CHAPTER SIX
"MAY LAKAD ka, apo?" tanong ni Celeste nang mapasukan siya nito sa silid niya habang naglalagay siya ng mga damit sa backpack niya.
"May pupuntahan lang po bukas at baka Sunday na 'ko makabalik. Okay lang naman po sa inyo 'yon, 'di ba, Lola?"
"Sino naman ang kasama mo? Si TJ ba?"
Sinulyapan lang niya ang lola niya at pagkuwa'y isinara ang backpack.
"O-opo."
"Masyado ka na yatang napapalapit sa binatang iyon, hija. Magsabi ka nga ng totoo, umiibig ka na ba sa kanya?"
Napatitig siya rito at pagkuwa'y nagbaba rin ng tingin.
"Lola, sabi ko naman sa inyo magkaibigan lang kami, 'di ba? H-hindi ko siya pwedeng mahalin."
"Tama dahil makakasagabal lang siya sa pagsalba sa kompanya natin."
Isinara niya ang aparador niya at pagkatapos ay naupo siya sa kama niya.
"Bakit niyo nga pala ako pinuntahan dito? May gusto po ba kayong sabihin?"
Umupo naman si Celeste sa tabi niya.
"Gusto ni Aurelio na nandoon ka kapag ginanap na ang auction para i-announce sa mga tao ang engagement niyo once maipanalo na niya ang bid."
Gusto niyang masuka pagkarinig sa pangalan ng negosyante.
"S-sige po. Kung 'yon po ang gusto ninyo," sagot niyang hindi tumitingin dito.
"Iyon lang. Mag-iingat ka sa lakad mo bukas. Good night, Sherin."
"Good night din, Lola. I love you." Lumapit siya sa abuela at niyakap ito nang mahigpit.
"I love you, too, apo ko."
"HELLO, my lady."
BINABASA MO ANG
Sherin's Own Fairytale(Completed)
Romansa(This is in Third Person's POV.) Sherin fell in love with TJ at the wrong time. Nang mga panahong halos mawalan na siya ng pag-asa ay saka niya ito nakilala at binigyan siya ng kakaibang sayang hindi pa niya nararanasan kahit kailan. But since she l...