Chapter Fourteen

4.1K 91 2
                                    

CHAPTER FOURTEEN

MAYA'T MAYA ay napapahagikhik si Sherin sa mga hirit ng komedyanteng si Vice Ganda sa palabas nito kada Linggo ng gabi. Hindi talaga siya mahilig manood ng TV dati pero ngayong nagbago na ang mga pinagkakaabalahan niya ay natutunan na niya ang panonood ng mga paboritong programa ng mga kapitbahay niya bilang pang-aliw sa sarili.

Saktong nagcommercial nang makarinig siya ng katok sa pintuan niya.

Takang tiningnan niya ang direksyon ng pinto. Sino naman kaya ang pupunta sa kanya nang ganoong oras ng gabi?

"Sandali lang," aniyang sa pag-aakalang si Aling Fina lang iyon.

Tumayo siya at sinusian ang kandado ng pinto bago iyon buksan.

"Bakit po, Aling Fina?" tanong niya pero hindi naman landlady niya ang nakatayo sa labas ng pintuan kundi si TJ.

Nahigit niya ang paghinga.

"TJ," anas niya sa pangalan nito."Ano'ng ginagawa mo dito? Ano'ng oras na, ah?"

"I want to sleep with you. Tonight," walang kagatol-gatol na sagot naman nito.

Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto.

"Pasok ka."

Matapos maikandadong muli ang pinto ay hinarap niya ang binata.

"Papatayin ko lang ang TV," kaswal na sabi niya at dinampot ang remote.

"PAGPASENSIYAHAN mo na ang bahay ko. Ito lang kasi ang na-afford ko pero hindi naman siya masikip," sabi pa niya nang buksan ang pintuan ng silid niya."Pati na rin 'tong kwarto ko. Ibang-iba ito sa silid ko dati pero komportable na rin ako matapos kong masanay."

Nang tumuloy si TJ ay isinara na niya iyon.

"I don't mind," sabi naman nito.

Isang maluwang na T-shirt at maikling shorts lang ang suot niya nang mga sandaling iyon. Nang tanggalin niya ang pang-itaas at malaglag iyon sa sahig ay nahantad agad ang dibdib niya.

"What are you doing?" tanong naman ng binata.

"Bakit hindi mo pa tinatanggal ang damit mo? You want to sleep with me, right?"

"I said I want to sleep with you, not to have sex."

Napamaang siya. Dinampot nito ang nahulog niyang t-shirt at iniabot sa kanya.

"Isuot mo ulit, Sherin."

"Fine."

Tumalikod pa siya sa binata at isinuot muli ang damit niya. Hindi niya masiguro kung pinag-isipan ba ni TJ ang pagpunta sa kanya dahil nakasuot lang ito ng asul na polo shirt at shorts. Sumampa na siya sa kama habang tinatanggal naman nito ang sapatos nito.

"Pa'no ka nakakatulog sa ganito katigas na higaan?" tanong pa nito.

"Sa umpisa sumakit talaga ang katawan ko pero nasanay na rin naman ako."

Humiga na siya patalikod kay TJ at nagtalukbong ng kumot.

"Huwag kang tumalikod sa 'kin."

Pumihit naman siya at agad na umunan sa braso ng binata. Niyakap naman siya nito sa beywang at kinabig palapit sa katawan nito.

She nuzzled at his scent at lalong sumiksik dito.

"Ano ang pumasok sa isip mo at pinuntahan mo 'ko?" tanong niya ilang sandali pa.

"I missed Katrina."

Natigilan siya sa loob niya at pakiramdam niya ay may pumiga sa puso niya dahil sa sinabi nito. So TJ and Katrina used to sleep together, too.

Sherin's Own Fairytale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon