Everything that kills me makes me feel alive.
*Counting Stars*Travis POV
"Hoy pre ayos ka lang? Kanina ka pa nagbubuntong hininga diyan eh. Maawa ka naman sa akin at bahong baho na ko sa hininga mo."
Tinignan ko lang ng masama si Matthew at bumalik ulit ako sa pag iisip. Pero si gago di ata nakakaintindi na wala ako sa tulog para makipagbiruan sa kanya, kaya ang ending iniwan ko siya dun. Bahala siya.
Papunta na ako sa practice room ng may marinig akong tumutugtog ng drum. Sa una akala ko si Jerome yun pero pagsilip ko sa pinto ay nagkamali ako. Si epal na babae pala. Dali dali akong nagtago at tinignan na lamang siya sa bintana.
Taena parang stalker ang datingan ko ah. Sa kagwapo kung to, stalker tss! Paalis na ako ng marinig ko ang isang pamilyar na kanta, tinutugtog niya ang Bounce ng The Cab, akala ko walang nakakakila sa banda na yun pero nagkamali ako.
Sa bawat paghampas niya ng drumstick ay lumilikha ito ng kakaibaang ritmo. Na tila nasa isa akong konsyerto ng paborito kung banda.
Nang nasa koro na ng parte ng kanta ay sinabayan ko ito.
Bounce bounce baby bounce back to me.
You dont need this
Bounce bounce baby bounce back to me
You dont need this
This is it call it quits with honestly
You dont need hi-Hindi pa ako tapos sa pagkanta ng bigla siyang tumigil at saktong ibinato sa akin ang drumstick. Buti na lang at nakaiwas ako. Tong babaeng to di na nga maganda brutal pa.
Ibabalik ko na sana sa kanya ang drumstick ng bigla siyang tumayo sa kinauupuan nya at akmang aalis na.
"You really know how to ruin my day huh? Tangina Frias lumayo layo ka sa akin kung ayaw mong mamatay ng maaga." Pero instead na matakot sa pinagsasabi niya. Hinigit ko na lang siya at pilit na pinaupo dun sa dati niyang pwesto.
"Pwede ba Frias wag mo akong hawak hawakan at baka mahawaan mo ako ng AIDs mo" pabagsak niyang hinigit ang kamay nya sa akin at tumingin sa akin ng masama. If I know baka crush lang ako ng babaeng to.
"At san mo naman nakuha ang concept na may AIDs ako? At kailan ka pa mahahawaan sa paghawak lang. Pagiisip mo din iba eh." Isang masamang tingin ang pinukol niya sa akin. Sabi sa inyo eh, may gusto lang talaga to sa akin. Gwapo ko kasi.
"Tss may AIDs ka man o wala wag na wag mo akong hinahawakan. Malay ko ba kung san san mo yan pinanghahawak at mahawaan mo pa ako. Tumabi kat aalis ako."
Di pa siya nakakalayo ay sinandal ko siya sa pader at gamit ang dalawang kamay ko, kinorner ko siya side by side. Ni wala man akong makitang ideya na natatakot siya sa akin.
"Hoy ikaw na epal na babae bat ba ang laki laki ng galit mo sa akin. Gayong wala akong ginagawang masama sayo huh!"
"Tss kung di ka tanga at di mo ko binunggo baka hinahangaan parin kita hanggang ngayon. Pero dahil nga tanga ka! Nahulog ko yung cake na project ko at sankaterbang sermon na naman ang inabot ko."
Napatingin na lang ako sa kanya ng mapansin kung tila paiyak na siya, dali dali siyang umiwas ng tingin sa akin pero di nakalampas ang luhang pumatak sa kanang mata niya. Pupunasan ko sana to ng bigla nyang tampalin ang kamay ko.
Pilit kong hinuhuli ang tingin nya pero panay din ang iwas nya. Kaya kinuha ko ang baba niya at pilit pinatingin sa akin.
Di nakalampas sa akin ang sunod sunod na paglunok niya na tila pinipigilan ang pag iyak, kahit ang sarili nyang mata ay tinatraydor siya, kahit anong gawin nyang pagpigil ay pilit lumalabas ang mga luha nya na tila nagsusumamo na wakasan na ang paghihirap niya.
