you smiling at? Do you think it's a joke huh!"

"No dad its not a joke! Kailan po ba naging joke lahat sa inyo. Magmula po ata na tumapak ako sa bahay na to. Lahat na lang po ng sinasabi niyo kailangan ko pong seryosuhin. Lahat po ng gusto niyo sinusunod ko. Lahat po ng pwedeng gawin para lang po mapasaya kayo ginawa ko po. You even change my name without consulting me."

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko, ni di ko man lang magawang punasan ang mga ito. Nakatingin lang ako sa lalaking nag aruga sa akin sa loob ng madaming taon.

Kitang kita ko ang namumuong galit sa mga mata niya. Napalibot ang tingin ko sa buong paligid ng study room ni daddy. Madaming litrato ang nakasabit sa bawat dingding. Iisang mukha lang ang nandun. Mula sa pagkabata hanggang sa magdalaga ito. Iisang tao lang yun. It was the real Achel Lee Lambert. Kitang kita ng dalawang mata ko ang saya sa mata ng taong nasa mga litrato na nakasabit. Na tila pinapahiwatig niyang siya ang pinakamasayang tao na nabubuhay sa mundo.

How I wish I can be happy just like her, but me pretending to be like her? That's so impossible.

"Alam nyo po nung inampon niyo ako. Ako na po yung pinakamasayang bata sa balat ng lupa. Akala ko po kasi pag mayaman na ako, babalikan na ako ng mama ko. Pero hindi po pala. Being your child is the most wonderful thing that happened in my life, but do you know what I regret the most dad?  I just let you to control me. Ganun naman kasi kapag ampon ka eh. You were made to be controlled. Pero dad may narinig ka ba sa akin, none right?

"I just let you ruined me. You destroyed the real me. All i want is love dad, i know I shouldn't beg for it because I don't deserve it. Inampon niyo na nga ako, binihisan,at pinag aral sa magandang school. I thought that's your way of expressing your love for me. But I was wrong. You did that on purpose. You did that so I can be like Achel. I wasn't born to be someone else's dad. But maybe I was adopted to be controlled by you."

Napailing iling na lang ako habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. I was expecting him to say something after that outburst, but I was wrong. To my dismay I just walk away and close that door.

Nilock ko ang pinto pagkadating ko pa lang sa kwarto ko. Dali dali akong humiga sa kama ko at dun binuhos ang lahat ng hinanakit ko sa buhay. Siguro kung may makakakita lang sa akin, tatawanan lang ako. Sino bang tanga ang magsisisi kung nasa kanya na ang lahat? May pera na ako, may trabaho na pagkagraduate ko, pero ang katotohan masakit manampal ang kapalaran. You may have everything, you may have a lot of money but once that you're on top you'll never be happy.

Napapitlag na lang ako ng magring ang cellphone ko. Pinanuod ko lang ang pagrehistro ng pangalan ng tumatawag. My Babes <3 yan ang nakarehistro sa cellphone ko. Si Travis ang unang pumasok sa isipan ko. Yung gagong yun. Natigil na ang pag iingay ng cellphone ko, papatayin ko na sana ito ng bigla ulit rumehistro ang pangalang yun. Wala akong ganang kausapin siya kaya pinanuod ko na lang ang pagpatay ng screen ko. Pero pagkatapos nito isang mensahe ang nakita ko sa screen ko kaya binasa ko ito.

My Babes <3
   Babe di kta makta sa skul, hinanap p nman kita. Nandito ako ngaun sa harap ng bhay niyo, lumabas ka na, lamig na lamig na ako.
P

ainitin mo ako ah ;)

Pagkatapos kung basahin ang text niya ay isang buntong hininga na lang ang naisagot ko. At dun ko lang napansin na umuulan pala. Pati ang panahon nakikiramdam din pala sa akin. Ganun na ba talaga ako kaawa awa?

Tumayo ako at dali daling bumaba. Pinagtitinginan pa ako ng mga kasambahay namin siguro dahil sa itsura ko. Nakauniporme pa ako at halatang halata sa mata ko ng kakagaling ko pa lang sa matinding pag iyak.

Nang makita ako ng gwardya ay nagtaka siya bat ako nagpapaulan. Pinabukas ko sa kanya ang gate, ayaw niya man itong gawin ay wala siyang nagawa. Perks of being Achel Lee Lambert.

Pagkabukas ng gate isang lalaking halatang nilalamig at nakasandal sa kotse ang sumalubong sa akin. Tangnang Travis to may kotse pala, may nalalaman pa siyang magpabasa sa ulan. Isang ngiti ang sinalubong niya sa akin. Halata sa kanyang lamig na lamig na siya. Kaya lumapit ako para bigyan sana siya ng matinding tadyak pero pagkalapit ko isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin.

Di ako nakagalaw sa ginawa niya, di ko na lang namalayan na niyakap ko na din siya pabalik. Basang basa kami sa ulan, pero ang yakap na yun ang pumukaw sa lamig na nararamdaman ko.

That hug ignite the fire that I've been searching for my whole life. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Na tila takot na takot akong mawala pa siya.

"Hindi halatang namiss mo ako ah. So mahal mo na ako nito babe. Mahal din kita."

"Shut up Frias! Bat ka ba pumunta dito ha."

"Para mayakap mo ko ng ganito kahigpit? Kunwari pang ayaw na nandito ako  pero kung makayakap kulang na lang mamatay ako sa higpit."

Binitiwan ko na lang siya at isang masamang tingin ang sinukli ko sa mga sinasabi niya. Pero isang ngiti ang naglalaro sa labi niya at saka ako hinigit at hinalikan sa noo. Ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Napatingin na lang ako sa kanya at ngumiti.

Papauwiin ko na sana siya ng bigla na lang nagdilim ang paningin ko at ang pagresponde ng gwardyang nasa gilid ng guard house ang natatandaan ko bago pumikit ang mga mata ko. Not again please!

Let's Make It QuitsWhere stories live. Discover now