Seventh

4 0 0
                                    

Kailangan ba kitang iwasan.. Sa twing lalapit ay paalam.
                     *Sayo*

Travis POV

Maaga akong nagising para masundo sana si Achel para sabay na kaming pumunta sa practice. Pero pagkadating ko sa apartment na tinutuluyan niya, isang malamig na hangin lang ang sumalubong sa akin.

Nauna na siya sa akin. Hayss palpak naman nito eh. Yung babaeng yun di chinecheck ang cellphone niya. Wala akong nagawa kundi umalis na lang at komprontahin ang babaeng yun. Di pa nga kami inauunder na kaagad ako. Hayys! Ang hirap talagang maging gwapo.

Habang nasa daan ako ay dumiretso muna ako sa flower shop. Syempre first day ng pangliligaw kailangang magpakitang gilas. Nagpasalamat na lang ako dun sa tindera at umalis na.

Pagkarating ko sa school ay nandiyan na naman ang bulungan ng mga babae. Tss siguro kung normal lang to na araw binati ko na sila. Pero dahil loyal boyfriend ako syempre todo iwas ako.

Napangiti na lang ako ng makita ko si Achel. Nakatalikod man siya ay alam kung siya yun. Pahakbang nalang ako sa kanya ng mapansin kung may kausap siya. Ayos lang naman sa akin na makipagusap siya eh, yung di ko lang matanggap ay kaya niya palang makipagtawanan sa iba pero pag ako na barado na sa kanya.

Tatalikod na sana ako pero napansin niya na ako. Hahakbang na sana ako papunta sa kanya pero nagpaalam siya kaagad sa kausap niya at pumasok sa practice room.

Nung una initsyapwera ko lang yun pero yung makita kong nakikipagdaldalan na siya sa mga kabanda namin ay nakaramdam na ako ng iba.

Kokonprontahin ko na sana siya ng harangin ako ni Matthew na may kasamang nakakalokong ngiti habang tinitignan ang lumpon ng rosas na dala ko.

"Nayy! May binata na! San mo ninakaw tong bulaklak ha! Ikaw Travis ah, alam ma ba ni tito at tita na nakabuntis ka na? Lagot ka pag uwi nila." Nilampasan ko na lang si Matthew, wala namang kwentang kausap yun eh, tumigil ako sa pwesto ni Achel na busy sa pagpindot ng keyboard. Seriously vocalist siya sa bandang to diba.

Tumikhim na lang ako sa pag aakalang mapapansin niya ako, pero nagkamali ako umalis lang siya sa pwesto niya at sunod na binutingting ang gitara.

Seriously di ko na siya maintindihan. Pero dahil gusto ko siya magtitiis ako. Sinundan ko siya at gaya kanina ay di niya ako pinansin. Nilatag ko ang lumpon ng bulaklak sa harapan niya. Akala ko mapapansin niya na ako pero nagkamali ako.

Tulad kanina ay umalis na naman siya sa pwesto niya at pilit na nakikipagkwentuhan sa mga kabanda namin. Halata sa mga kabanda ko ang gulat ng makita kaming dalawa ni Achel na di nagpapansinan. Panu ba naman tinext ko sa lahat ng kabanda ko na liligawan ko si Achel, mahirap na at baka maunahan ako ni Mikee halata namang may gusto yun kay Achel eh.

Napatingin na lang ako kay Achel at dahil di ako makatiis dito sa treatment nyang to. Hinigit ko siya at pilit na pinaharap sa akin. Nakaramdam naman ang mga kabanda ko at iniwan kami dun.

Nang kami na lang dalawa ang natira sa practice room ay bigla niyang hinigit ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Nagulat na lang ako sa ginawa niya. Tangna unang araw ko pa lang sa panliligaw bat may ganitong set up agad. Sinalubong ko ang masamang titig niya pero sa huli ako din ang umiwas.

Binasag ko ang katahimikan ng magtanong ako sa kanya na ikinaiwas ng tingin niya sa akin.

"May problema ba Achel? Ayos pa tayo kahapon ah? Anong nangyari?" Pero kahit anong gawin kung pagtatanong ay puro iwas lang ang sinasagot niya sa akin.

Akma na siyang aalis ng bigla ko siyang higitin at siniil ng halik. I know that, its a stupid action but I do it anyway. I kissed her like Im saying how much I love her. Nagpupumiglas siya pero wala akong pakialam. Gusto kong masagot lahat ng katanungan ko. And by kissing her I know I can find the answer, pero nabalik na lang ako sa wisyo ng marinig ko ang sunod sunod na hikbi niya.

Pilit ko siyang hinahawakan pero todo iwas siya. Ang tanga tanga mo Travis, sobrang tanga mo! Napaluhod na lang ako at niyakap siya sa baywang niya.

Di ko namalayang may pumatak na palang luha galing sa kaliwang mata ko. Ang bakla ko tangna. Napaestwata na lang ako ng magsalita si Achel.

"Tama na Travis, ayaw ko ng makipaglaro sayo. Stop this already please." Habang sinasabi niya yun ay ramdam ko ang paghihirap niyang humikbi pero di nakatakas sa pandinig ko ang munting pagsinghot niya.

Napatingin na lang ako sa mukha niya at nagulat na lang ako na nakatingin rin pala siya sa akin. Kitang kita ko ang mga luhang lumalabas sa mata niya. Pilit ko itong pinunasan kahit hirap na hirap na akong nakaluhod.

"Who says I will stop! Kung umiiyak ka dahil akala mo joke lang sayo tong pangliligaw ko dapat tumatawa ka diba? Thats the purpose of saying a joke right? Your supposed to laugh not to cry."

We still stared at each other and we both know that no one want to break this connection.

" Achel ang problema kasi sayo ang laki ng trust issues mo. Just trust me please. Thats what I needed now. How can I prove to you that I like you.. that I love you if you don't trust me?" Umiwas siya ng tingin sa akin.

"You dont know anything Travis. You don't know how it feels to be abandoned by your own mother and father. You dont know how much pain I suffered just to be someone else's child. Ill do anything just for them to be happy. But still its not enough. Di mo alam yung pakiramdam na gusto mong magpahinga pero dahil may inaabot kang expectations sige ka lang ng sige.

"Di mo alam ang pakiramdan na sa isang pagkakamali mo lang, lahat ng magagandang ginawa mo mababaliwala na lang. Tangina diba! Sa twing ayaw ko ng pinapagawa nila sa akin may narinig ba sila ha! Ni isang reklamo wala silang narinig sa kin. Tapos ngayong gusto ko ng lumaya sa kadenang nagpahirap sa akin ng ilang taon ituturing pa rin nila akong basura.

"Hindi mo alam ang pakiramdam na maging stupida, bobo, patapon ang buhay, walang kwentang ampon at higit sa lahat ma-" di ko na pinatapos ang sinasabi niya ng bigla ko na siyang niyakap ng mahigpit.

"Kasi Travis ang sakit sakit na eh! Yung di ka makita ng mga taong importante sayo. Yung di nila makita ang worth mo."

Niyakap ko siya ng mahigpit at inalo alo siya.

"Shhh! Just cry ok! Its ok  just cry. Kung yung mga taong minahal mo ay di ka magawang pahalagahan. Ako muna ang magbibigay ng importansya sayo. Kasi your more than enough. Kung yung mga taong pinagkatiwalaan mo ay iiwan ka lang, ako muna ang mananatili sa tabi mo hanggang sa di mo na maranasan ang maiwan.

"Kung paulit ulit ka mang saktan ng mga taong yun ako muna ang sasalo ng sakit at iiyak para sayo. Kasi ang mga mata mo ay di nakadisenyong umiyak. Ginawa yan para makita mo ang ganda ng mundo. At kung di mo pa rin mahanap ang sarili mo ako muna ang tatayong sundalo para sayo. 

"At kung ilang beses ka ng umiyak dahil sa sakit na pinaramdam sayo ng mga taong nakapalibot sayo, pangako papasayahin kita ng ilang milyong beses hanggang sa malimutan mo ng umiyak. Kasi sadyang napakaganda ng mata mo para umiyak.

"Ako muna Achel! Ako muna ang bubuo sayo!"

AN:
   Credits po kay ate yam para po dun sa last part. That ako muna ang bubuo sayo is my inspiration for this chapter. Sana po magustuhan nyo. Thank you po :)  

Let's Make It QuitsWhere stories live. Discover now