Napatingin ako sa mga mata niya na punong puno ng luha. Ang mga mata niya ang pinakamagandang lugar na nakita ng mga mata ko. Umiiyak man siya ngayon ay tila gandang ganda pa rin ako sa kanya.
I didnt know that seeing this girl crying in front of me, I can see a beautiful place that only me can notice.
Bigla na lang akong napadako sa mga labi niya. Kitang kita ko ang maliit na lunal niya sa itaas na bahagi ng labi niya.
I dont know what gotten into me but I slowly move my head forward. Yung pakiramdam na gusto kong maranasan ang mga labi niya sa labi ko. Nagkatinginan lang kami sa mata na tila naguusap dun ng makita ko siyang napapikit.
Damang dama ko na ang hininga niya, na tila nang aakit ng bigla na lamang may nagsalita na kinagulat ko kaya napalayo kaagad ako kay Achel.
"Hoy Travis, iniwan mo ko dun tas dadatnan kung may kahalikan ka? Tang ina pare yang hormones mo kontrolin mo naman." Papalapit siya sa amin na tila tinitignan kung sino ang muntik ko ng mahalikan. Nang makita nya na si Achel ito ay nagpalipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa na tila may ginawa kaming masama.
"Tsk tsk tsk. Hoy Travis sinasabi ko sayo ah. Pag nakabuntis ka kaagad takwil ka kaagad sa angkan natin." Kinalakihan na lang ng mata ko ang sinabi niya. Tangnang Matthew to.
Bigla akong tumingin kay Achel kung may reaksyon man siya, pero hayun siya at tila tuwang tuwa sa paglilinis nung gitara niya. Natanggal ang atensyon ko sa kanya ng bigla akong sikmuraan ni Matthew . Mapapatay ko talagang Matthew na to eh.
"Oh anong problema mo at naninikmura ka diyan ha!"
"Wag na wag mo akong sisigawan Travis kung gusto mo pang mabuhay!" Tinignan ko na lang siya na masama.
Napatingin na lang ako kay Matthew ng magsalita ito.
"Crush mo si Achel noh? Tangna Travis anong nakain mo at bigla bigla kang manghahalik ha?"
"For your information muntik lang na mahalikan. Kung di ka sana umepal eh di nahalikan ko na." Napapangiti na lang akong napapasulyap kay Achel habang sinasabi ko yun.
"Naku naku Travis sinasabi ko sa yo ah, wag si Achel ni di mo pa nga kilala ang tao eh, lalandiin mo agad. Dont her pre don't her!" Kinuutan ko na lang ng noo ang pinagsasabi ng gunggong na to.
"Wag kang mag aalala Matthew im serious about her" akala ko magugulat siya sa sinabi ko pero natawa na lang siya. Tong lalaking to minsan na nga lang akong magseryoso tatawanan pa ako.
"Utot mo Travis!" Bigla na lang siyang umalis pagkasabi niya nun at pumunta sa direksyon ni Achel.
Sinalubong siya ni Achel ng isang ngiti ng mapansin nitong nagpapabida na naman si Matthew. At dahil pogi ako syempre sumunod ako. Akala ko magugulat sila sa presensya ko pero nagkamali ako.
"Oh before I forgot kilala mo naman na siya Achel diba?" Minwestra pa ni Matthew ang kamay ko para pormal na magpakilala pero di ito tinanggap ni Achel at tinignan lang ako ng masama. Kung di lang talaga ako interesado sayo.
"I dont have time arguing with jerk like him. Aalis na ko ingat na lang sa paguwi, wag tatanga tanga." Pahakbang na si Achel ng bigla na lang magsalita si Matthew at di ko inaasahan yun.
"Kahit na sabihin kung may gusto sayo si Travis di mo pa rin siya papansinin." Napatigil sa paglalakad si Achel at humarap sa amin.
"Stop joking Matthew its not funn-" kabastusan man pero pinutol ko ang sasabihan niya.
"What if Matthew is not lying. What if im interested with you?" Isang masamang tingin lang ang pinukol niya at humakbang papuntang pintuan.
"Then maybe your ready to die."
