Chapter Eight

4K 99 3
                                    

CHAPTER EIGHT

PAGKATAPOS ng limang araw lang ay inihatid na rin sa huling hantungan nito si Celeste. Marami ang dumalo. Karamihan ay mga kakilala ng pamilya nila pagdating sa negosyo. Kahit walang sinasabi ang mga ito, alam ni Sherin na naaawa ang mga ito sa kalagayan niya ngayong mag-isa na lang siya. Kahit hindi tama ay hindi niya maiwasang maawa rin sa sarili.

"Magpakatatag ka. Hindi gugustuhin ng Lola mong miserable ka, Sherin. Gusto niyang 'wag kang sumuko sa buhay dahil marami pang dadating sa 'yong pagsubok."

Ilang beses nang narinig ni Sherin iyon mula kay Tonette. Kanina pa natapos ang libing pero nandoon pa rin silang tatlo, kasama si Esther, sa puntod ni Celeste na katabi lang ng puntod ng mga magulang niya.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit, Tonette," sabi niyang mas paos pa kaysa noong isang araw ang boses. Ang pagkakaiba nga lang, wala nang dumadaloy na luha mula sa mga mata niya dahil yata naubos na.

Nagpapasalamat siya sa kaibigan niya dahil gumawa ito ng paraan para makaluwas ng Maynila para lang masamahan siya hanggang sa mailibing ang Lola niya.

"Kung kailangan mo ng karamay alam mo namang nandito lang naman ako, 'di ba?"

"Alam ko. At salamat dahil gumawa ka ng paraan para madamayan ako." Sinikap niyang ngumiti pero naging mapait lang iyon.

"Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin at ang pagkakaibigan natin, 'di ba?" ani Tonette at hinawakan ang braso niya. " Kaya halika na, Sherin. Ilang araw ka nang walang tulog at pahinga. Masamang pabayaan mo ang sarili mo. Sige ka, mumultuhin ka ng Lola mo."

Malapit na sila sa kotse nila nang tawagin ni Jervey ang pangalan niya. Nakaparada ang kotse nito sa hulihan ng kotse nila.

"Someone wants to talk to you. Nasa kotse siya. Pwede ka bang sumama?"

Kumabog naman ang dibdib niya. Si TJ ba ang tinutukoy nitong gustong kumausap sa kanya? Agad naman siyang sumama dito.

Nang buksan ni Jervey ang pinto ng backseat ay si Cielo ang nakita niya at mag-isa lang ito doon. No signs of TJ or whatsoever. She was disappointed pero masaya siyang makita uli si Cielo.

"Hi," bati niya nang tabihan ito. Si Jervey naman ay sumakay sa driver seat at pinaandar ang kotseng dating sa kanya. Only, nag-iba na ang kulay to sleek black.

Agad naman siyang niyakap ng dalaga. Ilang sandali pa ay tumatakbo na ang sasakyan.

"I'm so sorry. Kanina pa kita gustong lapitan pero ayaw akong payagan ni Jervey."

Tipid siyang ngumiti."Naiintindihan ko. Thank you sa pagpunta, alam kong hindi safe sa 'yo ang maglalalabas pero ginawa mo pa rin."

"Well, at least nagkausap uli tayo."

"Sorry sa pag-alis ko nang walang paalam. A-ano lang kasi," she cleared her throat."M-may hindi inaasahang nangyari noon..."

Hinawakan naman ni Cielo ang mga kamay niya at pinisil nang mahigpit.

"It's okay. We understand," sincere namang sabi ng dalaga.

Tumingin siya kay Jervey na naka-focus sa daan.

"Jervey, k-kamusta si TJ?" tanong niya dito.

His name felt like a knife on her chest and it was too late, hindi na niya pwedeng bawiin ang tanong.

"Oh," ani Jervey at saglit siyang tiningnan sa salamin."TJ's good. Gaya ng dati. Busy magpayaman."

"G-galit pa rin ba siya sa 'kin?"

Sherin's Own Fairytale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon