Chapter Five

4.5K 89 2
                                    

Dedicated to Mommy Thess Ramos, to her beloved husband Lambert and her super cute baby Yannis :) Happy reading po!

***

CHAPTER FIVE



"I DON'T see any reason kung bakit hindi mo 'ko pwedeng maging boyfriend."



"Because I don't see any reason why you have to ask me to be your girlfriend!"



Nasa loob sila ng sasakyan ng binata papunta sa condo nito nang tanungin siya nito kung pwede ba siya nitong maging official na girlfriend. Sinabi niyang hindi kahit na nagsusumigaw ng malakas na 'oo' ang puso niya. Sa tingin kasi niya, magkakaroon lang ng komplikasyon kung ganoon ang kanilang magiging relasyon.



"I don't understand you," hindi maipinta ang mukhang anas ni TJ.



Napabuntong-hininga siya.



"TJ, okay naman tayo sa ganito, 'di ba? We get along kahit na hindi tayo official na committed sa isa't-isa."



"So you think it's just about the great sex?"



Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito.



"What did you just say?" tanong niyang pinaningkitan ito ng mga mata.



"No strings attached! Is that what you mean? Jeez, Sherin, you don't believe I'm serious about us, do you?"



Ibinaling niya ang tingin sa labas ng sasakyan.



"Of course not, TJ. Alam mo naman ang sitwasyon ko, 'di ba? Ayokong gawing lalong komplikado ang mga bagay. Bukas, dadalo ako sa birthday party ni Aurelio. Baka gusto niyang pag-usapan ang...ang tungkol sa kasal namin."



Wala siyang narinig mula sa binata. Sa katunayan ay hindi na ito nagsalita hanggang sa marating nila ang condo nito.



NAKATALIKOD sa kanya si TJ sa kama kaya hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Kanina pa siya nito hindi kinikibo at sa totoo lang ay nagsisimula na siyang mapikon. Kahit kanina nang angkinin siya nito ay tila wala itong pakialam sa kanya.



"TJ, kausapin mo naman ako," mahina niyang sabi.



Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng binata at ilang sandali pa ay hinarap siya nito at niyakap siya.

Sherin's Own Fairytale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon