Chapter Twenty

7.6K 230 53
                                    

CHAPTER TWENTY

“AYOS ka lang ba, Sheng? Matamlay ka, ah? May sakit ka ba?” sunod- sunod na tanong sa kanya ni Tonette isang umaga habang namamalengke sila nito sa public market. Kailangan nila iyon dahil kinontrata ang karendirya ni Aling Tonya na mag-cater sa isang birthday ng kapitbahay nila kaya naman kailangan nilang magdagdag ng mga sangkap.

“Okay lang ako, wala akong sakit,” sagot naman niya at pilit na ngumiti. “Naalala ko lang ang araw ngayon.”

“Bakit, ano'ng meron sa araw ngayon?” takang tanong naman ng kaibigan niya.

“Ngayon ang...” Tumikhim siya upang alisin ang namuong bara sa lalamunan niya. “Ngayon ang araw ng kasal nina TJ at Katrina.”

“Kaya naman pala,” anito at hinawakan siya sa kamay. “Halata namang hanggang ngayon mahal mo pa kaya apektadong-apektado ka.”

“Mahirap siyang kalimutan, Tonette, eh,” sabi niya at bumuntong- hininga. “Siguro nga hindi na ako magmamahal ng iba gaya ng pagmamahal ko sa kanya.”

“Ang drama- drama talaga nitong kaibigan ko! Bilisan na natin at nang makakain na tayo. Tiyak na gutom lang 'yan.”

“Pasensiya ka na. Mamaya sisimulan ko nang isulat ang kwento ng buhay ko at nang mai-share ko na kay Ate Charo.”

Pagkababa nila ng traysikel ay napansin nila ang isang magarang sasakyan na naka-park malapit sa karinderya.

“Bakit may kotse dito? Dinalaw ba tayo ng politiko? Malayo pa ang eleksiyon, ah?” ani Tonette.

“Baka naman artista ang may- ari niyan?” pasakalye naman niya.

Pinagtulungan nilang bitbitin ang mga pinamili nila at dinala sa kusina ng karinderya.

“Nasa'n si Aling Tonya?” tanong niya sa isa sa mga kusinera na si Mona.

“Nasa taas, hija. May kausap na gwapong mama.”

“Gwapong mama?” ulit naman ni Tonette. “Sino naman?”

“Hindi namin kilala, eh. Halata namang hindi taga-dito. Akala nga namin nitong si Milou artista, eh.”

“Bakit naman kaya?”

“Aakyat na muna ako sa taas,” sabi naman ni Sherin.

“Sige lang. Kami na muna ang bahala dito,” tugon naman ni Tonette.

Lumabas siya ng kusina at habang papasok siya sa bakuran ay hindi niya mapigilan ang mapaisip.

Kung masaya na ngayon si TJ, ako rin magiging masaya. Okay lang 'yan, Sherin. Hindi ka na rin naman mag-isa.

“Aling Tonya?” tawag niya habang papaakyat siya ng hagdan.

“Sheng, akyat ka dito, may gustong kumausap sa'yo.”

Nang tuluyan siyang makaakyat ay nakita niya si Aling Tonya na may kausap na lalaking nakasuot ng puting long sleeve na polo. Nakatalikod ang lalaki sa kanya at biglang nagwala ang puso niya sa ideyang pamilyar ang lalaki sa kanya.

“Aling Tonya?”

“Magkakilala raw kayo, hija?”

Nang tumayo ang lalaki at humarap sa kanya ay tuluyan na siyang napako sa kinatatayuan.

“T-TJ...” halos pabulong na sambit niya sa pangalan nito.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng mga mata niya. Papaanong nandoon ngayon si TJ sa harap niya mismo? Her TJ. He's supposed to be in church, exchanging vows with Katrina. And was that longing in his eyes that she's seeing right now or imahinasiyon lang niya iyon? Dahil siya, talagang nangungulila siya dito simula noong araw na umalis siya.

Sherin's Own Fairytale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon