Sixth

2 0 0
                                    

So if you really love me, you gonna gonna gonna love me harder.
           *Love Me Harder*

Travis POV

" Achoo! Hoy achoo!*sniff* Matthew yu-*sniff*" Di ko matapos tapos ang sinasabi ko dahil nababahing na naman ako, isama mo pa ang sipon na to. Tangina namin eh, may date pa naman kami ni Achel tas bigla akong magkakaganito. Panira talaga. Tas itong Matthew na to ki agaga eh nasa bahay na namin at inistorbo na ko sa pagtulog.

"Tangna Travis nandito ako para magpasama sayo sa pamimili ng regalo hindi para hawaan mo ko ng virus." Diring diri pa siya na nakitingin sa akin.

"Uma- achoo! Ay tangna naman oh!" Napahiga na lang ako sa kama, tangna lalagnatin talaga ako nito.

"Hoy Travis anong nangyari sayo at parang magkakasakit ka ha! Eh ikaw pa naman yung taong di nakakapitan ng virus dahil punong puno ka na nun." Tinapon ko na lang sa kanya ang unan ko at tinalikuran ko siya.

"Tangna Travis! Wag na wag mo akong tinatalikuran kong gusto mo pang makita ang kinabukasan mo."

"Tangna Matthew wala *sniff* ako sa kondisyon kita mo naman diba?" Pinikit ko na lang ang mata ko at pinapakiramdaman kung aalis na ba siya. Pero wala pa atang isang minuto ay may bigla na lang nanghigit sa kumot ko na kinainis ko.

"Tang-" Nagulat na lang ako ng makita kung si Achel na ang nasa harap ko at di si Matthew. Napatingin na lang ako kay Matthew na palibot libot ang mata at kusang iniiwasan na di tumingin sa direksyon ko. Nabaling nalang ang  atensyon ko sa babaeng nasa harapan ko ng bigla siyang tumikhim at magsalita.

"Para ka atang nakakita ng multo huh Frias! Tangna!ang sabi mo susunduin mo ako eh anong oras na huh?"

Gulat man ako ay bigla na lang akong napatingin sa relo na nasa gilid ng kama ko. Alas singko na! Tangna! Alas tres usapan namin eh bat kasi di ako ginising ni mama eh. Sinabi ko naman sa kanyang gisingin ako eh. Si mama talaga!

Napakamot na lang ako ng ulo ng mapansin kung sobrang sama na ng titig sa akin ni Achel. Naputol lang yun ng biglang magsalita si Matthew. Ngayon ko lang nakita ang importansya ng  presensya ni Matthew at laking pasasalamat ko dahil dun.

"Alis muna ako ah. Travis sinasabi ko sayo ha! Pag ikaw nakabuntis takwil ka na sa pamilya natin. Gamit ka ng proteksyon ah. Madami ka nun diba?"

Natampal ko na lang ang noo ko dahil sa sinabi niya, binabawi ko na ang sinasabi ko sinusumpa ko talaga siya.

Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko at tinignan na lang ang babaeng nasa harapan ko. Nakataas ang kanyang kilay ng makita ang itsura ko. Tangna nakakaconscious naman tumingin ang babaeng to. Di pa naman ako nagtotoothbrush, panu kung may muta ako? Tae baka maturnoff sa akin kaagad tong babaeng to.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang haplusin ang noo ko. Isang alanganing ngiti na lang ang sinukli ko sa kanya.

"Nagkakasakit ka din pala Frias! Tss ayaw ko sa mga lalaking sakitin. Tandaan mo yan!"

"Tss nagkasakit lang naman ako nung hinalikan kita ah. Ikaw na babae ka makasalanan ka na nga nanghahawa ka pa ng sakit."

"Tangna! Sino ba sa atin ang manyak ha! Kung di ka manyak wala ka sanang sakit ngayon! Aalis na nga ako. Tangna, akala ko kung anong nangyari sayo, ayos ka lang pala!"

Akma na siyang alis ng bigla ko siyang higitin at ipahiga sa kama. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at isinandal ko ang legs ko sa legs niya.

Napatingin na lang ako sa kanya ng mapansin kung naiilang siya sa akin. Inayos ko na lang ang buhok niyang nagulo nung pinahiga ko siya. Tumingin lang siya sa akin habang hinahaplos haplos ko ang buhok niya.

"Sorry kung di kita nasipot ah, *sniff*"
"Its ok madami pa namang next time diba?" Nanlaki na lang ang mata ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Ibig bang sasabihin eh babe na kita?"
"Tangna Frias! Ano to di mo na ko liligawan? Ayos ah! Alis nga aalis na ko wala kang kwentang kausap eh."

Pero mas lalo kung hinigpitan ang yakap ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Bigla na lang siyang napatigil at alanganing tumingin sa akin.

"Joke lang yun babe! Syempre liligawan kita, tapos sasagutin mo ako, tapos papakasalan mo ako tas magkakaanak tayo ng madami."

"Tangna Frias parang sasagutin kita ah! Planadong planado na lahat ha!" Sinimangutan ko na lang siya.

"Ikaw babe wag na wag mong sasabihin yan ah! Ako yung nakatadhana sayo at ganun ka din sa akin."

"Korni mo ata ngayon Frias ah! Di ka pa kumakain noh?" Bigla niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya at bigla niyang nilahad ang palad niya sa akin. Napatingin na lang ako sa kanya, ng bigla siyang ngumiti at kunin ang kamay ko.

"Kumain ka na Frias para makainom ka ng gamot mo, baka mamaya ako na naman ang mapagalitan dahil nagkasakit ka." Nginuutan ko na lang siya ng noo dahil sa mga sinabi niya.

Habang pababa kami sa hagdan ay di ko mapigilang mapatingin sa mga kamay naming magkahawak. Mas diniin ko pa ang kamay ko sa kanya, kaya bigla siyang napatingin sa akin.

"Anong problema mo Frias at ang higpit higpit na ng hawak mo. Bitaw ka nga!" Pero kahit anong gawin niya di ko siya binitawan.

Binitawan ko na lang siya ng makita kong ang sama na ng tingin niya sa akin. Kinuha niya ang pagkakataong yun para iprepara ang kakainin namin. Habang nag aayos siya ay di ko mapigilang mapangiti sa kanya.

"I like you Achel." Out of nowhere nasabi ko na lang ang mga katagang yun. Bigla na lang siyang napatigil sa ginagawa niya kaya hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinaplos haplos ito.

"For now I just like you but trust me maybe tomorrow I already love you. So pls dont get tired waiting ok."

Isang tango lang ang sinagot niya sa confession ko, but its ok. Iba pala ang pakiramdam pag nasabi mo sa taong gusto mo ang nararamdaman mo para sa kanya.

Akala ko ito na yung simula namin. Akala ko lang pala.
           

Let's Make It QuitsWhere stories live. Discover now